Tangina! Ang sakit! Napakasakit!

11K 353 17
                                    

"Let me be the one"

Chriden PoV

Habang naririnig ko ang convo namin ni Jerome ay kusang nagdadaloy ang mga luha sa mata ko.

Tangina naman Jerome!
Alam mo naman siguro na nasasaktan na ako tapos mas dinodoble mo pa!

Lalong akong nanliit sa sarili ko nung nakita ko ang mga estudyante na nakatingin sa kinatatayuan ko.

Tananyo! Inaano ba kayo!
Hindi nyo kasi alam ang nararamdaman ko!

Kusang kumilos ang dalawang paa ko at lumabas na muli ako ng eskwelahan at sumakay na kaagad ako ng bus pauwe. Parang hindi ko kasi kayang pumasok ng ganito ang nararamdaman ko.

Tangina! Gusto kong magwala! Gusto kong sumigaw! Gusto kong ubusin na ang mga luhang patuloy na pumapatak mula sa mga mata ko!

Mabilis akong pumasok sa bahay at dumiretso na ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ko na sinagot ang mga tanong na narinig ko mula kay Mama at sa kapatid ko.

Inihagis ko ang dala kong bag at mabilis akong lumundag sa kama ko.

Nakadapa.

Nakadapa habang pilit kong pinipigilan ang sarili ko sa nagbabantang pagwawala. Pagwawala na kung saan gusto kong isigaw at ilabas ang sakit na nararamdaman ko.

Ang sakit sa puso.

Ang sikip sa dibdib.

Ang sakit ng buong pagkatao ko.

Masakit lahat.

Naramdaman ko nalang na biglang may umupo sa kama ko. Hindi ko nilingon yun.

"Kuya..."

Kapatid ko pala. Hindi ko siya sinasagot. Ayokong mahalata niya ang boses ko na na nauutal dahil sa pag-iyak ko.

"Kuya..."

Muling tawag niya sakin.

Tangina! Dahil sa nararamdaman ko naaapektuhan lahat ng nasa paligid ko. Ayoko ng ganito. Ayoko na. Ayoko na sa nararamdaman ko. Ang hirap. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Bahagya akong bumangon at umupo sa tabi ng kapatid ko.

"Bunso, gusto muna magpahinga ni Kuya" sabi ko sa kanya.

"Kuya bakit ka naiyak?" -Chrien.

"May masakit lang sakin bunso kaya gusto magpahinga ni kuya para mawala ang sakit"

"Kuya ano ba masakit? Ikukuha kita ng gamot"

Takte. Parang hindi ko alam ang isasagot sa tanong ng kapatid ko.

Kinuha ko ang kamay ng kapatid ko at itinapat ko iyon sa dibdib ko.

"Chrien, walang gamot dito. Iba yung sakit na nararamdam ko. Hindi dugo ang nalabas sa sugat dito kundi luha. Bata ka pa Bunso kaya hindi ko pa kayang ipaliwanag sayo ito" mahabang sabi ko sa kapatid ko habang patuloy kong pinipigilan ang nagbabadya nanamang luha mula sa mga mata ko.

"Kuya... Nalaglag mo ito kanina..." Sabay abot niya sakin.

Binasa kong muli ang card na hawak ko kanina.

Gabriel and De Guzman Nuptial

Eto nanaman ang luha ko. Nagbabadya nanaman sa pagpatak.

"Bunso, gusto muna magpahinga ni Kuya. Dun ka na muna sa sala. Nuod ka na muna ng cartoons" sabi ko sa kanya at bumalik ako sa pagkakahiga ko.

"Pero kuya sabi ni Kuya Lu-"
"Chrien wag makulit! Lakad na!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko sa kapatid ko kaya mabilis na siyang lumabas ng kwarto ko.

Tangina! Ito yung bagay na ayokong pumasok sa isip ko. Gumagawa na nga ako ng paraan para hindi ko maisip ito pero bakit patuloy na may gumagawa ng paraan para maipaalala sakin ito.

Dahil sa sobrag pag-iyak ko ay nakatulog na ako. Nagising nalang ako ng mga 7pm. Lumabas ako ng kwarto.

"Den kumain ka na muna. Nagluto ako ng paborito mong chicken curry. Magpapahinga na ako. Maaga pa ako aalis bukas" sabi ni mama na halatang may gustong itanong sakin.

"Sige po ma."

Matapos kong kumain ay lumabas ako at nagpunta ako kina Robert at Mike. Niyakag ko sila sa bahay. Gusto ko mag-inom. Gusto ko pagbalik ko sa kwarto ay makakatulog na agad ako.

"Anong meron Den? Celebration?" Tanong sakin ni Robert habang hinahalo ang juice na chaser sa iinumin naming emperador.

Nginitian ko nalang siya. Wala kasi akong maisip na isagot ko eh. Mas magandang wala nalang silang alam kung ano man ang dahilan ko kung bakit nagpainom ako.

"Den hindi ko na nakikita yung manliligaw mo ah! Ayos ba yun? Baka paloko loko yun ah! Dali saken yun!" Sabi ni Mike na halatang may tama na ng alak.

"Langya ka! Hindi na nanliligaw sakin yun! Nakahanap na ng iba yun! Hahahaha! Sagot ko sa kanya. Nakakatawa na ako. May tama na ako ng alak. Ayos na. Masaya na ako.

"Pinagpalit ka? Tangina men hindi pwede yun! Hantingin natin tol!" Sabat naman ni Mike habang nagsasalin ng juice sa baso.

"Tumigil nga kayo! Hindi kami bagay nun no! Saka ikakasal na yun!" Sagot kasunod nun ay ang pagtawa ko.

"Den, sabihin mo lang samin. Kami bahala! Ayaw namin na nasasaktan ka." -Robert.

Touch naman ako sa dalawang kunag na ito. Kaya mahal na mahal ko ang dalawang ito eh.

"Huwag na nga iyon ang pag-usapan natin! Shot!" Sigaw ko sa kanila.

Nagpatuloy ang inuman namin. Hindi ko na nga naisip na may pasok ako kinabukasan.

Nawili ako.

Nakakalimutan ko kahit panandali ang sakit na nararamdaman ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuya gising na! Late ka na!" Narinig kong sabi ni Chrien habang inuuga ako sa higaan. Bahagya akong gumalaw at dinilat ko ang mata ko.

Tangina! Ang saket ng ulo ko.

Masaket na ulo ko - masaket pa puso ko!

Hindi ko na inalintana ang oras. Wala akong pakialam kahit ma-late ako. Wala naman talaga akong balak pumasok ngayon eh. Gusto ko lang lang mahiga maghapon at pagdating ng gabi ay mag-iinom uli kami nila Robert.

Matapos kong mag-ayos ay umalis na kaagad ako. Wala akong ganang kumain. Wala akong gana sa lahat. Ayoko. Wala akong gustong gawin.

Ni-tap ko ang Id ko sa gate at diretso na akong pumunta sa cafeteria. Late na ako sa 1st and 2nd subject kaya aantayin ko nalang ang 3rd subject.

Nung aktong uupo na ako ay may biglang nahagip ang dalawa kong mata.

Hindi ko magawang tumayo.
Hindi ko magawang tumakbo.
Nararamdaman ko ang kirot sa panga ko dahil sa pagpigil ko ng pagdaloy ng luha sa mata ko.

Tangina naman!
Bakit palagi nalang ganito!
Sana hindi nalang ako pumasok. Sana nagtigil nalang ako sa bahay. Sana nag-inom nalang ako. Hindi ko sana makikita si Francisco na may kasamang ibang babae.

Nakaakbay si Francisco sa babae at kitang kita ko ang saya ng babaeng kasama niya.

Tangina! Ang sakit. Napakasakit!

Lalong akong nanliit at di mapakali nung napansin kong papunta sila dito sa kinaroroonan ko.

Walang emosyon siyang nakatingin sakin.

Ayan na..

Ayan na sila...

Gusto ko ng umuwe...

Ayoko ng nakikita ko!!!

Ang sakit! Ang sakit sakit!

Author: update later again. Dito po kasi kami ngayon sa island cove hotel :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora