Aminin mo kinikilig ka rin naman!

20.6K 826 50
                                    

At dahil friday ngayon...
Empie...tuna...skyflakes...marlboro red...horror movie! Ayos na! Hahahaha!

Chriden PoV

Paano kaya tumakbo ang utak ng impaktong to? Hindi na siya nahiya sa mga naiisip niyang gawin.

Aminin mo na kinikilig ka rin naman!
Isa pa kunsensya! Papatayin kita!

Naupo na ako at tumabi naman siya sakin. Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga kasama namin at napansin kong namumula ang mukha niya. Allergy? Sa init? Awwww! Shet!

"Den tikman mo to" alok ni Jerome sabay lagay sa plato ko ng hipon na may breading. Tempura yata tawag dun.

"Thanks" sabi ko sa kanya.

Napansin kong hindi nagagalaw ng impakto ang alimasag na nasa plato niya pati yung tahong. Tumahimik rin siya. Nawala yung sigla niya kanina habang nagkukwentuhan sila ng mga kaibigan niya.

Kinuha ko yung alimasag sa plato niya at hinimay ko iyon pati yung tahong.

"Oh.. Sayang yung pagkain kung hindi mo kakainin" sabi ko matapos kong ilagay sa plato niya ang mga hinimay kong alimasag.

"Ayieeeee! Ang sweeeeeet!" Pang-aasar ni Kerby sakin.
"Bakit? Anong sweet sa alimasag? Gusto mo isalaksak ko sayo to?" Matapang kong sabi sa kanya. Nakalimutan ko na yata nanisa rin siya sa unico hijo ng pamilya nila. Baka mamaya maisipan ako niyong ipatanggal sa school.

"Easy..hahahaha!" Singit ni Allen.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Dami nga namin pinag-uusapan. Karamihan ay yung mga kalokohan na ginagawa sa loob ng classroom.

Lumipas ang oras na hindi namin namalayan na madilim na pala. Naghukay sa buhangin sila Allen at naglagay ng mga kahoy na sinadyang bilihin para sa bonfire. Pumaikot kami roon habang nagpapaikot rin ng tagay ng alak si Kier na kaibigan naman ni Kenneth.

Ikaw na ang maysabi
Na ako'y mahal mo rin
At sinabi mo,
Na ang pag-ibig mo'y di magbabago

Ngunit bakit
Sa twing ako'y lumalapit ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan
Pag may kasama kang iba

Di ba nila alam
Tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sayo
At ika'y akin lamang

Napatingin ako sa taong kumakanta habang sumisipra sa hawak niyang gitara. Ang sarap pakinggan ng boses niya. Ngayon ko lang din nalaman na maganda pala ang boses ni Kenneth.

Kahit anong mangyari
Pag-ibig ko'y sayo parin
At kahit ano pa
Ang sabihin nila'y ikaw parin

Ang mahal
Maghihingay ako kahit kailan
Kahit na umabot man ako'y nasa langit na
At kung di ka makita
Makikiusap kay bathala

Na ika'y hanapin
At sabihin
Ipaalala sa iyo, ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sayo - at ika'y akin lamang

Pakiramdam ko kay Kenneth ay nakatingin siya sakin. O masasabi kong sadyang makapal at assuming lang talaga ako. Nasa magkabila kasi kaming pwesto at ramdam ko ay sakin siya nakatingin.

Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan...

Na ako'y sayo.... At ika'y akin ... Lamang

Nagpalakpakan ang mga babaeng kasama namin dahil sa pinamalas ni Kenneth. Ganda ng boses. Nakakainlove. Hihihi.

"Paul oh!" Sigaw ni Allen sabay abot ng gitara.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora