Postema 1.1

24.3K 816 85
                                    

Group hug tapos dalawa lang kami!? Ansabe ng group hug na yan! Hahahaha!

Chriden PoV

Ano ba yan! Baket ba kasi napakaraming paimportanteng nilalang! Dalawang oras na yata kaming nag-aantay nila Christine dito sa kanto ng Daang Amaya (Assembly Place). Napag-usapan kasing magkaroon kami ng outing ng magkakatropa. Saan? Sa Hardin Ng Postema. Hahaha! First time? Hahaha! Maganda naman don nu! 100php lang entrance taz libre na cottage. Oh ayan promote pa! Sana lang binabayaran ako.

Sa wakas! Pagkatapos ng apat na araw dumating din ang inaantay namin. Aba't nagsama pa.

"Oh baket dumating pa kayo?" Pang-aasar na sabi ni Joan.
"Pasensya na guys. Napatagal mag-ayos itong si Steffany" kamot ulong sabi ni Ariel.

Umulan sana ng kalabaw at sanyo sana lahat tumama! Signal #4! Buset!

"Osya - tara na!" Aktong tatawag ng sasakyan si Joan nung biglang nagsalita si Steffany.

"Ah.. Guys may dala kaming car. If you want sumabay na yung iba - yung iba namang matitira mag-commute nalang" sabay tingin sakin ng lintang tao.

Tinuro niya yung tinutukoy niyang "car". Aminado ako na medyo maganda. Pero walang panama iyon sa sasakyan ng impaktong si Francisco.
Babaeng ito! Kayabang-yabang! Feeling sobrang yaman!

Nanggagalaiti talaga ako. Lalo na nung tumingin siya sakin at para bang ipinamukha saken na wala akong karapatang sumakay sa kotse niya. Siya na! Siya na mukhang drayber! Pakyu to!

"Oh sige Joan - sakay na kayo diyan. Magko-comute nalang kami nila Chris-"

Beeeeeeeeeep!
Beeeeeeeeep!
Beeeeeeeeep!

Nilingon ko kung sinong poncio pilatong walang pakundangan sa pagbusina sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko ang pagmumukha ng impakto na papalapit samin - saken pala.

Naka-board shorts na green, sandong puti na hapit dahilan para lalong lumabas ang super laki niyang katawan, havaianas na slipers at nakasuot na itin na shades.

"Tao ba ang nakikita ko Tin?" Mahinang tanong ni Joan nung napadako ang tingin sa taong papalapit samin.
"Sinusundo na yata ako ng anghel Joan" overacting na sabi ni Tin. Naku! Kung alam lang nila ang ugali ng anghel na sinasabi nila.

"Basta-basta kang nagpapasya na sumama sa outing ng hindi ko nalalaman!" Bulyaw saken ni Francisco.
"Baket kailangan ko pa bang ipaalam sayo!?" Bulyaw ko rin sa kanya.

"Oo! Para malaman mo kung papayagan kita o hindi!" Mariing pagkakasabi niya.

Nakitang kong napanganga lahat ng mga kaibigan ko sa batuhang salita mula saming dalawa ni Francisco.

"Papayagan kita kung sasama ako! At dahil No choice ka, sasama ako!" Seryosong pagkakasabi niya.

"Hey guys! Hindi pa ba tayo aalis? Tara na dito sa car, napakainit eh" maarteng yaya ni Steffany.

"Kung naiinip ka mauna ka na!" Bulyaw ni Francisco.
"Mahiya ka nga! Wag mong pairalin ang kabastusan mo dito!" -ako.
"Wag mong sabihin sasakay ka sa secondhand na kotse na yan? Don kayo sa sasakyan ko." Mayabang na yaya niya sakin at sa mga kaibigan ko.

Ngayon ko lang napansin na ibang sasakyan ang dala ni Francisco. Inova ata ang tawag dun.

Habang nasa sasakyan kami ay ipinakilala ko si Francisco sa mga kaibigan ko. Halos tumulo na nga ang laway ni Joan sa kakatingin kay Francisco eh. Hahaha! Lakas talaga ng kalandian neto.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ayos na ayos to! Maraming tao!" Sabi ni Joan habang inaayos ang mga pagkain sa napili namin cottage.

Kahit kailan talaga malande tong alimangong ito! Walang pinipiling lugar. Haha!

Napalingon ako sa katabing cottage namin. Si Ariel at si Steffany dun nakapwesto. Nuknukan talaga ng arte tong babaeng ito. Napa-KJ! Alam namang niyang tropa namin si Ariel eh. Ex ko rin pala o baka ako lang ang nag-aassume na naging kami? Darating din ang araw maghahabol ka saken!

Hindi na nakapag-antay ang mga kaibigan ko at nagsipaglusungan na sila sa pool. Ako naman di mo aasahan sa ganyan eh. Di kase ako marunong lumangoy. Ako lang yata ang sirenang di maalam sa pagpagaspas ng buntot. Hahaha! KJ!

"Wala ka bang balak maligo?" Si Ariel.
Aba! Himala at kinausap ako ng sinaunang tao!

"Mamaya na siguro. Mag-iihaw pa ako ng bbq eh" palusot ko sa kanya.
"Babe hayaan mo na yang baklang yan diyan. Bagay naman yan sa ganyang gawain" matapobreng sabat nung babaeng linta.

Konti nalang. Kapag ako napuno tutusukin ko to ng bbq stick at siya ang iihawin ko!

Hindi man lang ako magawang ipagtanggol nitong si Ariel! Ayaw man lang pairalin kahit ang pagiging magkaibigan namin! Naknang!

Di nagtagal ay nagsipag-ahunan na ang mga laman dagat at kumain. Mga patay gutom!

"Babe hindi ako nakain ng mga yan. Magpadeliver ka nalang ng sarili nating pagkain" maarteng sabi ni Steffany na hindi man lang naisip na nandun kaming lahat para marinig ang kanyang sinasabi.

Haaaay. Ang mga mayayaman nga naman!

"Wag mong sabihin na magpapaorder karin at sasabihin mong hindi ka nakain ng mga yan!" Sabi ko kay Francisco sabay turo sa mga pagkaing nakahain.

"Halika nga rito. Turuan mo nalang akong kumain nito" sabay turo niya sa hipong urong.

Himala at malumanay ang tono ng pananalita ng dyablo? Anu kaya ang nakain nito?

Sabay-sabay napatingin sa kanya ang mga kaibigan ko.
"Oh yang mga tingin niyo! Magsikain na nga kayo!" Bulyaw ko sa mga kaibigan ko.

"Girls gusto niyo? Nagpaorder ako ng pagkain sa Creekside" singit ni Steffany habang nagkukwentuhan kami habang nakain.

Ito namang impakto ang sabe turuan ko daw siya pero ang nangyari - ako na tagahimay ng pagkain niya! Akala ko pa naman medyo naumpog na ang abnormal!

"No thanks rich kid. On the way na yung pinaorder naming pagkain ni Den" supladong sabay ni Francisco.

"Saan naman kukuha ng pambili yang bakla na yan? Haha! If I know nilibre lang din yan sa entrance nitong mga kaibigan niya" mapang-asar na sabi pa ng linta.

Aktong tatayo si Francisco pero pinigilan ko siya. Alam ko na ang balak nitong gawin. Iritado kasi ito sa mga maaarte at lalo na yung feeling. Jusko Naman! Kahit babae papatulan ng walangya!

"Ariel ilayo-layo mo sakin tong babaeng kasama mo at baka hindi ko to matantya!" Galaiting sigaw ni Joan kay Ariel na hindi man lang maawat ang kanyang kasamang pato!

Masyado na yatang mainit ang ulo saken nitong impaktang ito ah! Pasalamat nalang siya at mas kailangan kong asikasuhin itong si Francisco dahil nasisigurado ko na kapag ulo nito ang nag-init, mawiwindang siya!

"Paul! Paul!"
"Oh pre! Bakit ba ang tagal niyo!?" Sagot ni Francisco kay Allen. Tropa niya kasama si Jerome at si Kerby.

"Nagtanong ka pa! Oh ayan na yung mga pinaorder mo para kay Den!" Turo nito sa mga padating na tao na may mga bitbit na iba't-ibang pagkain sabay turo saken.

Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko nung makita yung mga pagkaing parating. Kahit ako hindi nakapagsalita.

Outing to hindi fiestahan!

"Tumawag na ako sa inyo at sinabi kong dito pala dalin yung sound system - akala kasi nila nasa Oasis ka!" Dugtong naman ni Kerby na may subong lollipop.

"So - pwede ba makijoin sanyo Den?" Singit naman ni Jerome at aktong aakbay saken at biglang pumagitna si Francisco.

"Kung sakaling may gusto pa yang mga kaibigan mo - sabihin mo lang kay Allen" dagdag pa ng impakto.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora