Special PoV (Last na. Last month ko na sa pagtuturo eh) :(

9.8K 186 11
                                    

Bakit ko nga ba naisipan magsulat/ magtype muli dito sa notes ko? Kanina pa kasi kating kati ang kamay ko. Kaya eto - nakahiga habang tinatype ko dito sa notes ko itong walang kwenta nanamang sasabihin ko. :)

May napifeel kasi ako. Parang...
Parang... Secret :) Sakin nalang yun. Ayoko naman ikwento nanaman ang buhay ko dito. Tuwang tuwa kasi ang iba kapag buhay ko pinag-uusapan. Hahaha!

Pero hindi ito tungkol sakin - tungkol ito sa iba't ibang uri ng batang nakakasalamuha ko.

Sa loob kasi ng classroom iba't ibang uri o klase ang mga bata. Marami. Napakarami.

May batang paikot-ikot sa loob ng room, yung batang hindi mapakali. Yung tipong kahit sawayin mo na - sige parin. Yung batang naghahanap ng pwesto kung saan sila magiging komportable. Hayaan natin sila. Hayaan natin silang maupo kung saan komportable sila. Yung hindi sila maiilang. Yung makakakilos sila ng naayos sa kagustuhan nila. Gusto kasi ng mga bata na maramdaman na open sila - at dahil dun hinahanap nila iyon. Huwag natin pigilan. Hayaan natin matutong maghanap ang mga bata kung saan sila magiging masaya.

May mga bata naman na kung anu-ano ang sinasagot sa tuwing nagtatanong o nagpaparecitation. Totoo yan! Tested! Naranasan ko yan. Huwag natin silang ipahiya. Kasi may mga bata sa pamamagitan ng ganon ay nailalabas nila ang mga nais nilang sabihin. Maari natin silang pagsabihan - pero wag natin kagalitan. Kadalasan kasi may mga bata na sa loob lang ng eskwelahan nakakapagsalita o nakakapagsabi ng mga bagay na gusto nilang sabihin. Maari naman natin sabihin sa kanila ang mga bagay na hindi dapat sinasabi. Huwag agad tayong magalit. Marami rin kasi tayong hindi alam sa bata - o marami rin silang gustong ipaalam satin.

May mga bata namang walang imik o tahimik lang. Ayaw sumagot sa recitation o comprehension. Huwag agad tayong magrereact o magsasalita ng hindi maganda sa kanila. Huwag agad tayong maging judgmental. Huwag agad tayong magdisisyon na ibabagsak natin sila kasi hindi nakikipagcooperate. May dahilan yan. Kaya ang dapat nating gawin ay gumawa ng paraan para matuto o kusa siyang makipagcooperate. Huwag pilitin. Huwag madaliin. Lahat ng ginagawa at nangyayari sa bata ay may ibig sabihin - may nais silang iparating.

May mga bata namang papansin at gusto lagi siya ang bida. Totoo rin yan. Huwag agad tayong mapipikon. Huwag agad tayong magagalit. Sadya kasing may mga bata na sabik sa atensyon. Sabik na mapansin sila at mapuri ang bawat ginagawa nila. Masarap sa pakiramdam ng bata na mapuri sila o ang ginawa nila. Minsan nga iniyayabang pa nila ang magandang sinabi natin sa kanila. Yan yung mga batang hindi nabibigyan ng sapat na atensyon sa bahay o sa kanila kaya kahit sa ibang paraan o sa eskwelahan man lang ay mapansin sila.

May mga bata naman na gustong gusto ay maging ka-close ang mga teacher. Masarap sa pakiramdam yan. Kaya gusto tayong maging kaclose ng mga bata ay ibig sabihin ay pinagkakatiwalaan ka ng bata. Yung palagay yung kalooban ng bata sayo. Yung pakiramdam na ayaw ng bata na magkaroon ng ibang teacher maliban sayo. Sa madaling salita - mahal ka ng bata. Itinuturing ka nilang kaibigan, kapatid, nanay o tatay. Yan ang pakiramdam ng mga batang gustong gusto kang kasama.

May mga bata namang ilag o ayaw mapadikit sa mga teacher. Yan naman yung nga batang takot mapagalitan. Takot masisi. Kasi palagi nalang silang nakakaramdam ng ganoon sa kanila o sa ibang lugar. Yan yung mga batang madalas mapagalitan o masita. Yan yung batang hindi nakikita ang kabutihang ginagawa at puro kasamaan lang ang nakikita.
Dapat gumawa tayo ng paraan para mawala yung takot nila. Dapat maramdaman nila na welcome sila. Kapag naramdaman nila iyon sigurado ako - magiging masaya silang kasama ang teacher nila.

Ilan lamang iyan sa mga uri ng batang nakasalamuha ko sa loob ng 7 taon ko sa pagtuturo.

Masaya.
Napakasaya.

Ang sarap sa pakiramdam na yung mga naging estudyante ko dati na ngayon ay nasa highschool na ay patuloy paring bumabalik at nakikipagkwentuhan sakin. Nakikipagkulitan at asaran.

Masarap sa pakiramdam.
Nakakawala ng pagod.

Normal lang sa bata ang maging makulit. Bata yan eh.

Normal lang sa bata ang maging maingay - naghahanap kasi yan ng kaibigan at kakwentuhan.

Normal lang sa bata ang magkamali. Kaya nga nandito tayo ay para ituro sa kanila ang dapat nilang malaman.

Normal lang sa bata ang makipaglaro sa loob ng classroom - bata yan. Bukod sa pag-aaral ay laro palang din ang alam niyan.

Hindi naman kasi porket nasa eskwelahan tayo ay Math, Science, Hekasi, Epp, English, MSEP, o kahit na ano pang subject lang ang ituturo natin.

Darating ang araw na makakalimutan din nila yan. Dadating ang araw na tanging masasaya at malulungkot lamang ang bagay na tatatak sa kanilang puso ay isipan.

Turuan din natin sila ng mga bagay na wala sa lesson plan natin. Turuan natin sila ng mga bagay na hindi scripted.

Ituro natin kung bakit ang sarap sa pakiramdam ang mag-aral?

Bakit ang sarap gumising sa umaga?

Bakit ang sarap makipaghabulan sa field tuwing uwian sa hapon?

Bakit ang sarap maligo sa ulan?

Bakit ang sarap sa pakiramdam na suspended ang klase?

Bakit ang sarap pumila sa flag ceremony?

Bakit ang sarap maging masaya?

Bakit ang sarap mabuhay....

Marami tayong maaring ituro o ipaintindi.

May kanya kanya tayong stratehiya.

Hayaan natin maipakita ng bata kung gaano sila kagaling.

Hayaan natin mapahanga tayo ng mga bata.

Magtiwala tayo sa kanila kasi sobra sobra ang tiwalang binibigay nila satin.

Huwag natin silang hawakan lamang sa kamay - yapusin natin sila. Iparamdam na kahit anong mangyari ay pwedeng pwede silang lumapit satin.

Mahalin natin sila kasi sinisigurado ko mahal na mahal tayo ng estudyante natin.

Ipagmalaki natin sila kasi sigurado ako ipinagyayabang nila na tayo ang teacher nila.

Magandang gabi po!
(sa Saturday na yung kadugtong)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now