Uyy Jerome! Nakailan?

12.6K 404 60
                                    

Thank You.

Jerome Kier PoV

"Kakaiba ka talaga Jerome..." Ani ni Kerby.

Nag-iinom kami ngayon dito sa kanila. Wala kasi akong magawa kaya naisipan kong magpunta nalang ng biglaan dito.

"Sigurado ka okay ka lang?" Muling tanong sakin ni Kerby.

Kaya ko bang sagutin yun?
Okay nga ba ako?

Flashback

"Pasensya na Paul, mahal ko talaga si Den" diretsong sabi ko sa kanya.

Totoo naman ang sinasabi ko. Sobrang mahal na mahal ko siya.

"Siguro naman sa pagkakataong ito ay pagbibigyan ko ang kahilingan ko.." Sunod na sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko.

Magiging selfish ba ako?
Pagiging makasarili ba ang tawag sa gagawin kong disisyon?

Wala akong naririnig na kahit ano mula kay Paul. Alam kong nag-aabang lang siya sa susunod kong sasabihin.

"Pwede bang-"
"Jerome alam kong magkaibigan tayo pero-"

"Hayaan mo muna akong matapos magsalita Paul." Malumanay kong pagkakaputol sa kanyang sinasabi.

Muli kaming binalot ng katahimikan.

"Paul pwede bang...huwag mo sasaktan si Den. Ingatan mo siya. Mahalin mo siya. Pasayahin mo siya."

Nararamdaman ko ang mga luha kong dahan dahang tumutulo. Kahit na anonh pigil ko ay hindi parin ito tumitigil sa pagpatak.

Ito lang ang tanging paraan ko para mapasaya si Den. Alam ko magiging masaya siya.

"Jerome..." Mahinang tawag sakin ni Paul.

"Don't worry Paul. I'm okay. Alam ko naman na mahal na mahal mo si Den at ganoon din siya. Huwag ka mag-alala. Ayos lang ako" sagot ko sa kanya.

Pakiramdam ko sa mga sinabi ko kay Paul ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Oo masakit pero ramdam kong tama ang ginawa kong desisyon.

"Maraming salamat Jerome. Huwag ka mag-alala. Ako bahala kay Den."

End of Flashback

"Okay lang ako Kerby. Normal lang yun. Sabi nga diba may the best man win" nakangiti kong sagot kay Kerby.

Hindi nagtagal ay nagdatingan na ang mga kaibigan namin kasama si Paul.

"Oh ano pa!? Inuman na!" -Allen.

Nagkwentuhan kami. Wala namang pinagbago samin ni Paul. Siguro nga ay tama na talaga yung ginawa ko. Isa lang siguro ako sa naging daan para mapatunayan ni Paul na mahal na mahal niya talaga si Den.

"Tela lang Jerome! May gusto nga pala akong linawin sayo!" Biglang seryosong tanong ni Paul sakin.

Napunta lahat ang atensyon samin ng mga kaibigan ko.

"Naalala mo nung nasa bicol tayo! Diba magkasama kayong dalawa ni Den sa kwarto!" Mukhang galit na sabi ni Paul.

"Uyy Jerome! Nakailan?" Kasunod nun ay ang malakas na pagtawa ni Kerby.

Napansin kong naniningkit ang mata ni Paul at halatang naiinip sa sagot ko. At dahil don ay hindi ko na napigilan ang pagtawa ko dahil mali ang iniisip nila.

"Naglalaro kami ni Den ng time na yun. Nagising kasi siya tapos hindi na daw siya makatulog" sagot ko at tumawa ulit ako.

"Naglalaro? Eh bakit may narinig akong round two? Huwag mo akong paglolokohin Jerome!" Halos umusok ang ilong ni Paul sa pagkakasabing iyon sakin.

"Snake and ladders. May dala kasi siyang board nun kaya naisipan namin maglaro" tawa talaga ako ng tawa sa mga tanong nila sakin. Lalo na yung mukha ni Paul. Hahahaha! Lakas talaga tama nito kay Den. Naging mukhang killer habang nagtatanong sakin.

"Siguraduhin mo lang Jerome! Kapag nalaman kong ano! Kahit kaibigan kita may paglalagyan ka sakin!" -Paul.

"Nalamang ano!?" -Allen.

"Basta!" Sigaw na sagot ni Paul.

"Ang hina mo Jerome. Kung ako ang kasama ni Den dun siguradong-"

"Siguradong ano Kerby!!!?" Putol ni Paul.

"Siguradong makakalimang rounds kami sa snake and ladders. Magaling kaya ako dun" sagot ni Kerby dahilan para magtawanan kami nila Allen.

Ngayon sigurado na talaga akong tama ang desisyon ko. Wala pang alam si Den dito. Si Paul na ang bahala sa lahat. May tiwala naman ako sa kanyang hindi niya papabayaan si Den.



Chriden PoV

Monday nanaman! At dahil monday ay kailangan kong ilibre ang impakto! Natalo kasi ako sa laro namin. Bakit ba kasi pumayag pa akong makipagpustahan sa kanya eh! Malay ko bang malakas na tandem si Naruto at Sasuke dun! Buset!

"Den! Den!" Narinig kong sigaw. Alam ko na kung kanino galing yun. Kanino pa eh di Kay Sheryl!

"Oh ano nanaman ang problema mo?" Tanong ko sa kanya.

"Yan! Yan ang problema ko!" Sabay turo niya sa estatwa ni San Sebastian. Tawa tuloy ako ng tawa.

"Halika ka na nga. Pumasok na tayo" yaya ko sa kanya.

"Ayy puta tol may nakalimutan ako!" Biglang tigil niya at napatakip ng bibig.

"Ha? Ano?" Nag-aalang tanong ko agad sa kanya.

"Tangna tol! Nakalimutan kong mag-panty!"

"Putangnamo Sheryl!" Kasunod nun ay ang paghagalpak ko ng tawa sa harap ng deans office.

"Una ka na pumasok tol. Uuwe na muna ako. Pakisabi nalang na male-late lang ako" huling sabi niya pagkatapos ay naglakad na palabas ng school.

Jusko Sheryl! Saang planeta ka ba galing! Sobra mong pinapasaya ang buhay ko! Hahahaha.

Katulad dati. Discussion at take down notes. Nakasunod naman kaagad si Sheryl ay pinakita niya sakin na may suot na siyang panty. Baka daw kasi ipagkalat kong wala siyang panty. Hahaha.

Natapos ang klase namin ng goodvibes lahat kami. Tawanan kasi kami ng tawanan sa loob ng room gawa ni Sheryl.

Bago ako tumawid para makasakay ng baby bus ay bumili muna ako ng candy sa tabi ng gate. Nung aktong tatawid na ako ay may tumigil sa harapan kong sasakyan. Ibinaba niya ang salamin ng pintuan niyo.

"Alam mo na" nakangising sabi niya sakin.

"Bukas na kita ililibre! Gabi na. Uuwe na ako" sabay irap ko sa kanya.

"Kapag hindi ka sumakay dito. Ihaharang ko uli ito sa gitna" -Paul.

"Aba! Bakit ako sasakay eh nakasara ang pinto! Buksan mo daliiii!" Sabi ko sa kanya. Buset na lalaking to. Kala ko pa naman hindi ko na siya maililibre.

Author: Haaay.... wala ako masabi ngayon. Have a nice day.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon