May problema ba kung dalin ko sa bahay ang boyfriend ko?

16.1K 693 27
                                    

BeYOUtiful.

Chriden PoV

Pagkatapos ng first subject ko ay lumabas na ako ng school. Wala kasi akong gana. Halos wala rin kasi akong tulog. Masakit ang ulo ko. Masakit ang dibdib ko.

Naipaliwanag ko na sa mga kaibigan ko kung bakit bigla nalang akong nawala kahapon. Panay nga ang tanong sakin ni Sheryl kung magkasama daw kami ni Lloyd kasi halos magkasunod lang daw kaming tumayo. Hindi ko sinabi na magkasama kami para hindi narin humaba pa ang usapan namin.

Napagpasyahan kong gumala mag-isa. Wala lang. Gusto ko lang marelax. Gusto ko ikalma ang sarili ko at gusto kong alamin kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Nandito ako ngayon sa Robinson Imus. Coffee Shop. 4th floor. Mocha Java ang napagtripan kong orderin. (Hindi ako nainom ng hot coffee. Hahaha)

Habang nakaupo ako dun ay napakaraming scenario ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.

Yung unang engkwentro namin ni Francisco sa Angelicas. Astig ko nga nun eh. Lakas ng loob kong pigilan siya pero ang totoo nangangtog na ang tuhod ko nun sa kaba. Naalala ko rin nung pilit niya akong pinapasakay sa sasakyan niya pero hindi ako sumakay, hanggang sa humarang siya sa kalsada para lang bumaba ako ng bus. At wala akong nagawa, sumakay din ako sa sasakyan niya.

Lalo na nung bigla niya akong hinalikan sa harap ng maraming estudyante at sa harap ng kapatid niya sa loob ng cafeteria at ipinakilala niya akong boyfriend niya. Sobrang gulat ko nun at nahiya talaga ako. Hindi ko ine-expect yung pangyayaring yun. Sobrang kaba naman nung kaharap ko magulang niya - kulang nalang tumiklop ako sa sobrang kahihiyan.

Habang naiisip ko yan ay naramdaman kong may tumulo mula sa dalawang mata ko pero ramdam ko naman ang pagngiti ng labi ko.

Tama. Hindi ko na gusto si Francisco.

Kasi mahal ko na siya.

Pero wala rin naman magagawa kahit mahal ko na siya. Meron na siya. May Catalina na siya.

Matapos kong palipasin ang oras ko sa Coffee shop ay napagpasyahan kong umuwe na. Wala rin naman akong ibang gagawin dito. Yun lang talaga ang ipinunta ko para makapag-isip - para makapagrelax.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuya gala tayo!" Bungad sakin ni Chrien.
"Pagod si Kuya bunso, bukas promise gagala tayo. Wala akong pasok bukas" sabi ko sa kanya sabay himas sa kanyang ulo.

Bumalik sa pagkakaupo si Chrien. Nakakakunsensya naman yung sinabi ko sa kanya. Siguro namimiss lang ako ng kapatid ko kaya niya ako niyayakag gumala. Matagal narin kasi yung huling gala namin.

Pumanik ako sa kwarto ko. Nilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng mini-drawer ko at nakuha ng isang stufftoy ang atensyon ko. Yung bigay ni Francisco sakin nung nagpunta kami sa mall.

Nagpalit ako ng damit. Tumingin ako sa wallclock ko. 3:10pm. Maaga pala akong dumating ng bahay. Malimit kasi ginagabi na ako ng uwe. Hindi kasi maganda ang schedule ng klase ko.

"Tata bunso. Lakad lakad tayo" yaya ko kay Chrien. Nakunsensya kasi ako kanina sa sinagot ko sa kanya.

Mabilis na tumakbo palapit sakin si Chrien at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na Kuya!" Masayang hila sakin ng kapatid ko palabas ng bahay namin.

"Huwag ka magpapabili ng mahal ah! Walang pera si Kuya" nakangiti kong ani sa kanya.

"Promise Kuya! Yung mura lang" -Chrien.

