Damuhong ito! Kayabang-yabang!

27.8K 916 57
                                    

Buset na nabiling yun! Sabe. "Pabili may tililing" sigawan ko nga siya. Yun pala Mighty Red ang binibili. Hahaha! Tawa ako eh.

Chriden PoV

Pagpasok ko ng gate ng school ay agad na hinila ni Elaine ang kamay ko. Ngayon ko lang nalaman na siya pala si flashwoman bigla bigla nalang sumusulpot at nanghihila.

"Baket ba bessie? Para namang nandiyan na ang kalaban natin at kailangan na natin magtransform into Saulor Uranus at Neptune!" Pagbibiro ko sa kanya.

"Huwag mo nga munang pairalin yang kabaklaan mo diyan! Tingnan mo nangyayari sa cafeteria" turo niya sakin habang papalapit na kami don. Ang daming estudyante ang nakapaligid don.

Nakita ko si Paul at mga kaibigan nito na may binubully nanaman.

"Hindi na po mauulit.." Narinig kong sabi nung tatlong lalake habang nasa lapag. Gustuhin ko man lumapit at pinigilan na ako ni Elaine. Alam naman niyang takot ako sa dugo at naisip niyang paniguradong may dugo dun dahil kay Paul.

Siga talagang yang hampas-lupang iyan! Lahat nalang yata ay binubully. Siguro dapat iwasan kong makabangga ulit siya kasi baka dumating ang pagkakataong ako na ang sumunod na bangasan niya ng mukha. JuskoLord! wag naman po. Sana nakalimutan na niya yung nangyari samin nung enrolment.

"Oh baket muntanga ka diyan bessie?" Tanong sakin ni Elaine habang nandito kami sa paborito naming pwesto sa cafeteria. Dito nga rin pala sa pwesto namin nangyari yung pambubully ni Paul sa tatlong lalake.

"Wala. Naisip ko lang kung saan matatagpuan ang Onepiece treasure"
"Araaaaay!" Sigaw ko nung binatukan niya ako.
"Kelan ka ba magiging matinong kausap bakla ka!?" Dugtong na sabi ni Elaine. Pasalamat ka Elaine at bespren kita, kung hindi naku! Pinakain na kita sa banana crocodile na alaga ni Mr.0!

Bumalik na kami sa kanya-kanya naming room. Last subject na kasi. 7:00 -8:30pm biology - kay Maam Aboyme. Sinabi niyang sa next meeting daw ay disecting daw ang gagawin namin. JuskoLord! Ayoko nun! Hindi ako pwede don! Sabay-sabay napatingin sakin ang mga kaibigan ko at nagbigay ng mapang-asar na ngiti.

"Makakasama nyo nga pala ang Crim sa disecting this coming monday" huling sabi ni Maam at lumabas na kaming lahat ng lecture room.

Hindi makakasabay sakin sa pag-uwe si Elaine dahil sinundo siya ni Craven. Kaya eto loner ang peg ko ngayon.

Buset na mga sasakyang dumadaan! Puro papuntang bacoor. Hindi naman ako taga-bacoor aa! Taga-Tanza ako nu!

Inabot na yata ako ng 9:15pm sa kaaantay ng masasakyan.

Nakita kong palabas si Kenneth ng school. Lumapit siya sakin.

"Sabay na ta-"

Beeeeeep beeeeeeep!

Hindi na naituloy ni Kenneth ang sinasabi niya dahil sa malakas na busina na nanggagaling sa likuran namin.

"Get in the car"
Napakunot ang noo ko nung nakita ko kung sino ang nagsalita galing sa loob ng sasakyan.

"I said get in the car!" Medyo napalakas na ang pagkakasabi ni Paul.

Hindi ko siya inintindi. Sumakay kami ni Kenneth sa tumigil na baby bus at iniwanan ko ang hampas lupang walang modo kung makasigaw sakin.

"Magkakilala pala kayo ng sigang yun sa school natin ah!" Sabi ni Kenneth nung nakasakay na kami.
"Hindi kami magkakilala, baka nagkakamali lang yun kan-" hindi ko naituloy muli ang sasabihin ko nung biglang pumreno ang sinasakyan namin dahilan para mahulog ako mula sa kinauupuan ko.

"Okay ka lang Den?" Ani ni Kenneth.
"Ikaw kaya ang mahulog at mauntog? Okay ka kaya!" Pambabara ko sa kanya.

Umayos ako ng pagkakaupo.

"Ano bang problema mo boy! Umalis ka diyan at nakakaistorbo ka" narinig kong sabi nung driver.

Nagsisilipan na ang mga nakasakay na pasahero sa unahan at nakakarinig na ako ng mga bulungan.

Sa sobrang kakatihan ko ay nakisilip narin ako.
Nakita kong may nakaharang na sasakyan sa unahan ng baby bus na sinasakyan namin at may nakasandal sa kotse na lalake na may hawak hawak na sigarilyo.

Teka. Parang kilala ko yun ah. Putakte! Si Paul!

"Kausapin mo nga yun Kenneth!" Sabi ko sa katabi ko.
"Ikaw na! Mahal ko pa buhay ko nu! Ayoko ngang matanggal sa eskwelahang pinapasukan natin" duwag na sagot niya saken.

Kaya no choice ako. Kaming dalawa lang naman ni Kenneth ang kilala si Paul pero mukhang takot siya kaya NO CHOICE. Ako na!

Bumaba ako ng sasakyan at nakita ko nga si Paul na nakasandal sa kanyang AWESOME na car. Ang kintab kintab nga kahit madilim na ang paligid.

"Itabi mo nga ang sasakyan mo, hindi mo ba nakikitang nakaharang ka!" Lakas loob kong sabi sa kanya.
Himithit siya ng sigarilyo at sabay buga.
Hindi siya nasagot bagkus binuksan niya ang isang pintuan ng kanyang sasakyan.

"Hindi mo ba ako naiintindihan Mr. Paul!?" Mariing giit ko pa sa kanya.

"Kung magkukwentuhan kayong dalawa diyan pwede bang pakitabi muna ang sasakyan para makaalis na kami, humahaba na ang traffic" sabi nung driver samin at talagang bumaba na para masigurong naririnig namin siya.

"Hindi mo ba nakikita? Nagkakandatrapik na sa kagagawan mo!" Giit ko pa sa kanya.

"Get in the car" mariing pagkakasabi niya sakin.

Hindi ko ulit siya inintindi.

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka nasakay sa sasakyan ko" seryosong sabi niya sakin and takenote nakakatakot ang tingin na ibinibigay niya sakin.

Mukhang seryoso ang impakto kaya sumakay na ako ng sasakyan niya. Sinara niya yung pintuan na pinasukan ko at agad din naman siyang sumakay sa drivers seat at mabilis na pinaandar ang nakaharang niyang sasakyan.

"Sasakay ka rin pala puro ka arte" sabi niya habang nagda-drive.
Hindi ako naimik. Natatakot ako. Baka ito na yung time na gagantihan niya ako. Baka bugbugin niya ako at itapos nalang ako sa tabi ng Villamar may narinig kasi akong balita na may pinatay daw doon at nakita ang bangkay na bugbog sarado at puro saksak. Yikes! Please Lord ayokong mamatay ng ngetpey ang katawan ko.

"Diyan nalang ako sa kanto ng Tejero" sabi ko sa kanya pero hindi niya ako inintindi. Dire-diretso parin siya sa pagmamaneho.

Hindi nalang ako nagsalita pa. Bahala siya kung saan niya gustong magpunta. Irereklamo ko siya bukas na bukas din dahil kidnaping ito! (Lakas makamayaman ko nu) hahaha!

"Paano mo nalaman ang bahay namin?" Takang tanong ko nung tumigil kami sa harapan ng bahay namin. May mga tambay pa nga sa kalsada at nag-iinom.

"Lakad na! Uwe na!" Sigaw niya sakin pero hindi siya natingin saken. Impaktong to! Napakabastos! Binuksan ko ang pintuan at mabilis na akong lumabas ng sasakyan. Medyo nawala na yung kaba ko dahil nakakasigurado na akong ligtas na ako. Malakas kong idinabog pasara ang pintuan. Matapos yun ay umalis na siya.

Damuhong ito! Abnormal! Kayabang-yabang!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now