Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nanatili ka pang gising.

14K 583 10
                                    

"Theres no worst thing for love"

Jerome Kier PoV

Laseng ako pero nasa katinuan pa ako. Humiga na ako ako sa kama ni Den. Naramdaman kong unti-unti niyang tinatanggal ang pagkakabutones ng polo ko.

Tangna! Ano itong kakaibang nararamdaman ko?

Bakit lalo akong nagiinit?

Pinanatili ko lamang ang mga mata kong nakapikit. Naramdaman ko kasing tinapik ni Den ang pisngi ko at sinigurado niyang tulog ako.

Naririnig ko siyang nagsasalita. May sinasabi siya.
Lihin kong pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Ang sarap pakinggan. Sana palagi kaming ganito. Sana palagi ko siyang kasama.

Bigla ko siyang inabot at ikinulong sa bisig ko.

"Matulog na tayo. Maaga pa tayong gigising bukas" mahinang sabi ko sa kanya.

Alam kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Rome..na..narinig mo...ako!" Utal nyang tanong sakin.

"Matulog na tayo... Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nanatili ka pang gising..." Sabi ko sa kanya. Napangiti ako nung sinabi ko iyon. Pasalamat nalang ako dahil nakasubsob siya sa dibdib ko at hindi niya nakikita ang mukha ko.

"Goodnight Rome..." -Den.
"Goodnight Den" mahinang sagot ko sa kanya.

Medyo hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Gusto kong sulitin itong ganitong tagpo namin.

Hindi parin nawawala sa isipan ko ang kinuwento sakin kanina ng pinsan niya. Yung tungkol sa banda.

Napansin ko rin si Den na parang iwas siya sa tuwing paguusapan ang tungkol sa bagay na iyon.

Flashback (Habang nasa CR si Den)

"Hindi ko nga alam kung kailan huling kumanta yang pinsan kong iyan eh" komento ni Bingbong.

Nagsalin siya ng tagay ay inabot sakin. Mabilis kong ininom yun at ibinalik ko agad sa kanya ang baso.

"Sa tingin ko kakanta lamang yang si Den kapag handa na ulit yang magmahal. Masyado kasi siyang nasaktan sa naging karelasyon niya dati" seryosong dugtong ni Bingbong.

"Ganoon ang batayan niya?" Interesado kong tanong.

"Yun kasi ang hulinh narinig ko sa kanya. Sinabi rin niya na babalik lang siya sa pagkanta kung handa na ang puso niya" -Bingbong.

End of Flashback

Kailan ko kaya maririnig kumanta si Den?

Kailan kaya uli siya kakanta?

Kakanta pa kaya siya?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuya Jerome promise pupunta tayo dun?" Nakangiting tanong sakin ni Chrien. Tinutukoy niya yung sky ranch sa tagaytay. Sinabi ko kasi sa kanya kanina na dun kami pupunta.

"Naku Chrien ah! Huwag mong yayain kung saan saan si Kuya Jerome ha! Hindi pa nauwe ng bahay nila yan dahil nalasing kagabi" mahabang litanya ni Den dahilan para mapangiti ako.

"Don't worry. Nakatawag ma ako kay Mama. Sinabi kong dito ako natulog sa inyo" diretsong sagot ko sa kanya.

"Ha? Anong sabi? Baka magalit sakin yun kasi kinukunsinti kita sa pagiinom!" Nagaalalang ani niya sakin.

"Nagpapasalamat pa nga sayo si Mama kasi hindi mo daw ako hinahayaan na sa ibang lugar makipag-inuman" muling sagot ko sa kanya.

"Kuya mamaya niyo na pagusapan ni Kuya Jerome yan. Tara na! Para makagala tayo ng matagal" naiinip na pagyaya samin ni Chrien.

Kinuha ko ang bag na dala ni Den. Nilagay ko iyon sa likod ng sasakyan ko.

"Lets go!" Ani ko sa kanila.

Nasa likod si Chrien at hawak hawak ang tablet. Katabi ko naman ang taong mahal ko na lubos na ikinadadagundong ng puso ko.

"Pasensya na nga pala Jerome. Naabala ka namin ngayong araw na ito" narinig kong sabi ni Den sakin.

"Wala ka dapat ipagpasensya. Ang saya ko nga eh. Kahit araw araw tayong gumala o kahit saan tayo pumunta, okay lang sakin" nakangiti kong sagot sa kanya.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Napagkwentuhan namin ang pinsan niya at yung ibang mga kaibigan niya. Natutuwa nga ako kasi hindi na siya naiilang magkwento ng magkwento sakin.

Ang hindi niya lang nababanggit ay ang banda. Yun ang inaantay kong ikwento niya pero bigo ako.

Sa tuwing sinasagi ko nga ang usapan tungkol dun ay halatang iniiwas niya ang usapan, kaya hinayaan ko nalang. Darating din naman siguro ang panahon na kusa na siyang magkukwento o kusa ko ng malalaman ang tungkol dun.

Kumain muna kami sa isang fastfood bago tuluyang pumasok dito sa sky ranch.

Bakas na bakas sa mukha ng kapatid ni Den ang saya. Kung saan saan nga ako hinihila ni Chrien eh. Sumakay kami sa rollercoaster, carousel (tama ba spelling? Hahaha) at bumpcar.

"Hindi ka pa ba napapagod Chrien?" Narinig kong tanong ni Den sa kapatid niya.

"Kuya kapag masaya ka sa ginagawa mo ay hindi mo mararamdaman ang pagod" seryosong sagot ni Chrien.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Den.

Batang to ah! HumuWHOGOAT! Hahaha! Nagkangitian nalang kaming dalawa ni Den. Hinayaan namin kung saan gusto magpunta ni Chrien at kung ano ang gustong gawin nito.

Naglaro kami ng ballgames at iba iba pang games na nandoon.

Hindi namin napansin ang oras. Hapon na pala. Si Chrien naman ay eto karga karga ko. Nakatulog na sa balikat ko. Nasobrahan yata sa pagod.

"Akina si Chrien. Baka mangalay ang balikat mo" sabi sakin ni Den habang naglalakad lakad kami sa tagaytay park.

"Okay lang." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Naupo kami sa isang bench na nakaharap sa taal volcano. Ang ganda ganda ng tanawin. Kahit hindi na masyadong aninag ang taal ay maganda parin. Napapaligiran na kasi ng mababang ulap ang itaas ng taal.

"Den..." Mahinang tawag ko sa kanya.
"Oh?" Matipid niyang sagot.

"Thank you for spending your time with me..." Diretsong sabi ko sa kanya.

Napatingin siya sakin. Ewan ko ba pero totoo pala na nagiging makata ang isang tao pagdating sa love.

"The little moments I spend with you, make my life beautiful...day by day..." Dugtong ko.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang iyan. Kusa nalang lumabas mula sa bibig ko. Ang nasisigurado ko lang ay nanggaling lahat ng yan sa puso ko.

Nginitian ako ni Den at dahan dahan siyang lumapit sakin.

"Thank you Jerome..." Nakangiti niyang sabi sakin at pagkatapos nun ay niyakap niya ako.

-----------
Pls vote po. :)
Comment narin. :)
Salamat!

❤️❤️❤️❤️

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now