Kelan pa naging krimen ang pagsusuot ng skinny jeans?

18.8K 685 40
                                    

The world would be nice if you would be nicer to it :)

Be nice!

Chriden PoV

Kumpleto na ang grupong pinag-isipan kong buuin. Hahaha! Kasali si Kenneth at ibang kaibigan niya at ako. Napagdisisyunan namin na pagkatapos ng activity tuwing hapon kami magpapraktis.

Nakapagparegister na agad kami sa regustration area kaninang umaga. Maaga kasi kaming pumasok para maayos na agad ang booth namin.

Maraming naloloko sa booth namin. Dami nagpapahula. Hahaha! Natatawa nga ako kasi si Sheryl ang nanghuhula sa kanila.

Ang dami naring naghayang mga eatudyante at ang saya-saya. Naririnig ko ang message booth na naisip nila Kenneth at dedication ng kanta.

May mga lalaking nanghuhuli ng kapwa estudyante at nilalagyan ng posas. Sigurado ako wedding booth yun ng mga nursing student.

Meron namang hinuhuli ang mga nakacolor red na damit at ikinukulong sa ginawang kulungan ng criminology. Kina Francisco yun.

Ang saya ng araw na ito. One week kaming ganito at wala rin klase.

"Den ikaw naman dito" tawag sakin ni Gladys. Siya kasi yung pumalit kay Sheryl sa panghuhula sa booth namin. Naupo ako sa loob ng booth. May harang naman ang booth namin kaya hindi namin nakikita kung sino yung nagpapahula at hindi rin nila kami nakikita.

Naramdaman kong biglang may pumasok. Base sa nakita kong repleksyon nun sa anino ay nakaupo na ito pero wala akong naririnig na salita mula sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit naisipan kong pumasok dito...alam ko naman na hindi totoo ang hula dito" narinig kong sabi ng taong nasa kabilang pwesto. Lalaki siya. Hindi ako pamilyar sa boses niya kasi medyo parang malat iyon. Nagkukumanta siguro tong taong ito.

"Tutal nandito na naman ako...hihingi nalang ako ng payo. Balita ko kasi nakakagaan ng loob kausap ang mga psychologist"

Ipinasok niya ang kanyang kamay sa maliit na butas na namamagitan sa aming dalawa. Wala sa loob kong hinawakan iyon. Ang lambot. Ang init.

"May nagugustuhan kasi akong tao. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ko siya nagustuhan. Ang saya ko sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya" saglit siyang tumigil sa pagsasalita.

Nakikinig lamang ako sa kanya. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.

"Sinusubukan kong iparamdam sa kanya na gusto ko siya pero parang hindi niya iyon napapansin. May pagkaisip bata kasi siya. Hindi siya katulad ng normal na tao."

Takteng lalaking ito. Pupurihin niya yung tao tapos lalaitin din? Adik lang ah!

"Nakipaghiwalay ako sa girlfriend ko dahil sa kanya. Siya kasi lagi ang tumatakbo sa isipan ko. Lalo na nung nagkiss kami, hindi ako makatulog nun. Paikot-ikot ako sa higaan dahil puro imahe niya ang nakikita ko. Ewan ko nahihibang na yata ako sa kanya"

Kiss? Ayieee! May naalala tuloy ako.

"Kaso may isa pa akong problema... Gusto rin siya ng kaibigan ko. Palagi nga silang magkasama. Nagseselos ako sa tuwing nakikita ko sila. Kung may pagkakataon nga lang ay ilalayo ko na siya dito para magkasama na kami palagi"

Lakas ng tama ng lalaking ito.

Nakakainggit naman kapag ganito ugali ng nagkakagusto sakin. Kung ikukumpara si Francisco? Tangna! Walang sinabe! Warfreak na bully ang walanghiyang iyon!

"Salamat sa pakikinig. Sige na aalis na ako" dugtong niya sa kanyang sinabi.

Hindi ko alam pero hinigpitan ko ang kapit sa kanyang kamay para manatili siyang nakaupo.

Kinuha ko ang isang papel na nakapatong sa gilid ko at may isinulat ako dun pagkatapos ay inilagay ko sa kanyang kamay.

Umalis narin siya matapos kong ibigay ang papel. Sana makatulong sa kanya ang isinulat ko sa papel.

Lumipas ang ilang oras ay napagpasyahan naming magkaroon ng pahinga. Nakakapagod na kasi eh.

Umupo kami sa table na inilagay ni Norman malapit sa booth namin. Naikwento ko sa kanila na lalahok kami ng mga kaibigan ko sa dance competition at sinabi naman nilang susuportahan daw nila kami. Ayos na ayos to! Dapat manalo kami.

Biglang may dalawang lalaki ang humawak sa magkabila kong braso.

"You are under arrest because of wearing a skinny pants" sabi nung lalaking mukhang suso!

"Bitawan nyo ako! Mga mukha kayong hitoooo! Bitiwan nyo akoooo!" Sigaw ko sa kanila. Todo palag ako nun.

"Rape! Rape! Harrassment!" Sigaw ko dahilan para tumawa ng tumawa ang mga kaklase ko.

Wala na akong nagawa. Ipinasok na nila ako sa jail booth. Kelan ba naging krimen ang pagsusuot ng skinny jeans!?

Biglang lumabas si Kerby at nilagyan ako ng presyo. 1k.

Bakit 1k ang presyo ko? Walang tutubos sakin kung ganyan kalaki ang presyo!

"Oy! May importante pa akong lakad Kerby... Pls..let me out" pagmamakaawa ko sa kanya. May praktis kasi kami ng sayaw kaya kailangan kong makalabas dito.

Saka ang alam ko hanggang 50php lang ang presyo ng bawat kinukulong dito ah!

"Nope. Sumusunod lang ako sa rules chicky" nakangiting sagot sakin ni Kerby.

Magtae ka sanang hayup ka!

Malas naman oh! Naiwanan ko pa cp ko sa bag. Kahit naman dala ko iyon ay walang tutubos sakin.

Magdadalawang oras na yata akong nasa loob netong kulungan na ito. Bagot na bagot na ako dito. Tinatawanan lang ako ng mga estudyante na dumadaan sa harap ko. Kapag ako nakalabas dito humanda sakin yang Kerby na yan! Kahit anak mayaman pa yan tutuktukan ko yan!

"Oh ayan may nagpiyansa na sayo! Makakalaya ka na" nakangiting sabi ng bubuyog na si Kerby.

Inirapan ko nalang siya at mabilis lumabas ng kulungan. Ganito pala ang pakiramdam ng nakalaya - ang sarap sa pakiramdam.

Pagkalabas na paglabas ko ay may naglagay naman ng posas sa kamay ko.

"Teka ano nanaman to?"
"Pasensya na. Napag-utusan lang" pagkatapos nun ay kinaladkad na nila ako.

Kapag minamalas ka nga naman! Una nakulong ako sa salang pagsusuot ng akinny jeans ngayon naman eto nakaposas ako at hindi ko alam kung ano naman ang nagawa ko.

Magtatanong pa sana ako pero walang nailabas na salita ang bibig ko nung nabasa ko kung saan nila ako ipapasok.

Wedding booth!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now