Slow motion- Fast forward

13.9K 452 16
                                    

"Till I found you"

Jerome Kier PoV

Nandito ngayon kami sa Water Park resort. Dito kasi venue kung saan ginaganap ang birthday celebration ni Bingbong.

Nandito rin ang ibang mga kaibigan ni Den. Pinakilala niya ako kanina sa kanila. Sila Christine, Joan, Jeff, Jherson at yung lalaking parang walang emosyon. Parang ako nga rin daw yun sabi ni Den eh.

Nakaupo ako ngayon magisa dito sa isang table malapit sa table ng mga kaibigan ni Den.

Napapangiti na nga lang ako sa tuwing maalala ko yung paguusap namin ni Den nung isang gabi eh.

Flashback

"Den oh.." Sabay abot ko sa kanya ng isang boteng redhorse.

Nakasandal kami ngayon sa sasakyan ko. Ayaw daw niya kasi sa kanila kasi sobrang init. Kaya dito namin naisipan magpalipas ng oras. Pasado alas onse na kaya wala na masyadong tao dito.

"Uy.. Punta ka sa birthday ni Kuya ha!" Basag ni Den sa katahimikang bumabalot samin.

Napangiti ako sa sinabi niya. Ibig sabihin gusto rin niya akong makasama kaya iniimbita niya ako.

"May lakad yata ako sa friday eh.." Kunwaring sagot ko sa kanya. Gusto ko kasing pilitin niya ako.

Bahagya siyang tumahimik at pinagpatuloy ang paglagok sa hawak hawak na bote ng alak.

"Pupunta ako sa isang kundisyon..." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Ano yun?" Tanong niya habang seryosong nakatingin sa mukha ko.

End of flashback

Nagsimula na ang selebrasyon. Patuloy ang pagikot ng mga waiter na may dalang wine para sa mga babae at ang iba naman ay patuloy sa paglalagay sa bawat table ng hard drinks.

Wala pa si Den. Busy pa siguro sa pagtulong sa pagaayos. Naiinip na nga ak eh. Gusto ko na siyang makatabi uli. Gusto ko na uli siyang makausap. Nasanay na ng sobra ang sarili ko. Hinahanap hanap ko na siya.

Nagsimula ng tumugtog ang banda. Nagsimula narin sa pagkanta ang bokalista. Ang ganda nga ng boses eh.

Np: Till they take my heart away

Nagsimula na ang kanya kanyang kwentuhan ng mga taong nasa paligid ko. Tawanan, asaran at yabangan. Natatawa na nga lang ako sa mga naririnig ko dito sa malapit sa table ko eh.

Tumayo ako. Naglakad lakad ako hanggang sa nakita ko ang isang maliit ng upuan malapit sa pool slide. Hawak ko ang alak na iniinom ko. Naupo ako habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng resort na ito. Maganda. Maluwang at masaya.

And when I hold you in my arms I promise you

Natigilan akong bigla dahil sa naririnig kong kanta.

You're gonna feel a love that's beautiful and new
This time I'll love you even better than I ever did before
And you'll be in my heart forevermore

Dahan dahan akong tumayo upang makita ko kung kanino nanggagaling ang napakagandang boses na iyon.

We, were just too young to know
We fell inlove and let it go
So easy to say the words goodbye,
So hard to let the feelings die
I know how much I need you now,
The time is turning back somehow
As soon as our hearts and soul unite
I know for sure we'll get the feeling right

Oh my God. Totoo ba ang nakikita ko? Totoo ba ang nasasaksihan ko?

Totoo ba ang naririnig ko?
Sa kanya ba talaga nanggagaling ang napakagandang boses na naririnig kong nakanta?

And now, we're starting over again,
It's not the easiest thing to do
I'm feeling inside again,
Cause everytime I look at you
I know we're starting over again,
This time we'll leave all the pain away
Welcome home my lover my friend
We are starting over, over again.

Ang sarap pakinggan. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko inaakala na sobrang ganda ng boses ni Den. Totoo nga ang sinabi ni Bingbong. Maiinlove ang sinumang makakarinig ng boses ni Den kapag kumanta na siya.

Nagpatuloy pa siya sa pagkanta. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko magawang alisin ang pagkakatingin ko sa kanya.

Pati ang mga taong nandito ay natuon ang atensyon sa kanya.

Ramdam na ramdam ko ang pinapahatid ng kanta. Yung tipong may imaheng nabubuo sa isipan ko. Ang weird pero totoo ang sinasabi ko.

Nagpalakpakan ang mga tao nung matapos ang kanta ni Den. May mga naghiyawan pa nga eh.

"Mahal na kitaaaaaaa!" Narinig kong sigaw ng isang bisita ni Bingbong.

Mahal your face! Ulul! Sakin lang si Den at hindi siya pwedeng mapunta sa kahiy kanino! Gusto ko sanang sabihin yan sa kanya kaso nakapagpigil pa ako. Ayoko naman gumawa ng eksena dito.

"Ehemmm.." Narinig ko mula sa speaker. Si Bingbong hawak hawak ang mikropono.

"Maraming salamat sa inyo dahil pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko sa simpleng selebrasyon ng kaarawan ko. Enjoy lang kayo. Kung may kailangan kayo magsabi lang kayo sa mga waiter" mahabang litanya ni Bingbong.

"Nga pala, hope you enjoy the CnY band. Si Den nga pala, vocalist pinsan ko" sabay abot ni Bingbong ng mikropono kay Den.

Nagsimula nanaman sa pagsipra ng gitara ang gitarista. Sumabay na ang piano at drums.

Maniniwala ka ba kung malaman mo
Ikaw yata ang tinatangi ng puso kong ito
Isipin mo nga kayang
Nagbibiro lamang ako
Mahal kita, mahal kita
Palagay ko.

No words can express how I feel tonight by hearing your so damn beautiful voice Den.

Ang sarap sa pakiramdam na imaginin ko na kinakanta mo sakin yan.

Palagay ko mahal kita
Ikaw na nga walang iba
Di pa kase masabi
Ng puso ang nadarama
Pansinin mo rin kaya
Mahalin mo rin kaya
Kasi na nga
Palagay ko mahal kita.

Yung sinasabi nilang slow motion walang sinabi sa nangyayaring fast forward ngayon sakin. Napipicture ko ang sarili ko na kasama ko si Den at kapwa kami masaya.

Nahihibang na ako. Nahihibang na ako sayo Den.

Sige lang, hihintayin kita
Sige lang, sa tingin koy malapit na
Kung magmamahal ka na
Maalala mo ako,
Maalala mo ako, palagay ko...

Napapangiti ako sa twing bumubuo ako ng scenario sa isipan ko. Ang saya. Napakasaya ko.

Yung makasama lang kita ng ilang oras napakasaya ko na - yun pa kayang makasama kita hanggang sa pagtanda. Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Korni? Wala eh. Totoo lang ang sinasabi ko. Sobrang mahal ko na si Den.

Hindi ko napansin na ubos na pala ang iniinom ko.

Naglakad ako papunta sa table para kumuha pa.

Pagkadampot ko sa isang bote ay napabaling ang tingin ko sa isang direksyon.

"Paul..."

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now