Shhh...Tahan na..

10.2K 396 10
                                    

Irksome.

Chriden PoV

Shit! Si Francisco.

"Nakalimutan mo kasi itong notebook mo kaya naisipan kong habulin ka.." Malumanay niyang pagkakasabi sakin.

Hindi ako makapagsalita.
Nasa harapan ko ngayon ang taong mahal na mahal ko. Ang taong nagiging dahilan kung bakit ganito ako ngayon.

Habang nasa harapan ko siya ay paulit ulit na nag-e-echo sa isipan ko ang mga sinabi sakin ni Lloyd.

Dapat nga ba akong gumawa ng paraan para mabawi ko siya?

Paano kung talagang wala na?

Paano kung talagang hanggang magkaibigan lang kami?

Sinabi pa ni Lloyd na huwag daw ako gumawa ng bagay na pagsisisihan ko sa huli. Hanggat may maliit pang chance ay posible ang lahat, hanggat nararamdaman kong may kaunti pang pagmamahal sakin si Francisco.

Nakatitig ako sa kanya.
Yung tingin na parang ang tagal tagal ko siyang hindi nakita. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko - sobra.

"Den..." Narinig kong mahinang tawag sakin ni Lloyd.

Hindi ko siya nilingon.
Hindi ko inaalis ang mga mata ko kay Francisco. Baka kasi bigla nanaman siyang mawala at hindi ko nanaman siya makita. Ang sakit sa pakiramdam nun. Parang akong unti-unting pinapatay nun dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Are you okay?" -Francisco.

Hindi parin ako makapagsalita.
Tangina naman! Tatanungin ako kung okay ako? Natural hindi! Sige ikaw iwanan ka ng taong sobrang mahal mo tapos tanungin ka kung okay ka? Takte! Bro mali yun! Kung alam mo lang kung gaanong sakit yung nararamdaman ko ngayon! Napakasakit. Kulang pa ang salitang sakit kung ikukumpara sa nararamdaman ko.

Patuloy akong nakatingin sa mukha ng taong nasa harap ko. Hindi ko na nga namalayanan na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan.

Masakit OO! Pero yung makita ko siya sa harapan ko ay walang kasingsaya. Ayoko na matapos itong sandaling ito.

Dahan-dahan siyang lumalapit sakin. Habang papalapit siya ay nararamdaman kong unti-unti ring nabilis ang tibok ng puso ko.

Ano ba ang nais iparating ng puso ko?
Tigilan na ito kasi may iba na? O ang ipaglaban ang nararamdaman ko gayong masa harapan ko na ulit siya?

Ayan na.... Malapit na siya...

Nakatingin parin ako sa mga mata niya habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.

Naramdaman ko ang dalawa niyang kamay sa mukha ko. Pinapahiran niya ang mga luhang nagdadaloy sa mukha ko.

Tangina! Bakit ganito ang nararamdaman ko!

Nakakaramdam ako ng saya. Napakasaya ko. Pakiramdam ko ay okay na uli kami. Pakiramdam ko ay parang walang nangyari.

Natalo na yata ng isip ko ang puso ko.

Lalo yatang nagwala ang dalawang mata ko. Lalong bumubuhos ang mga luha ko at unti-unti na akong nahihikbi.

"Shhhh.... Its okay...." Mahinang sabi niya.

Nung narinig ko yun ay parang bumalik ako sa ulirat ko. Parang nawala yung sayang nararamdaman ko.

Its okay? Tangina naman! Its okay ba yung basta basta nalang akong iniwan ay pinagpalit? Its okay ba yung sakit na nararamdaman ko?

Tangina! Its okeyin ko yang mukha mo!!!

Napansin kong dumadami na yung mga taong nasa paligid namin.

Nakatingin samin.

Nakita ko si Jerome at si Allen na nasa likurang parte ng taong nasa harap ko.
Napansin ko ang mukha ni Jerome na halos hindi maipinta at si Allen na hatalang gulat na gulat.

"Shhh... Tahan na... Hindi maganda para isang katulad mo ang umiyak..."

Bigla akong nakaramdam ng galit sa narinig ko. Tangina! Parang wala lang sa kanya ang nangyayari ah! Manhid ba siya para hindi niya malaman na siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito!? Kaya hindi na ako nakapagtimpi.

Tinanggal ko ang dalawang kamay niya sa magkabila kong pisngi at bigla ko siyang sinampal ng malakas.

"Ouchhh! Shit!" Sigaw niya habang nakahawak sa pisngi niya.

"Yan! Oh ano? May nalalaman ka pang its okay its okay! May nalalaman ka pang shhh tahan na!!!!" Sigaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kahit maraming tao ang nakakakita sa ginagawa ko.

"May sinasabi ka pang hindi maganda sakin ang naiyak!!!? Bakit sino ba ang nagpaiyak sakin! Diba ikaw! Diba ikaw!!!" Muling sigaw ko sa kanya. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko.

Wala na. Lulan na ang pag-iisip ko ng sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko itong mailabas.

Wala akong nakikitang reaksyon sa taong kaharap ko. Nakahawak parin siya sa pisngi niya.

"Oh ano ngayon!? Edi wala kang masabi!? Kasi tama ako! Sige! Wala nanaman akong magagawa diba? Ayos na iyon! Sumama ka sa babaeng iyon! Magpakasaya ka! Wala naman akong pakialam kahit saan kayo magpu-"

Hindi ko na naituloy ang mga sinasabi ko nung biglang niyang hinawakan muli ang dalawang pisngi ko.

Natigilan ako.
Napatanga ako.
Parang alam ko na ang susunod niyang gagawin.

Bakit ang tagal niyang gawin!?

Bakit nakatitig pa siya sakin!?

Tangina naman! Halikan mo na ako Francisco! Halikan mo na ako!

At dahil sa hindi na ako makapag-intay ay ako na ang humawak sa dalawa niyang pisngi at dali kong siniil siya ng halik.

Nakapikit ako.
Wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid samin.

Ang tagal kong inantay ang pagkakataon na ito.

Kung sakaling ito na ang huli samin ay masaya na ako. Masaya na ako dahil naiparamdam ko sa kanya na sobra ko siyang mahal.

Author: Shot muna kami. :)

Lakas ng ulan.

Pengeng Comment at likes.
Salamat! 😍

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon