Lo, its about Den.

11.2K 395 14
                                    

Can't fight this feeling any longer.

Paul Francisco PoV

"Nagkakilala kami kasi bigla nalang niya akong hinalikan sa campus" seryosong sagot ni Paolo.

Halik?
Si Den biglang manghahalik?

"Pwede mo siyang tanungin kung hindi ka naniniwala sakin" halatang panggagalit ni Paolo sakin.

Shit! Bakit?

"Ang sarap niyang humalik kaya hindi ko napigilan ang sarili kong hawa-"

"Stop it!!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Why? Sinasagot ko lang naman ang tanong mo Paul Francisco" halata ko sa boses niya ang pang-aasar niya sakin.

"Paolo I'm warning you. He's mine! Huwag na huwag ka na ulit lalapit sa kanya or else.."

"Or else? What?" Matapang niyang sagot.

"Bago mo ako pagbantaan kapatid make sure na buo ang loob mo at hindi sumusunod kung kani-kanino." -Paolo.

Hindi ako makasagot sa sinasabi niya. Alam ko kung ano ang pinupunto niya.

"So, better go. I have plans for tomorrow. Goodnight mga kapatid" huling sabi ni Paolo bago tuluyang pumunta sa kwarto niya.

Nagdiretso na akonsa kwarto ko. Sari-sari ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Nagseselos ako. Natutuwa kasi nakita at nakasama ko siya.

Hindi ako mapakali.

Tangina! Lagi nalang may humahadlang saming dalawa ni Den. Hindi naman siguro mali ang mahalin ko siya diba? Hindi naman siguro kasalan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Alam ko mahal din ako ni Den. Ramdam ko yun. Pinipilit lang niyang maging okay dahil ayaw niyang makasira at makasakit ng ibang tao - lalo na ako. Alam ko dahilan niya ay yung sinabi ni Lolo.

Tamaaaaa! Alam ko na ang sagot sa problema ko.

Pupuntahan ko si Lolo!
Kakausapin ko siya!
Hindi na ako makakapayag sa kagustuhan niyang mangyari. Wala akong pakialam kahit ano pa ang kaya niyang gawin.

Hindi ako magpapaalam na hindi ako napayag sa gusto niya ang dapat kong gawin ay ipaalam lang sa kanya.

Wala siyang magagawa!
Ako ang masusunod dahil buhay ko ito. Kasiyaha ko ang nakasalalay dito. Pagmamahal ko ang pinag-uusapan kaya wala siyang karapatang pangunahan ako.

Hindi pa ako nakakatagal sa pagkakahiga ay bigla na akong tumayo. Naglagay ako ng ilang damit at gamit sa bag ko at mabilis kong pinuntahan si Luis.

"Bakit kuya? Saan ang outing?" Takang tanonh ni Luis.

"Magbihis ka. May pupuntahan tayo! Biliiiiis!" Sigaw ko sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Teka kuya sigurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong sakin ni Luis habang binabaybay namin ang daan papuntang bicol.

"Sigurado na ako. Ito lang ang tanging paraan para mabawi ko si Den" seryosong sagot ko sa kanya.

"Alam mo naman ugali ni Lolo diba? Baka kung ano ang gawin nun kay Den!" Nag-aalalang wika ni Luis.

"Kahit anong mangyari hindi ko hahayaan mapahamak si Den. May plano na ako. Pagkatapos kong kausapin si Lolo ay ilalayo ko na muna si Den dito." Mahabang sabi ko sa kanya.

Ilang oras din ang lumipas bago kami nakarating ulit dito sa mansyon. Wala paring pinagbabago.

"Ready yourself kuya."

Kaagad na kaming pumasok sa loob at nadatnan namin si Lolo na nakaupo sa terrace at umuupaop ng tabako.

"What brings you here mga apo?" Nakangiting tanong niya samin.

"Loida dalahan mo nga ng pagkain itong dalawang apo ko at mukhang pagod na pagod sa biyahe" utos ni Lolo sa katulong.

"Lo-"

"Kunh anoman ang pinunta niyo dito ay mamaya na natin pag-usapan. Magbihis muna kayo at bumalik dito para sa pagkain para makapagpahinga muna kayo." Mahabang ani ni Lolo saming dalawa ni Luis.

Wala kaming nagawa kundi sundin muna ang sinabi ni Lolo.

Tama. Kailangan ko munang bumwelo para sa sasabihin ko sa kanya. Kailangan may lakas ako ng loob. Kailangan makumbinse ko siya.

"Kuya ngayon ko lang itatanong sayo..." Biglang seryoso ni Luis.

Napatigil ako sa pagkain nung narinig ko iyon mula sa kanya.

Wala si Lolo ngayon. Bumisita sa farm kaya kaming dalawa lang ni Luis ang nandito sa terrace.

"Bakit sa dinamidami ng tao sa mundo, bakit si Den?" Seryosong tanong niya.

Ha? Anong klaseng tanong yun?
Teka.. Oo nga. Ang dami-dami kong pwedeng mahalin o magustuhan pero bakit nga ba si Den?

"Oh? Natulala ka diyan?" Basag trip nanaman ni Luis.

"Ang tanong ko kuya bakit mahal mo si Den?" Tanong nanaman ni Luis.

Bakit nga ba mahal ko si Den?
Wala ako maisip na sagot. Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Walanh dahilan?

Alam kong mahal ko siya. Sobra nga eh. Yung pakiramdam na ayokong mawalay sa kanya. Yung ayokong nakikitang may kasama siyang iba. Yung gusto ko ako lang - walang ng iba.

"Ewan.. Hindi ko alam... Basta" sagot ko sa kanya.

"Pwede ba yun Kuya?" -Luis.

"Hindi naman kailangan ng dahilan para magmahal ka diba? As long na nararamdaman mo yung pagmamahal ay sapat na yun" mahabang sagot ko kay Luis.

"Ehem..."

Sabay kaming napalingon ni Luis.

"Oh Lolo akala namin nasa farm ka?" -Luis.

"Mukhang pakiramdam ko ay kailangan ako dito kaya hindi na ako sumama kina Rico" sagot naman ni Lolo at umupo sa harapan namin.

Tangna! Eto na!
Kailangan ko ng kausapin si Lolo. Ayoko pang tumagal itong hirap na nararamdaman ko.

"Luis pagkatapos mong kumain ay ikaw na muna ang pumunta sa farm. Pakitingnan kung maayos ang ginagawa nila doon" narinig kong utos ni Lolo kay Luis.

Wala akong narinig na reklamo kay Luis. Halatang takot siya kay Lolo.

Matapos namin kumain ni Luis ay umalis na kaagad siya. Tinapik niya ako sa kanang balikat bago tuluyang lumabas ng mansyon.

"Now, you may start" -Lolo.

Parang bigla akong pinako sa kinauupuan ko nung marinig ko iyon mula kay Lolo.

"Alam kong gusto mo akong kausapin. Hindi ka naman basta lang pupunta dito ng walang dahilan Paul Francisco diba?" Seryosong dugtong ni Lolo.

"Lo, its about Den..." Panimula ko.

"Ahh.. Your friend. Whats wrong with him?" -Lolo.

Alam kong nagtatanga-tangahan lang siya dahil napag-usapan na naman namin ito dati. Gusto lang niyang marinig ang buong sasabihin ko.

"Lo, I love him so much. Wala akong ibang gustong makasama kundi si Den lang. Mahal na mahal ko siya. Kaya Lolo hindi ko na kay-"

"Napag-usapan na natin ang tungkol dito Paul Francisco diba!" -Lolo.

"Pero Lo hin-"

"Hayaan mong ako ang masunod!"

Pengeng votes and comment :)

Abangan po ninyo ang book 2 - Nandun na ulit si Kenneth at may mga bagong characters narin po. :)

Salamay! 😍😍😍

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now