Kapag narinig mong kumanta yan pre - maiinlove ka. ❤️

14.2K 511 18
                                    

Kiss me under the light of a thousand stars

Chriden PoV

"Kuya huwag ka maglalaseng ha! Nagpromise ka sakin na gagala tayo bukas!" Singit ni Chrien habang nakaupo ako sa harapan nila Kuya Bingbong at Jerome.

Oo nga pala. Nakapangako ako sa kapatid ko. Kaya hindi dapat maparami ang iinumin ko. Ayoko naman masira ang pangako ko sa kapatid ko.

Nandito kami ngayon sa likuran ng bahay namin.

May nakaset up na speaker. Cellphone ni Kuya ang nakasalpak.

Now playing: Bakit ngayon ka lang - JuanThugs

Pangtambay lang ang iniinom namin. Empie lights. Lagi naman ganun iniinom namin ni kuya sa tuwing umuuwe siya ng bahay. Mahina daw kase ang tolerance niya sa beer.

Jusko! Ako naman mahina sa ganito. Sa empie!

Nagsimula ng magkwentuhan si Kuya at si Jerome. Usapang lalake. Di ako kasale! Hahaha!

"Matagal na ba kayo magkakilala nitong pinsan ko?" Pag-iiba ni kuya sa usapan nila.

"Matagal na. Pero hindi kami ganoong kalapit dati. Medyo may pagkasungit kasi yang si Den eh" -Jerome.

Takteng to ah! Hindi mo ba alam nasa pamamahay kita! Aba! Kung makasabe to ng masungit ah!

"Hahaha! Ganyan talaga yan. Kahit nung bata pa yan palaging masungit ang unang sinasabi sa kanya" nakatawang sabi ni kuya.

Aba! Aba! Imbis na kampihan ako ng dugong na ito!

"Oy oy! Baka nakakalimutan niyong andito lang ang taong pinaguusapan niyo!" Sita ko sa kanila dahilan para lumakas pa lalo ang tawanan nila.

"Kuya peram muna ako ng cp mo. Maglalaro lang ako ng color switch" -Chrien.

Ibinigay ko ang cellphone ko sa kapatid ko at nagpatuloy na muli ang kwentuhan namin. Sinabi ko kay Chrien na pumasok na sa kwarto niya at doon na siya. Medyo gabi na kasi.

Kapag naman nawili yun sa kalalaro ay kusa na iyong makakatulog.

"Den gusto mo ba ulit bumalik sa banda?" Pagbabago muli ni Kuya sa usapan namin.

Natigilan ako. Napatingin ako kay kuya. Yung tingin na ipinaparating ko na hindi ito ang tamang oras para pagusapan ang ganoon.

"Banda? Talaga Den? Kasali ka sa banda?" Interesadong tanong ni Jerome.

"Oo. Vocalist ng banda yang pinsan kong iyan. Kaso, bigla nalang siyang umalis dati" dugtong ng manhid kong pinsan.

Hindi niya naintindihan ang nanlilisik kong tingin sa kanya.

"Wow! Gusto kong marinig kang kumanta Den." Nakangiting sabi ni Jerome.

Nakita ko rin nakangiti si Kuya. Alam ko na ang nais iparating sakin ni Kuya.

Flashback

"Den, totoo ba yung sinabi sakin ni Elaine na umalis ka na sa banda?" Diretsong tanong sakin ni Kuya pagkapasok ng pintuan.

Hindi ako nagsalita. Nanatili lamang akong nakaupo sa terrace namin.

"Ano ba nanaman ang nangyayari sayo Den!?" Medyo tumataas na ang boses ni Kuya.

Si Kuya kasi ang nagmamanage ng banda namin. Kaya ganoon na lamang ang kanyang reaksyon nung malaman niyang bigla nalang akong kumalas sa banda.

"Kuya, ayoko na muna. Gusto ko na muna magpahinga." Mahinahong sabi ko sa kanya. Matapos nun ay tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.

Tinabihan ako ni Kuya at inakbayan ako.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon