Pwes, ngayon basted ka na sa kanya!

26.7K 936 82
                                    

Nagugutom na akoooooo! :(

Chriden PoV

Buset na lalakeng yon! Naghahari-harian! Hinding-hindi na ako sasakay sa kotse niya! Ubod siya ng yabang. Imbis na tulungan yung babaeng nasiraan sa kalye kagabi nung pauwe kami ay sinisi pa. Imbis na tumulong kung anu-ano pa sinabi. Sana masiraan din siya at walang tumulong sa kanyang impakto siya!

Kasama ko ngayon si Elaine. Saan? Tanong pa ba yun. Edi dito sa all time hangout place namin - cafeteria. Vacant ulit ako ng two hours at the same time wala si Maam Paig kaya three and half hour ako mag-aantay para buset na biology nanaman! I hate biology! Meron pang nalalaman na zoology, botany, o kung anu-ano pa! Pare-pareho namang science pinapahirap pa!

Pinag-usapan namin ni Elaine ang darating na kapistahan sa lugar namin. Sa August 28 na yun. Kapistahan ng Patron namin na si Tata Usteng. Lugar na yata namin ang pinakamasaya at kakaiba ang kasiyahan pagdating ng kapistahan.

May tinatawag kaming LoHiTor o Lobo, Higante at Toro. May katakol din na inaabot ng dis oras ng gabi at mga banda na sobrang naggagandahang tumugtog.

"Punta kayo ha.. Mag-iinom tayo don - maglalaseng tayo!" Dagdag ko pa sa sinasabi ko kay Elaine.

"Ba't ba ayaw mong tumigil Taniya! Bumalik ka na sa Canada at wag ka ng bumalik pa rito!" Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

Kung hindi mayabang ang tao dito, eskandaloso at mga usisero at usisera! Ayaw nalang intindihin ang mga sariling problema sa buhay!

"Titigilan lang kita kapag may naipakilala ka na sakin na girlfriend mo! College ka na - wala ka parin naihaharap samin na girlfriend mo!" Sagot naman ng babaeng balahura rin ang bunganga at walang pakundangan kung makasigaw.

Nakakarindi! Nakakaurat!

Habang tumatagal ay lalong palakas ng palakas ang usapan na naririnig ko. Hindi ko tuloy matapos kopyahin yung activity na pinapasagutan samin ni Mrs. Lababo.

Magsasalita na sana ako nung naramdaman kong may humawak sa braso ko at itinayo ako. Mabilis naglapat ang mga labi namin. Hindi ko na nagawang manlaban pa dahil sa pagkagulat ko.

"He's my boyfriend Ate! Kaya tumigil ka na sa mga kalokohan mo na kung kani-kanino ako nirereto!"

Tiningnan ko ang mga tao sa paligid ko. Nakatingin lahat sa akin. Yung tingin na nagtataka at yung iba naman ay hindi maintindihan ang reaksyon. Tiningnan ko ang bespren ko. Nanlaki ang mata niya at ang isang kamay niya ay nakatakip sa kanyang bibig.

"Ano nanaman bang kaloko-"
"Oh I see. Then - invite him for dinner. I hope you're not lying my little brother - alam mo naman na malalaman ko parin kung nagsisinungaling ka"

"Itikum-tikom mo ang bibig mo baka kung ano pumasok diyan" dugtong na sabi nung babae saken.

Naramdaman kong nag-iinit ang buong mukha ko at hindi ko magawang makapagsalita dahil nakatuon lahat ng atensyon samin ng mga estudyanteng nasa cafeteria.

"See you" at umalis na nga yung babae.

"Hindi mo sinasabe bessie na boyfriend mo na pala yang si papable" tiningnan ko ng masama ang bespren ko at awtomatikong tumigil siya sa pagsasalita.

"Hoy Mr. Gabriel pwede ba wag mo akong isali sa mga kalokohang naiisip mo hindi ka-"
"Choosy ka pa saken? Magpasalamat ka nalang dahil ikaw ang ipinakilala kong syota ko!" Maangas na putol niya sa sinasabi.

"Aba! Sino ba may sabing ipakilala mo ako bilang SYOTA mo!?" Sarkastikong sabi ko sa kanya habang nakapamaywang.
"Eh bakit namumula ka?" Pang-aasar na sabi niya.

"Maghanap ka ng ibang pagtitripan mo Gabriel! Wag ako!" Huling sabi ko bago ako bumalik sa pagkakaupo ko.

Kita ko ang mga naka-ngangang reaksyon ng mga estudyante sa cafeteria. Nu bang problema ng mga taong ito? Mga mangmang ba sila at ngayon lang sila nakakita ng dalawang taong nagtatalo?

"Sabay tayong uuwe mamaya!" Sigaw ng hampas lupa habang naglalakad palayo sa pwesto namin.

"No! Sabay your face!" Matapos kong sabihin yun ay narinig kong nagpalakpakan ang mga estudyanteng naroon at ang iba naman ay sumigaw ng YOWN!

Mga inosente! Nakakasira ng araw!
Sa sobrang inis ko ay maaga akong pumunta sa lecture room ng biology namin. Ayoko magtigil sa cafeteria. Lalo lang ako nabubwiset.

Lecture..

Lecture..

Lecture..

Lecture..

Lecture..

Haaay salamay! Uwian na! Makakapaggala ako bukas kase sabado! Ayieeee! Mag-mall ako at maglalaro ako sa toms world para magkaroon ng maraming ticket para makuha ko na yung stufftoy na chopper. Gustong-gusto ko talaga yun. Kaso - 1000 tickets! Hayup na yan. 109 palang ang naiipon kong tickets!

"Hi Den!" Biglang sulpot ni Kenneth mula sa likuran ko. Muntik na nga ako mapasigaw nun kasi bigla ba naman susulpot eh saktong bumababa ako ng hagdan. Puno na kasi yung elavator - ee ayoko naman sumakay dun ng mag-isa. Dami ko naiimagine kapag nakasakay ako sa elavator mag-isa eh.

"Hi Ken!" Bating pabalik ko sa kanya.
"Oh mukhang di ka mapakali ah! May masakit ba sayo?" Puna ko sa kanya nung napansin kong medyo hindi siya mapakali at patigil tigil. Natatakot tuloy ako sa inaasta niya.

"Den.. Totoo bang..."
"Naku! Kenneth wag tungkol sa multo aa! Baka bigla akong mapatakbo aa!" Singit ko sa sinasabi niya.

"Totoo bang..."
"Totoo bang ano!? Kenneth aa!"
"Totoo bang boyfriend mo na si Paul?"

Nakahinga naman ako ng maluwag nung malaman kong hindi tungkol sa multo ang sinasabi niya pero bumilis naman ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang kanyang tanong.

"Anu ka ba Kenneth! Malabong mangyari yun! Napagtripan lang ako ng impaktong yun. Di ka na nasanay don" mahabang sabi ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na naglalakad na pala kami palabas ng school. Kung anu-ano kasi ang naiisip ko eh.

"Diba hanggang 8:30 lang ang biology? 9pm na. Hindi ka ba marunong tumingin sa orasan!?" Sabay kaming napatigil ni Kenneth sa paglalakad nung biglang may nagsalita sa gilid ng chapel.

"Ano bang pakialam mo!? Halika na nga Kenneth at kailangan ko ng umuwe!" Mataray kong sabi.

"Kenneth makakauwe ka na. Ako na bahala kau Chriden" walang emosyon na sabi ni Paul.

"Pasensya na pre pero nililigawan ko si Den kaya gusto ko sabay kaming umuwe" matapang na pagkakasabi ni Kenneth.

"Huh?" Tanging reaksyon ko at napatingin ako kay Kenneth.

Tumingin sa kanya si Paul.

"Ganon ba? Pwes ngayon basted ka na sa kanya" nakangising sagot ni Paul at hinaltak ang kamay ko pasakay ng kanyang sasakyan.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now