I belong to this class.

17.9K 606 25
                                    

Last night was the best night of my existence. ILoveYou Lalabs :)

Chriden PoV

Ang bilis naman. Pasukan na uli. Haaayyyy.

"Oh Den! Pwede maki-share?"
"Oo naman. Vacant ka rin?" Sagot ko kay Kenneth.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Dami nga niya kinukwento pero labas pasok lang sa dalawang tainga ko. Haha! Pero hindi ko yun pinapahalata sa kanya.

"Kenneth sino siya?" Sabay turo ko sa isang lalaking nag-iisang nakaupo sa dulo ng cafeteria.

Nakacivilian kasi siya. Nakasuot ng polo shirt na kulay green na stripes, semi fitted na pantalon. Malaking pangangatawan at makinis na balat. Itsura palang halatang high class na. Yung pormahang simple pero halatang mayaman.

"Bago lang siguro yan. Nakacivilian pa eh. Type mo?" Sagot ni Kenneth.

Type ko? Langyang to! Nagtatanong lang naman ako.

"Di noh! May boy- may boy bawang ka bang dala?"

Takte! Bakit muntik ko ng masabi na may boyfriend na ako? Naalala ko kasi yung sinabi sakin ni Francisco eh!

"Boy bawang? Kelan ba ako nagdala nun?" Takang tanong niya sakin.

"Wala. Nagjojoke lang ako" sabi ko sabay tawa.

Wala na kasi akong maisip na sasabihin sa kanya. Ang weird ko naman. Haha! Napag-usapan namin ang darating na Christmas. Ano ba yan, kakasimula palang ng pasukan christmas na agad ang pinaguusapan namin. Masyadong excited tong taong ito.

"Den! Pagkatapos mong maglumande diyan sumunod ka na sa room. Konting kerengkeng pa - 10mins ka ng late" ani ni Sheryl habang hawak-hawak ang isang pad ng yellow paper.

"Oh wag mo ng itanong kung saan ko ninakaw to. Tara na! Nasa room na ang hukluban!" -Sheryl

"Kenneth diyan ka na muna. Pasok na muna kami" paalam ko kay Kenneth.

Kinuha ko na ang bag ko at sumama na ako kay Sheryl. Puro kalokohan pa nga si Sheryl eh.

"Kapag nakita mo prof natin Den naku! Mawawalan ka ng gana pumasok sa eskwelahang ito"

"Ha? Bakit? Terror ba?" Takang tanong ko sa kanya.

"Tingnan mo nalang mamaya" seryosong sagot niya.

Aktong palabas na kami ng cafeteria nung medyo bumagal ang paglalakad ni Sheryl.

"Parang nakita ko na tong lalaking ito. Teka...isip..isip...." Mahinang sabi ni Sheryl habang nakahawak sa kanyang sintido.

"Ay! Baka nagkakamali lang ako. Halika na nga Den!" Sabay hila niya sa kamay ko at tumakbo na kami paakyat sa hagdan..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Anong masasabi mo sa itsura ni Sir?" Bulong saken ni Sheryl. Magkatabi kasi ulit kami sa upuan.

"Bakit ganyan itsura niya She?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Tangnamo! Hindi mo ba alam ang kwento? Nahulog daw yan sa pusalian tapos kumapit na yung kulay ng pusali kaya ganyang kaitim!" Seryosong kwento ni Sheryl.

"Mukhang pagong si Sir noh?" Matapos nun ay bigla nalang siyang tumawa.

"Tumigil ka nga sa kalokohan mo She! Baka mamaya biglang tawagin pangalan ko niyang pagong na yan!" Bulong ko sa kanya habang pinipigilan ko ang tawa ko.

"Okay. Going back to the topic."

Pagsisimula ulit ni Sir Pusit. Pinapaliwanag niya yung tungkol kay Philein. Ewan ko ba kung ano ang tamang spell nun. Di naman kasi talaga ako interesado sa sinasabi niya eh.

"Tok tok"

Natuon ang atensyon namin sa pintuan. Sino ba naman ang taong bigla bigla nalang kakatok? Kumpleto nanaman ang mga kaklase ko. Walang absent at ako lang din palagi ang late. Hahaha!

"Yes?" Matipid na tanong ni Sir Philein matapos pagbuksab ng pinto. Sir Philein na tawag namin sa kanya ni Sheryl dahil paulit ulit siya sa pagbanggit ng pangalan ni Philein samin. Ginagawa na nga yata kaming tulig ng Pagong na ito eh.

"I belong to this class"

Wow! Inglisero! Lakas makaEnglish ah!

"Your name?"-sir
"Markie Lloyd Cruz"

Wow part two! PangMayaman ang pangalan ah! Bakit nga ba nauso ang dalawang pangalan?

"Come in"

Pumasok na sa loob yung bagong dating. Irregular siguro siya.

Aba! Teka. Nakatingin ba siya saken? Wala naman kasi pwedeng tingnan sa likuran ko bukod sa mga bakanteng upuan.

Baka naman may nakikitang iba tong lalaking ito?

Teka. Parang pamilyar siya ah!

Tama! Siya yung lalaking mag-isang nakaupo kanina sa cafeteria. Yung lalaking loner.

Dahan-dahan siyang naglalakad papalapit sakin. Nakatingin din ako sa kanya. Ewan ko ba. Hindi ko rin maialis ang pagkakatingin ko sa kanya.

Nung aktong nasa gilid ko na siya ay pakiramdam ko ay medyo bumagal ang paligid ko. May naamoy akong pamilyar na amoy na parang naamoy ko na dati pa.
Hindi niya parin inaalis ang pagkakatingin niya sakin. Hindi rin siya nangiti.

Ano bang meron sa mukha ko at bakit karamihan nalang ay masama ang tingin saken? Mukha ba akong kriminal? Snatcher? Murderer? Pakshet naman oh!

Naupo na siya sa likuran namin ni Sheryl at nagpatuloy na si Sir Philein sa kanyang discussion.

Pero parang may kakaiba. Pakiramdam ko kasi ay parang may mga matang nagmamasid sakin. Totoo! Parang lahat nalang ng gawin ko ay may nakamasid.

DISCUSSION.

LESSON.

DISCUSSION.

LESSON.

Takte! Ganun parin. Di parin ako mapakali. Pinagpapawisan na nga ako ng malamig eh. Daig ko pa yung natatae sa sobrang tensyon na nararamdaman.

"Okay. See you on Wednesday." Huling sinabi ni Sir Philein at mabilis na siyang lumabas ng room namin.

"Den, sama ka? Kain tayo sa E-place. Birthday ni Ate Jaja. Treat daw niya!" Sabi ni Ellen.

"Talaga? Libre? Join ako diyan!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

Pinipilit ko talaga ang sarili ko na maging normal. Natetense pa kasi talaga ako eh. Yung pakiramdam na may namamanman sa mga ginagawa ko - yun! Ganon ang pakiramdam ko.

"Tara na! Mag-iinom din daw tayo. Pagbigyan na natin. Minsan lang manlibre yung babaeng yun eh" sabi naman ni Kuya Norman.

"Oo nga! Baka magbago pa isip ng loka! Hahaha!" Dugtong naman ni Gladys. Ang nagmamagandang manananggal ng section namin.

"Hmm.. Can I excuse Chriden for a while? Promise susunod kami sa E-place. I just wanna talk to him." Narinig ko mula sa likuran ko.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now