Sasakay ka rin pala!

12.6K 481 34
                                    

Bluer than blue

*Hi Melvin! Thanks po sa pagsubaybay. :) promise mas magugustuhan mo po ang book 2. :)

Chriden PoV

Bakit ganito ang pakiramdam ko?
Bakit ganito nalang ang bilis ng tibok ng puso ko?
Epekto ba ito ng mga sinabi ni Jerome sakin?

Takte! Kanina pa ako paikot ikot dito sa higaan ko pero hindi parin ako makatulog.

Napakaraming tupa na ang paikot ikot sa ulo ko pero balewala parin.

Gusto ko na matulog!
Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa taas ng pintuan ko.
2:15am.

Jusko ko naman! Madaling araw na mulat na mulat pa ang mata ko.

Dahan dahan akong bumangon. Kailangan ko lang muna sigurong mahanginan at para maging payapa ang isipan ko.

Nakaupo ako ngayon dito sa beranda namin. Ano ba itong nangyayari sakin. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya. Masaya ako dahil alam kong mahal na mahal ako ni Jerome. Masaya ako kasi ginagawa niya lahat para maging masaya ako.

Dapat lang na suklian ko lahat ng kabutihang ginagawa ni Jerome para sakin. Laking pasasalamat ko dahil nakilala ko si Jerome. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko mararamdaman itong nararamdaman ko ngayon.

Bumalik na muli ako sa higaan ko. Pinagpahinga ko na ang isipan kong kanina pa hindi mapakali.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuya! Kuya!" Gising sakin ni Chrien.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at bumungad sa harapan ko ang mukha ng kapatid ko.

"Oh bakit? Maaga pa Chrien. 9:30 pa pasok ko" sagot ko sa kanya. Alas sais palang kasi ng umaga.

Sa sobrang kulit ng kapatid ko ay bumangon na ako. Nag-ayos ng mukha at lumabas na ng kwarto.

Hindi ako nakapagsalita nung makita ko ang nasa ibabaw ng lamesa namin.

Isang tumpok na bulaklak, heartshape na marshmallows at isang box na stick-O.

"Kuya paggising ko kanina nandiyan na yan. Binasa ko yung card nakalagay dun ay para sayo daw" mahabang sabi ni Chrien.

Mabilis kong tiningnan yung card.

I Love You So Much

Isa lang ang taong alam kong gagawin ito. Jerome. Haaay naku! Pinapakilig talaga ako. Hindi ko naman siya matext o matawagan kasi wala akong cellphone ngayon. Basag at wala akong pampagawa.

"Kuya nga pala -"
"Chrien papasok na ako. Sabihin mo nalang kay mama na umalis na ako ha. Lab yu bunso" paalam ko sa kapatid ko. Hindi ko na siya pinagsalita pa baka kasi biglang magyaya gumala eh wala pa naman akong pera ngayon. Naubos nung intrams.

Hindi nagtagal ay nasa harapan narin ako ng super duper na gandanh eskwelahan namin. Baste. (bakit kaya ang tagal ko ng pino-promote ang baste, wala parin akong natatanggap na token from them? Hahaha)

She psok k ng aga. Npaaga psok ko ee. Kta tau sa cafeteria.
Text ko kay Sheryl.

Malayo palang ako sa paboritong table ko ay may natanaw na ako. Takte naman! Sa unang pagkakataon may nakaunang umupo sa paborito kong upuan. Kaya ang ginawa ko ay dito ako sa katabing table lang din naupo. Sino kayang abnormal ang umuna sakin! Kakainis naman oh! Di ako komportable sa ibang table eh.

Hindi nagtagal ay dumating narin ang abnormal kong kaibigan. Si Sheryl.

"Oh bakit namamaga mukha mo!?" Balahurang tanong sakin ni She.

"Eh pano ayan may nauna na sa table natin!" Sumbong ko sa kanya.

Mabilis tumayo si Sheryl nung tinuro ko sa kanya ang bagay na nakapatong sa ibabaw ng table.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon