Den, I'm not giving you up

12K 456 17
                                    

I will never let you fall - gonna give you my all this time.

Chriden PoV

"Mukhang nakainom ka ah?" malumanay na tanong ni Paul.

"Konti lang. Nagkwentuhan kami ni Sheryl eh" sagot ko naman sa kanya.

Dahan dahan niyang in-on ang mini component ng kanyang sasakyan. Nagsimula ko ng marinig ang pagkanta ng carpenters.

(pls play: we've only just begun)

Nabalot kami ng katahimikan.

Medyo nakakaramdam yata ako ng akwardness sa pagkakataong ito.

Naalala ko tuloy ang mga napagusapan namin ni Sheryl kanina.

Hindi ko maiwasan ikumpara sa sarili ko.

Oo. Inaamin ko wala na akong bang mahihiling pa kay Jerome. Nandiyan siya palagi para sakin. Ramdam ko ang pagmamahal niya. Hindi niya ako pinapabayaan. Ramdam ko ngang ligtas palagi ako sa tuwing kasama ko siya.

Guapo si Jerome.
Mayaman.
Mabait.
Mabuti.

Ano pa nga ba ang dapat kong hanapin sa kanya?

Sa kanya ko naririnig ang mga bagay na nais kong marinig sa isang tao. Naramdaman kong mahalaga ako sa kanya.

Pero yung tanong ni Sheryl kanina ang biglang gumulo sa payapa kong isipan.

Sino nga ba talaga ang tinitibok ng puso ko?

Sino nga ba talaga ang gusto ko?
Sino nga ba talaga ang mahal ko?

Kung tatanungin ko ang sarili ko... Gusto kp si Jerome. Una palang siya na ang gusto ko.

Pero bakit ako nagkakaganito?
Ano bang problema sakin?

"Okay ka lang ba?" Biglang tanong sakin ng taong kasama ko.

Napatitig ako sa kanya.

Tangina! Bakit ako nagkakaganito. Bakit ganito ang pintig ng dibdib ko?
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Bakit nagpa-flashback lahat sa isipan ko ang mga nangyari samin ng taong ito.

Nung pinakilala niya akong girlfriend niya habang nasa cafeteria kami.

Nung nasa out of town kami.

Nung nasa barko kami.

Nung nasa postema kami.

Nung inantay niya parin ako kahit ang lakas lakas ng ulan.

Nung hinarang niya yung bus para lang sumabay ako sa kanya pauwe.

Yung stufftoys.
Yung nintendo.

Pati yung sinabi niyang ako lang. Yung ako lang ang mahal niya.

Tangina! Mali ito! May girlfriend na itong taong ito!

Sabihin mo ang totoo. Wag mong lokohin ang sarili mo. Alamin at pakiramdaman mong maigi kung sino at ano ang gusto mo. Sigurado ako. Magiging masaya ka.

Paulit-ulit yan sa isipan ko. Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ko kay Sheryl. Tangina naman!  Ayoko na ganito! Nahihirapan tuloy ako!

"Den okay ka lang?" Pag-uulit niya sa kanyang sinabi.

"Ah..oo okay lang ako. Iniisip ko lang yung exam namin kanina. Wala akong naisagot eh" kasunod nun ay ang pagtawa ko. Ayoko naman kasing mahalata niya yung nangyayari sakin.

Ano ba itong nangyayari sakin?
Mali ito. Mali ito.
Hindi pwedeng maguluhan ako dahil lang sa tanong ni Sheryl sakin kanina.
Ayoko makasira ng relasyon.
Ayoko. Ayoko ng ganito.

"Mukhang wala ka sa sarili mo. Dahil ba hindi si Jerome ang sumundo sayo?" Plain tone na taong sakin ni Paul.

"No. Ah... Honestly, ang dami lang talaga pumapasok sa isipan ko ngayon." Mabilis kong sagot sa kanya.

Bakit naman biglang napasali sa usapan si Jerome? Saka asan ba si Jerome? Pwede naman akong umuwe mag-isa kung hindi niya ako susunduin eh!

"Tulad ng?" Kaagad niyang tanong.

"Ah.. Wala. Si Sheryl kasi.. Wag mo na ako isipin. I'm okay" sabi ko sa kanya. Jusko bakit ba ganitong katrapik palagi dito sa bacao! Gusto ko ng umuwe. Gusto ko ng mahiga.

"Ahhh... Nga pala, may laro kami nila Jerome nextweek. Nuod ka." Sabi niya.

"Laro?" - Ako

"Kaso magkalaban ang team namin. Magkaibang team kasi kami sa basketball eh." Sagot niya.

"Goodluck. Sige manunuod ako" sagot ko sa kanya.

Binalot muli kami ng katahimikan matapos kong sabihin yun. Hindi ko alam kung bakit sa pakiramdam ko ay nagpaflashback lahat sakin.

Ang weird.

Ito ba ang tama ng san mig light?

Hindi ko namalayan na nakalampas na pala kami sa crossing ng Tejero. Kung di ko pa nakita ang barangay hall ng Biwas ay hindi ko pa malalaman na malapit na pala kami samin.

"Hindi mo na dapat ako hinatid pa hanggang dito samin. Dapat dun nalang sa Bayan. May mga tricycle pa naman eh" sabi ko kay Paul nung inihinto niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng eskinita namin.

"You know I can't do that" mahinang sabi niya.

Hindi na ako sumagot. Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at mabilis na akong lumabas dun.

Nagsimula na akong maglakad papunta samin.

"Hey Den!" Tawag ni Paul sakin.

Tumigil ako.
Tumigil ako sa tapat ng gate namin.

"I just wanna tell you something..." Sabi niya sakin habang unti-unti siyang lumalapit sakin.

Pamilyar na pamilyar sakin itong scenariong ito. Ganito rin kami dati. Tangina. Ayoko na ganito.

"Den..." Tawag niya sakin.

Dahan dahan siyang humarap sakin.

Mali ito.
Hindi tama ito.

"Den..." Muling sabi niya.

Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko man aminin pero hinihintay ko ang kanyang sunod na sasabihin.

"Den, I'm not giving you up..."

Author: sinisipag ako mag-update kapag may nababasa akong comment. Hahaha! :)

Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay. :) Malapit na po ang book 2 sana subaybayan niyo parin po. :) hehe..

😍😍😍

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