Boyfriend mo daw <3

24.7K 850 9
                                    

Pengeeeeeng Marlboro yung Red! Nasusuka na akoooooo!

Chriden PoV

Nakakatakot talaga yung sitwasyon ko kanina. Ayoko na maulit yun! Pakiramdam ko ay parang sinisilihan ang pwet ko kania at gustong gusto ko ng umalis sa harapan nila kanina. Haaaay. Di na mauulit yun! Swear! Yoko na!

"Be ready nextweek" nabasa ko sa cellphone ko. Galing iyon kay Paul impakto. Sapilitan ngang kinuha number ko kanina ng walangyang yon!

"Be ready your face! Hindi ako sasama! Maghanap ka ng ibang kasama mo! At pwede ba wag mo ako isali sa kalokohang naisip mo! Wala akong boyfriend na abnormal!" Mahabang reply ko sa kanya.

Wala ka bang boyfriend na abnormal? Pwes! Simula bukas liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo! Goodnight!

Hindi ko na nireplayan yung message niyang iyon. Lalo lang kaming hindi magkakatapos kung papatulan ko pa ang text nyang yon. Inilagay ko ang cellphone ko malapit sa lampshade ng kwarto ko at natulog na ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Wake me up!
Wake me up inside
Wake me up inside
Call my name and save me from the darkkkk!

Putakte! Ayaw tumigil ng lintek na Bring me to life na ito! Kinapa ko ang cellphone ko at inihagis ko ito sa set na nasa kwarto ko. Aga aga mambulahaw! Wala namang pasok!

Tumigil nga si Evanescence sa kasisigaw pero bigla naman nagconcert ang Destiny's Child at nagkukumanta ng SURVIVOR!

Pilit kong ginapang ang cellphone ko mula sa pagkakahagis ko sa sofa at kinansel ko ang tawag. Yumuko ako sa sofa para ipagpatuloy ang naputol kong pagkakatulog pero hindi ko pa napapasok ang neverland nung bigla nanaman magsimulang kumanta ang cellphone ko.

"ANO BA! NATUTULOG PA ANG TAO! ANG AGA AGA NYONG MAMBULAHAW!" Sagot ko sa tumawag sa cellphone ko.

"Kanina pa ako nandito sa bahay niyo. Wala ka bang balak gumising!?" Pabalang na sabi ng taong sinigawan ko.

Biglang akong napaayos ng upo sa sofa nung mag-sink in sa utak ko kung kanino nanggaling yung pamilyar na boses na iyon. Basta-basta ko nalang kasi sinagot yung tawag nang hindi tinitingnan kung sino iyon.

Lumabas ako ng kwarto ko ng hindi pa nag-aayos ng sarili para masigurado ko na tama nga ba ang pagkakaintindi ko sa narinig ko.

"Aba Den buti naman at nagising ka na. Kanina pa may nag-iintay sayo sa sala." Walang emosyong bati sakin ng aking ina.

Paktay tayo diyan! Alam ko ang mga ganitong asal ni mama.
"Sino daw ma?" Pagpapatay malisya kong tanong.
"Boyfriend mo daw" diretsong sabi ni mama na nangangahulugan na kailangan kong magpaliwanag sa nangyayari sakin.

"Ah eh.. Hindi ma. Nagbibiro lang yung impaktong yun. Sandali lang ma puntahan ko lang"

Nadatnan kong nakatayo at paikot-ikot si Paul sa sala namin. Tinitingnan isa-isa ang mga litratong nakadisplay sa pagitan tv at component namin.

"Anong ginagawa mo dito! Pati ba naman sabado guguluhin mo ako!" Pagalit kong sabi sa kanya.
"Okay naman pala bahay niyo. Maliit pero maganda" sabi niya habang patuloy sa pag-i-scan sa mga nakadisplay.

Langyang to ah! Puri ba yon o pang-iinis! Saksakan talaga ng yabang ng hayup na to ah. Di porket mayaman siya ay pwede na yung ganun ganung ugali saken! Alalahanin niya malaki ang kasalanan niya saken.

"Mag-ayos ka. Mag-de-date tayo!" Diretsong sabi niya.
"Aba! Sino ka para utusan mo ako!? At sino ka para magdisisyon basta basta!?" Pabalang kong tanong sa kanya.

Nagkatinginan kami. Yung para bang may lumalabas na kuryente sa bawat tingin na binibigay namin.

"Oh mukhang hindi yata kayo magkasundong dalawa" pagpuna ni mama nung inilagay niya yung juice sa lamesita.

"Lakad na! Marami pa akong gagawin at inaantay ko pa si KENNETH dahil niyakag niya ako sa Moa!" Sabay talikod ko at dumiretso na ulit ako sa kwarto.

Napakabastos! Napakayabang!
Anong akala niya mapapasunod ako sa gusto niya!? At isa pa gusto lang niya ako magpanggap na syota niya para hindi siya ireto ng ireto ng Ate niyang weird! Kabwiset!

Habang nag-iimagine ako kung paano ko papatayin ang impaktong yun ay biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon.

Ano ba namang klaseng tao kaaaaaaa!

"Nandito na uli ako sanyo. Bilisan mo! Ayoko ng nag-aantay!"

"Ma aalis na muna kami" paalam ko kay mama. Halatang halata ang pagtataka sa mukha ni mama.

"Akala ko ba may iba kang gagawin?" Si mama.
Tiningnan ako ng demonyo ng makahulugang tingin at ngumisi ito.

"Narealize ko kasi Ma na mas importante yung lakad namin ni Paul. Nakakahiya naman kasi sa taong nag-eeffort" nakangiti kong sagot kay Mama.

"Sige po Ma, alis na muna kami ni Denden"

Bigla ako napatingin sa kanya pati narin si Mama. Aba! Naki-Mama ang impakto! Hindi na nahiya! Ang kapal ng mukha!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now