Double Kiss

22.4K 736 44
                                    

Sunday nanaman! Pasok nanaman bukas! :( katamad!
Sensya na po late yung update - may inaasikaso lang po.

Chriden PoV

"Kuya sayo tong kotse?" Mamghang tanong ni Chrien habang tinatahak namin ang daan papunta sa EK. May sariling sasakyan yung mga kasama namin kaya hiwa-hiwalay kami ng sasakyan papunta.

"Opo. Maganda ba?"
Mabilis lumingon ang mukha ko kay Francisco nung marinig ko iyon mula sa kanya. Si Francisco nga ba ang kasama namin ngayon? Aba! Baket ganito ugali nito?

"Oo Kuya ang ganda! Sana magkaroon rin kami ng ganito para isama ako palagi ni Kuya Den kapag nagala sila ng mga kaibigan niya" mahabang sabi nanaman ng kapatid ko.

"Huwag ka mag-alala kapag may gala ako o si Kuya mo isasama kita. Promise yun" nakangiting sagot naman sa kanya ng mala-anghel na si Francisco.

Hinayaan ko nalang sila mag-usap. Nahipan na siguro ng hangin ang dating walanghiyang Francisco kaya nagkaganito.

Hindi ko rin kasi alam kung ano ang pwede namin pag-usapan. Pagkatapos ng ilang araw niyang di pagpapakita saken matapos kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Siguro kailangan niya ulit akong magpanggap na syota niya para sa ate niya. Wala naman kasing pwedeng ibang dahilan pa bukod don eh.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Bunso gising na... Nandito na tayo.." Gising ko sa kapatid ko sabay uga sa kanya.

"Tara na! For sure mahaba ang pila mamaya sa ticket" sabi ni Robert samin habang inaayos ko ang gamit ng kapatid ko.

"Sige pre, may ticket na kami. Kita nalang tayo sa loob" mahinahong sabi ni Francisco.
"Baket may ticket ka na? Hindi ka naman excited no!?" Pang-aasar ko sa kanya. Sinabi ko talaga yun para mawala yung akwardness saming dalawa.

"Baket gusto mo pa bang makipaggitgitan diyan!?" Sarkastikong sagot niya sabay turo sa mga nakapila.
Buti nalang at nakatulog uli ang kapatid ko kundi malalaman niya ang ugali ng tukmol.

Isinukbit niya ang dala kong bag na naglalaman ng gamit ng kapatid ko at kinarga niya si Chrien. Iniabot niya sakin ang wallet niya at yung tatlong ticket.

Hindi ko na sinubukang kumontra. Ayoko naman na hanggang dito sa lugar na ito ay magtalo kaming dalawa.

Magkakasama na kami ngayon ng mga kaibigan namin ni Robert. Hindi na muna kami kumain para hindi daw kami magsuka kung sakaling sa mga nakakahilong rides kami sumakay.

"Tara dun naman tayo!" Mungkahi ng babaeng mukhang dinaanan ng pison ang ilong. Takte ba naman! Pinilit kaming sumakay sa rollercoaster na naikot! Matutuwa ka ba sa ganon!? Kung nakakamatay lang ang pagmumura ko sa isipan ko sa kanya baka dead on arrival na to kanina pa!

"Sige gusto ko rin diyan!" Sang-ayon naman ng kasama ni Mike na mukhang hito! Mga lamang dagat! Mga buseeeeet!

Hindi na sumama samin si Raven at yung kapatid niya kaya iniwan ko na muna rin si Chrien sa kanila. Di kasi pwede si Chrien sa papasukan namin. Horror House!

"Wala ka bang balak pasok!?" Pasingh nanaman ni Francisco sakin. Tiningnan ko siya ng tingin na ang ibig sabihin ay gusto ko ng umurong pero bigo ako. Nilampasan niya ako at binigyan niya ako ng tingin na kailangan kong sumunod.

Pilit kong isinasabay ang paglakad ko kay Francisco. Natatakot kasi talaga ako kahit alam kong hindi totoo ang mga nasa loob nito.

Madilim. Tanging kaunting liwanag lang ang naaaninag ko at kulay berde pa. May naririnig akong mga umiiyak na babae at iba naman ay naiyak na bata.

