Walang forever!

11.1K 395 31
                                    

On this day 😱😭😱😭😱😭

Paul Francisco PoV 😭

"Den..." -Ako.

Hindi ko alam kung ano ba itong kakaibang naramdaman ko nung nakita ko siyang may piring sa mata.

Tangina! Bakit kailangan pati siya madamay dito!?

Hindi ako makalapit sa kanya.
Wala akong lakas ng loob lapitan siya kasi alam kong dahil sakin kung bakit nararanasan niya ang nangyayari sa kanya ngayon.

Unti-unting tumutulo ang luha ko habang nakatingin ako sa kanya.

God knows how much I love this boy. Kahit ano gagawin ko para lang sa kaligtasan niya. Ayokong ako ang maging dahilan ng paghihirap niya.

Nakita kong pilit niyang tinanggal ang pagkakapiring sa mata niya. At dahil sa kaunting liwanag na mayroon sa kinalalagyan ko ay mabilis niya akong nakita.

Tinitigan niya ako.
Ramdam ko sa mga mata niya ang lungkot at pighati.

Alam kong naiyak siya.
Alam kong ako ang dahilan.

"Francisco..." Mahinang tawag niya sakin sapat na para marinig ko.

Nanatili lang siyang nakatingin sakin.

Jusko! Nasa harapan ko na ang taong mahal na mahal ko pero bakit parang ang layo-layo niya sakin.

"Bakit nandito ka? Sino ang may kagagawan niyan sayo?" Tanong ko sa kanya kahit na alam ko na kung sino ang pasimuno nitong kahibangan na ito.

Nagpunas siya ng luha at mabilis ibinalik sakin ang kanyang paningin.

"Sino!? Sino pa edi ang magaling mong Lolo!" Sigaw niya.

"Ginamit niya pa ang posisyon niya para kidnapin ako!!" Dugtong niya at halata sa boses niya ang pagkasarkastiko.

"Bakit!? Ano mapapala niya kapag kinidnap niya ako? Mayaman ba ako katulad niyo! May mansyon ba ako sa bicol katulad niyo!" Sunod sunod na sigaw niya.

"Saka ano ba nagawa kong kasalanan sa Lolo mo!? Bakit niya ginagawa ito! Hindi naman ako masamang tao!! Dapat nga ako pa ang magalit sa kanya...." Sabi niya habang humihina ang boses.

Hindi ako makapagsalita. Ramdam ko ang paghihirap at sakit na nararamdaman ni Den dahil sa kanyang mga sinasabi.

"Bakit kasalanan ko ba ikaw ang minahal ko ha Francisco!! Krimen ba yon! Krimen ba yon para ipakidnap ako ng Lolo mo!" Malakas na sigaw niya na naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko at naging dahilan din ng patuloy na pag-agos ng luha ko.

"Siya ang may mali! Inirereto niya ang mga apo niya ng basta basta! Hindi man lang niya tanungin kung ano ba ang nararamdaman ng apo niya!"

Ewan ko pero sa kalooban ko ay may nararamdaman akong kakaiba.

"Ano sumagot ka! Krimen ba ang pagmamahal kong nararamdaman? Labag ba sa batas kung ikaw ang mahalin ko ha Francisco! Kahit ano naman ang sabihin ko dito ay balewala narin! Hindi na mababago ang disisyon ng Lolo mong bato!" Galit na sigaw niya na halos umalingawngaw na ang boses niya sa kinalalagyan namin.

"Ano!? Edi hindi ka makasagot! Lakad! Sumama ka sa ipinakilala sayo ng Lolo mo! Magpakasaya ka! Mga abnormal kayo!" Huling sigaw kong narinig sa kanya.

Matapos yun ay nakita ay tumalikod siya. Nagsimula na siyang maglakad dahan dahan papunta sa pintuan na bukas na may kaunting liwanag.

Tang-ina! Ano itong nararamdaman ko! Gusto ko siyang sundan, gusto ko siyang yakapin. Ngayon ko lang narinig mula sa kanya ang sobrang pagmamahal niya sakin. Tangina Den! Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal! Kung gaano ko tiniis ang ilang araw na hindi kita nakikita! Kung alam mo lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobra. Sobra sobra!

"Wala ka pala eh! Ang bilis mo akong isuko! Hindi mo man lang ba itatanong ang nararamdaman ko!!?" Sigaw ko rin sa kanya. Nakaramdam kase ako bigla ng pagkapikon dahil sa bigla niyang pagtalikod sakin.

"Ilang beses kitang pinaglaban Den! Ginawa ko ang lahat para magkasama tayo pero ikaw lagi ang sumusuko!" Sigaw ko sa kanya dahilan para humarap ulit siya sakin.

"Ganoon nalang ba ako kadaling isuko ha Den!?" Dugtong ko.

"Sumagot ka!!! Hindi mo alam kung gaano kasakit sakin ang nangyayari ito! Hindi mo man lang ako matanong kung ok ako!!!?" Muling sigaw ko na bumalot sa buong lugar na kinalalagyan namin.

"Bakit Den!!? Kasalanan ko rin bang ikaw ang mahal ko!? Kasalanan ko bang mahalin ka!? Tangina... Kung alam mo lang ang nararamdaman ko..." Sabi ko habang pahina ang boses ko.

"Ngayon, kung talagang nahihirapan ka na.. Sige.. Hahayaan na kita. Pero tandaan mo Den mahal na mahal na mahal kita." Panandalian akong tumigil sa pagsasalita dahil sa patuloy na pagdaloy ng luha ko.

"Sa oras na lumabas ka ng lugar na ito... Sa oras na umalis ka at iwan mo uli ako... Hinding-hindi mo na ako makikita kahit kailan..." Huling sabi ko sa kanya habang aakma na siyang maglakad patalikod sakin.

Biglang nagbukas ang ilaw.
Nahagip agad ng mata ko si Lolo katabi ang kanyang kumpare at kasama si Angel.

Author: 😭😭😭😭😭 Ang sakit naman nitong chapter na ito.

Penge munang comments at votes bago yung last chapter. 😭😭😭😭

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now