Saklolo! Ayy! Ayaw ko kay Lolo! Saklola!!!!

10.8K 380 18
                                    

He may have what I what - but you're the one I need.

Chriden PoV

Ano kaya yung biglang kong naramdaman nung narinig ko iyon mula sa lolo ni Paul? Parang nakaramdam ako ng biglang may tumusok sa dibdib ko. Parang ang sakit - o talagang masakit.

Kaya eto ako ngayon, nakaupo sa garden at nagpapahangin. Gusto kong maalis muna yung sakit na naramdaman ko. Paulit ulit kasing nag-eecho sa isipan ko ang sinabi ng kanyang lolo at nadiretso naman sa puso ko.

"Pwedeng makiupo sa tabi mo?"

Nilingon ko agad iyon.

"Oh Luis. Tara." Sagot ko naman sa kanya.

Nagsimula nanaman magkwento si Luis tungkol sa mga kalokohan niya. Natatawa nga uli ako eh. Lahat nalang yata ng ginawa niya sa school ay kinukwento niya sakin.

"Alam mo sana dumating din yung time na may makilala akong katulad mo Den" biglang pagseryoso ni Luis.

Lihim akong natawa sa sinabi niya. Jusko! Ang gwapong katulad ni Luis Franco naghahangad na makakilala ng katulad ko? Ano ba nangyayari sa mundong ito?

"Sayang nga eh. Naunahan ako ni Kuya Paul na makilala ka." Dugtong niya.

Ha? May pagkaabnormal din pala ang taong ito ah!

"Alam mo Luis, darating din yung time na makikilala mo ang taong makakapagpatibok ng puso mo, yung tipong maiimagine mo yung future mo na kasama siya, yung pakiramdam na napakasaya kapag kasama mo siya at higit sa lahat yung hindi mo hahayaang mawala siya sa tabi mo" mahabang sabi ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung saan ko nahugot ang mga sinabi ko eh. Hahaha!

"Ikaw mahal mo ba si Kuya?" Prangkang tanong niya sakin.

Mahal ko? Si Kuya niya?
Teka bakit wala akong maisip na isagot.?
Bakit parang umurong ang dila ko?

"Mahal ko?" Patanong kong sagot sa kanya.
"Oo. Kung mahal mo si Kuya?" -Luis.
"Kuya?" Sagot ko uli sa kanya.

"Isa pang ulit mo sa tanong ko sayo. Itatakas na kita Den!" Diretsong sabi niya sakin.

Hala! Ano ba dapat kong isagot?
Mahal ko ba si Paul?
Mahal ko ba si Francisco?
Mahal ko ba si Paul Fracisco?
Mahal ko ba si Paul Francisco Gabriel?

Potek! Ang sakit ng hypothalamus ko!

"Masaya ako kapag kasama ko siya... Nakukumpleto ang araw ko kapag nakikita ko siya... Gusto ko lagi ko siyang kasama... Kahit palagi kaming nag-aaway nun ayos lang sakin basta nandiyan siya... Ayoko ng may iba siyang kasama. Ayokong natingin siya sa iba... Ayoko.. Ayokong mawala ulit siya..." Dire-diretso kong sagot sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit nasabi ko yung mga yun. Kusa nalang bumuka ang bibig ko at nasabi ko iyon.

"Mahal mo nga si Kuya. Napakaswerte naman ni Kuya..." Nakangiting sabi niya sakin.

"Pano? Kuha muna ako ng beer sa taas. Maglakad lakad ka muna, balikan kita" paalam ni Luis at kaagad na siyang tumayo at naglakad paalis.

Napagpasyahan kong maglakad lakad muna. Malawak ang bakuran nila. Maraming malalaking puno katulad nung mansyon nila Kerby sa bicol.

Habang naglalakad ako ay may naririnig akong lagaslas ng tubig.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakakawili rin kasi ang mga nadadaanan ko. May mga ilaw sa mga magkabilang puno at may nadadaanan akong mga maliliit na upuan.

Hanggang sa marating ko ang kanina ko pa hinahanap. Ang batis. Astig! Hindi ko inaakalang may batis pala dito.

"Ay shiiiit!" Sigaw ko nung bigla akong nadulas.

Hindi ako makatayo. Mukhang hindi naging maganda ang pagkakadulas ko. Masakit ang paa ko. Mahapdi. Ang sakit din ng baywang ko.

Takte naman! Bakit ngayon pa. Wala pa naman akong cellphone para humingi ng tulong.

Ilang minuto narin akong nandito. Medyo maliwanag naman dahil sa nasisinagan ng buwan ang batis. Naupo nalang ako at mag-aantay nalang ako na medyo mawala wala ang sakit ng paa ko para makabalik na ako sa mansyon.

Napabalikwas ako nung may napansin akong nagalaw na liwanag. Potek! Natatakot ako!
Baka totoo yung palaging sinasabi sakin ng tita ko na kapag daw may mga alitaptap na paikot ikot sa mga mapupunong lugar ay meron kapre! Tangina! Ayoko! Ayoko makakita nun!

Unti-unting nalapit sakin yung ilaw.

"Whaaaaaaaaah! Kapreeeeeeee!" Sigaw ko.

"Sir....Sir...Kalma po. Hindi po ako kapre"

"Saklolo! Ayy ayaw ko kay lolo! Saklola!!! Saklola!!!" Sigaw ko. Pumapasok pa kasi sa isipan ko ang sinabi ni Lolo na ipapakilala si Paul sa ibang babae. Ayoko! Ayoko!

"Sir...kalma po" naramdaman kong hawak hawak niya ang balikat ko.

Minulat ko ang mga mata.

Oh shit! Ganito ba kagwapo ang kapre?
May abs pala ang kapre!
Pakshet!

"Teka sino ka?" Tanong ko sa kanya nung bumalik na ako sa katinuan. Tao pala siya at hindi kapre.

Sinabi niyang malapit lang ang bahay nila at palagi daw siyang nag-iikot sa gabi. Sinabi din niyang huwag akong matakot sa kanya dahil dito daw siya nagtatrabaho bilang tagaharvest ng mga prutas.

"Halika sama ka muna po sa bahay para mahilot po ang paa mo Sir. Mukha kasing hindi maganda lagay ng paa mo sir, ang kinis pa naman po" sabi niya habang hawak hawak ang paa ko.

Wow! Gusto ko ang papuri mo. Makinis pala ang paa ko. Hahaha.

"Magtiwala ka po. Wala po akong gagawing masama sayo" dugtong niya nung napansin niyang medyo nag-aalinlangan ako.

Pumayag na ako. Masakit na kasi talaga ang paa ko at gusto ko narin makabalik sa mansyon. Sigurado ako hinahanap na ako ni Luis kasi sabi niya babalikan niya ako dun sa garden.

Aktong tatayo na ako ng biglang kumirot ang paa ko. Aktong babagsak na ako nung biglang sinalo ako ng taong kasama ko.

"Huwag mong pilitin Sir" sabi tapos bigla niya akong binuhat. Yung buhat na parang bagong kasal. Takte! Ano ba itong pumapasok sa isipan ko.

Hinayaan ko na siya. Masakit na kasi talaga ang paa ko.

Ilang minuto rin ang lumipas at dumating narin kami sa bahay niya.

Isang maliiy na kubo at tanging lampara lang ang nagbibigay ng ilaw sa loob.

"Mag-isa ka lang dito?" Tanong ko sa kanya nung inilapag niya ako sa isang papag na may nakalatag na banig.

Nalaman kong mag-isa lang siyang nakatira dito at yung ibang kasama niya ay medyo malayo ang bahay. Wala na diyang mga magulang. Namatay daw sa isang aksidente nung bata pa siya. Nalaman ko ring Rico ang pangalan niya.

Habang hinihilot niya ako ay kwento siya ng kwento. Nakakatulong din daw iyon para hindi ko masyado indahin ang sakit ng paghilot niya.

Author: sabado nights with #MikeJose. Shot na uli. Hahaha!
Mukhang makakapag-update pa ako ah. Unahin ko muna yung Anghel sa Lupa. :)

Pengeng comment at votes. Salamat! :) o

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now