"Whaaaaaaaaaaaah!"
Sigaw ko nung biglang may nalaglag na babaeng nakabigti sa harapan ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko dahil pagbaling ko sa kaliwa ko ay babaeng nakabelo ng itim na may hawak namang kandila ang nabungaram ko. Sigaw talaga ako ng sigaw nun.

Nasaan na ba ang mga kasama ko? Kanina lang magkakasama kaming naglalakad pero ngayon pakiramdam ko mag-isa nalang ako.

Tulungan mo ako.....
Tulungan mo ako....

"Whaaaaaaaaah Mamaaaaaaaaaa!" Sigaw ko uli nung makita ko naman ang babaeng nakasuot ng kulay puti at puro bahid ng dugo. Ayoko na talaga! Mamatay na ako sa takot!

"Den...."

"Whaaaaa! Mamaaaaa! Ayoko naaaa"
"Shhh... Den, its me. Jerome"

Medyo natauhan ako nung narinig ko ang pangalan niya. Hindi ko na nagawang itanong kung bakit nandito siya bagkus ay napakapit ako sa kanya nung akmang tatayo na ako. Natapilok kasi ako at medyo hindi naging maganda ang pagkakabagsak ng paa ko.

"Ahhhhhhhhhhhh!"
"daddyyyyyyyyyyy!"
"Waaaaaaah! Ahhhhhhhhh"

Sunod sunod na sigaw na narinig namin habang nakaalalay sakin si Jerome sa pagtayo.

"Arghh!"

Halos sabay naming sigaw ni Jerome matapos sunod-sunod na may bumangga samin dahilan para matumba kami pareho. Hindi ko nagawang maitukod ang paa ko kasi iyon yung parteng masakit kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang ang katawan ko at antayin ang pagbagsak ko sa sahig.

Naramdam kong umikot ang katawan ko at pagbagsak ko ay parang nasa ibabaw ako ng katawan ng isang tao. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Parang may pumipigil sa mga labi ko. Nakakaramdam ako ng bahagyang pagtibok sa dibdib ko pero sigurado akong hindi iyon nanggagaling sakin.

Biglang nagliwanag. Nanlaki ang mata ko nung malaman ko kung nasa anong sitwasyon ako. Nakapatong ako kay Jerome habang magkapatong rin ang aming mga labi. Nakatitig siya sakin at nakahawak ang kanyang kamay sa ulo ko.

Mas laking ikinagulat ko nung makita ko naman kung sino ang nasa harapan namin. Si Francisco at si Hanna na tropa ni Robert. Magkahalikan at yakap-yakap ni Francisco ang babaeng dugong.

Mabilis kong tinanggal ang pagkakalapat ng labi namin ni Jerome.
"I'm sorry.." Mahinang sabi ko sa kanya. Hindi ko na naintindihan yung sinagot niya kasi nakatingin ako kay Francisco. Ewan ko ba. Parang may iba akong naramdaman nung nakita ko yung ganoong scenario.

Mabilis akong tumakbo palabas ng horror house at nagpunta sa kapatid ko. Ayoko na maisip pa yung nangyari. Pakiramdam ko kasi ay parang sasabog ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanang na nararamdaman ko.

"Guys, lakad lakad muna kami ng kapatid ko" paalam ko sa kanila. Mabilis kong hinila ang kapatid ko at umalis na kami. Wala naman akong alam na pwedeng matambayan dito pero gusto ko munang lumayo sa kanila kahit saglit. Gusto ko muna mawala yung maling nararamdaman ko.

Naupo kami ni Chrien sa tapat ngcotton candy stall. Kahit naman papaano ay may dala akong pera kaya ibinili ko ang kapatid ko.

"Kuya bakit namumula mata mo?"
"Wala bunso. Dahil yan sa malakas na hangin kanina sa roller coaster" nakangiting paliwanag ko sa kanya.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan ng kapatid ko. Ang dami nga niyang tanong sakin eh. Parang hindi bata kung magtanong.

"Kanina pa ako paikot-ikot, dito ko lang pala kayo makikita"

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