Naglakad na kami palabas. Nagpunta kami ni Chrien sa bayan. Sa Park.

Naupo ako sa bench at hinayaan ko lang makipaglaro si Chrien sa mga batang naglalaro sa playground.

Ang saya maging bata. Walang iniisip na problema at puro laro at gala lang ang nasa isipan.

Napaisip akong bigla.

Dapat ko bang sabihin kay Francisco ang nararamdaman ko? O mas mabuting hindi nalang para hindi ako makagulo kung ano man ang meron sa kanila ni Catalina?

Sino nga ba si Catalina?

Takte! Eto nanaman ako! Kaya ayokong napapaisip eh!

Naramdaman kong bigla ang pagpatak ng pinong ambon. Tinawag ko agad ang kapatid ko. Wala kasi kaming dalang payong. Wala naman sa loob ko na maaring umulan ngayong araw na ito. Ganda ng araw kanina eh.

Nagsimula na muli kaming maglakad ni Chrien pauwe.

Hanggang sa ang mahinang ambon ay napalitan ng unti-unting paglakas ng pagbuhos ng ulan.

Wala akong makita na pwedeng pagsilungan.

Kung ako okay lang mabasa, ang kapatid ko hindi pwede. Ayoko magkasakit ang kapatid ko.

Malakas na ang ulan. Tanging panyo lang ang nailagay ko sa ulunan ng kapatid ko.

Nagulat nalang ako ng biglang may bumuhat sa kapatid ko. Mabilis nitong isinakay sa loob ng sasakyan ang kapatid ko.

"Get in the car!" Sigaw niya sakin.

Get in the car!

Get in the car!

Get in the car!

Biglang akong may naalala sa narinig ko. Nakatingin lang ako sa taong nasa kabilang side ng kotse.

"Hindi mo ba ako naririnig? O may balak ka talagang maligo sa ulan!" Bulyaw niyang muli sakin.

Awtomatikong pumasok ako sa loob ng sasakyan. Kumuha siya ng baby towel sa mini-drawer ng kanyang sasakyan at humarap sa likuran.

Pinunasan niya ang basang katawan ng kapatid ko.

Matapos yun ay humarap siya sakin at ako naman ang kanyang pinunasan.

Hinawakan ko ang kamay niya na walang tigil sa kakapunas sa mukha at leeg ko.

"A-ako na.." Sabi ko sa kanya.
"Salamat" mahinang dugtong ko.

"Sa susunod kung igagala mo ang kapatid mo dapat nagdadala ka ng payong! Hindi ka ba marunong magbasa ng balita? Sinabi na may chance na umulan ngayon!" Pagalit pero malumanay niyang pagkakasabi.

Hindi ko na nagawang sumagot pa. Hindi ko rin kasi ine-expect na nandito siya at kasama ko siya sa oras na ito.

"Okay ka lang Chrien?" Tanong niya sa kapatid ko.
"Nilalamig ako Kuya Paul" sagot naman ng kapatid ko.

"Oh eto suutin mo" sabay abot niya ng isang jacket.

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Francisco. Kapwa kami hindi nag-uusap. Wala kasi akong maisip na pwede naming pag-usapan.

"Maglaro ka muna Chrien. Eto may bago akong disc" sabay abot muli ni Francisco ng DSLite Nintendo.

Nakangiting kinuha iyon ni Chrien at tumahimik sa likuran.

"Oh teka..San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nung napansin kong nilampasan niya yung daan papunta samin.

"Sa bahay." Tipid niyang sagot sakin.

Wow! Napakadaling sumagot!

"Bahay? Teka. Bago ka umuwe ihatid mo muna kami. Ano naman gagawin namin dun!" Gulat kong tanong sa kanya.

"May problema ba kung dalin ko sa bahay ang boyfriend ko?" Seryosong sagot niya.

______________

Ang lameeeeeeeg!

Ang sarap sa pakiramdam basahin yung mga comments niyo :)

Thanks po sa Votes and Comments.
Labit!

Bubei Yebeb (Chriden)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon