Tatanga-tanga kasi!

12.3K 414 16
                                    

Just like me, they long to be - close to you..

Chriden PoV

"Ilagay mo sa bag ang gamot mo sa allergy ha!" Sabi ko kay Chrien.

Nakapangako kasi akong gagala kami ngayon. Wala akong pasok kaya babawi talaga ako sa kapatid ko.

"Okay na sir!" Sabay saludo niya sakin.

Kaya mahal na mahal ko itong batang ito eh. Napakalambing. Hindi ko kayang sabihing napakabait baka tamaan ako ng kidlat. Hahaha! Normal lang naman sa bata ang maging makulit diba?

"Ma! Aalis na ka- anong ginagawa mo dito!?" Gulat ko sa taong nakita ko. Aba! Nasa tapat ng bahay namin at ang porma? Potakte! Huwag lang sana niyang mahalata na napapatitig ako sa kanya.

"Masama bang puntahan ko ang boyfriend ko?" Pagpapacute niya sagot sakin.

Nakasuot siya ng conyo shorts na binabagayan ng human na damit (color gray, fitted) dahilan para umumbok ang kanyang braso at dibdib. Nakaslippers lang siya na havaianas. Takte! Bakit bagay na bagay sa kanya ang kahit na anong suot? Kung ako magsusuot nito malamang mukhang nasa bahay lang ako.

"Ang gwapo ko noh?" Untag niya sakin.
"Kapal ng mukha mo!" Bara ko sa kanya.

"Wrong timing ka manggulo. Aalis kami ng kapa-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung nawala sa tabi ko si Chrien. Hinabol ko sa eskinita at baka masagi ng sasakyan.

"Oh pano ba yan? Sakay na!" Sabi ni Paul mula sa likuran ko.

Nauna na kasi sa loob ng sasakyan si Chrien at halatang kami nalang dalawa ni Paul ang inaantay. Lagot sakin mamaya itong batang ito!

Hindi na uli ako nakatanggi. Sumakay narin ako at hinayaan ko na si Paul.

"Saan tayo pupunta bunso?" Mabait na tanong ni Paul.
"Kuya gusto ko uli magpunta dun sa maraming rides" -Chrien.

"Hoy Chrien! Wala sa usapan natin ang pumunta don ah!" Saway ko sa kanya. Wala kasi akong pera pang-entrance. Ang usapan lang namin ng kapatid ko ay sa mall lang kami pupunta. Maglalaro sa tomsworld.

"Kuya naman eh! Ngayon na nga lang tayo gagala" sagot ni Chrien.

"Pero bunso.."
"Ikaw naman! Napakasama mong kapatid! Minsan na nga lang magyaya itong kapatid mo" pangungunsensya sakin ni Paul.

Sa totoo lang, iniipit ko yung pera ko kasi gusto ko bumili ng cellphone.

"Sige Kuya sa SM nalang tayo para makatingin ka narin ng cellphone mo" bawi ng kapatid ko.

Alam rin kasi ng kapatid ko na sira ang cellphone ko. Nalaman niya yun nung nahiram siya sakin ng cellphone.

Nakaramdam naman ako ng kunsensya. Saka na nga ako bibili ng cellphone. Uunahin ko muna itong kapatid ko.

"Parang gusto ko rin sumakay sa mga rides. Paul dun tayo" nakangiting sabi kay Paul.

"Talaga kuya!?" Masayang tanong naman ng kapatid ko.

"Bago tayo pumunta dun. Kumain tayo. Di pa ako nakain ng breakfast eh" singit naman ni Paul sa usapan naming magkapatid.

Kaya nandito kami ngayon sa SM Bacoor. Si Chrien ang pumili ng kakainan namin. MCDo!

"Oy bunso wag masyado matakaw! Baka sumakit tiyan mo!" Sabi ko sa kanya.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Chicken Spaghetti at fries ang sakin. Chicken with burger naman ang kay Paul at Happy Meal naman ang sa kapatid ko. Hindi nga ako pinagbayad ni Paul eh. At takenote siya pa ang pumila para umorder. At ang himala pa eh kahit mahaba ang pila ay wala siyang reklamo. Hindi siya sumingit katulad dati.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now