Sorry - to make it clear.

17.8K 675 35
                                    

Add niyo ako sa fb :) Search nyo lang yung BUBEI YEBEB salamat!

Chriden PoV

Hindi ko magawang magsalita habang pinapanuod kong magperform ang grupo ni Francisco. Ang ganda ng boses niya.

Iyang kanta narin yan ang gustong-gusto kong naririnig mula sa isang lalake. (beautiful in my eyes).

Nagpalakpakan ang mga taong nanunuod. Ang daming babaeng sigaw ng sigaw ng bawat pangalan na kasali sa grupo nila. Ako? Nakatulala lang at hindi ako makaget-over sa nasaksihan ko.

"Den, balik na tayo sa backstage. Maya-maya ay i-aanounce na ang winner" sabi ni Kenneth sakin mula sa likuran ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hi Den! Ang galing mo sumayaw kanina" puri sakin ni Jerome habang nasa backstage kami. Kasali rin kasi siya sa grupo ni Francisco.

"Salamat..kayo rin, ang gagaling niyo" puri ko rin sa kanila.

Tinawag na ang lahat ng grupo sa stage para sa announcement ng winners. Kinakabahan na ako. Mas over ang kabang nararamdaman ko ngayon kesa kanina.

Please. Sana manalo kami. Gusto ko matuloy ang bakasyon namin ng mga kaibigan ko.

"To receive 10,000php cash and vacation trip for 10....." Malakas na sabi ng announcer sa hawak niyang mikropono. Kasunod nun ay ang malakas na tunog na nanggagaling sa mga nakapalibot na speakers dito sa gymnasium namin. Pabitin epek pa to!

"Group number!!!!!!!!?" Patanong niyang sigaw sa mga nanunuod.

"Fiveeeeeeeee!
"Fooooooooour!
"Fiveeeee! Fiveeeeee!"
"Foour!!!!"

"Oneeeee!"

Sigaw ng mga nanunuod. Be positive. Dapat maging positibo. Naramdaman ko nalang ang mahigpit na hawak ni Kenneth sa kamay ko. Napansin yata niyang kinakabahan ako sa nangyayari.

"Its okay." Mahinang sabi niya sakin.

"GROUP NUMBEEEEEEER! FOOOOOOOOUR!"

Naghiyawan at sigawan ang mga taong nasa loob. Napatalon ako sa sobrang saya nung narinig ko na kami ang nanalo.

Napayapos ako kay Kenneth dahil sa sobrang kagalakan.
Thank you Lord! Thank you! Labyu!

"Hmmm...sorry. To make it clear..." Malakas na sabi ng announcer.

Biglang tumahimik ang buong paligid. Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin ng announcer. Subukan mo lang na gayahin ang announcer ng Miss World na nagkamali kundi papatayin kitang kuhol ka!

Napakatagal pang magsalita netong kuhol na ito! Tense na tense na ako! Pinagpapawisan na nga ako ng malamig sa kaiintay sa sasabihin niya.

"We have two winners! The other one is none other than group number five!!!!!"

Matapos sabihin yun ay nabalot ng hiyawan at sigawan ang buong gymnasium. Naririnig ko rin ang mga cheer ng mga malalanding babae at kapederasyon ko.

Ha? Pede ba yun? Dalawa kaming panalo? Madayaaaaaa! Kami lang dapat! Mas nahirapan kami eh! Potek na iyan!

Tiningnan ako ni Francisco ng nakakalokong tingin. Inirapan ko lang siya. Buset tong lalakeng ito! Kasali pala sila tapos hindi sinasabi saken!
.
.
.
.
.
.
Natapos ang gabi na sobrang saya namin ng mga kaibigan ko. Tuloy na tuloy na ang bakasyon namin at pag-uusapan nalang kung anu-ano ang dapat bilihin at dalahin sa venue.

"San nga ba tayo magbabakasyon?" Tanong ko habang nakain kami dito sa paboritong kainan ng tropa - MCDO!

"Mindoro" nakangiting sagot ni Ian. Kaibigan ni Kenneth.

Napagkwentuhan namin ang mga pwedeng gawin sa lugar na iyon. Three days and two nights kami dun kaya siguradong masaya.

Ang tanging poproblemahin nalang namin ngayon ay ang Finals. Mahirap kasi ang exam kapag finals. Pahirap yang mga prof na yan eh!

"Oh sige. Thanks!" Sabi ko kay Kenneth nung hinatid niya ako sa tapat ng bahay namin. Medyo gabi na kasi kaya hindi siya pumayag na hindi ako ihatid. Marami daw kasing adik sa kanto namin kaya baka daw kung ano mangyari sakin. (lakad maka-babae neto ah) hahaha!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Waaaaaaah! Baket wala sa mga nireview ko ang mga tanong na ito!? Badtreeeeeeeeep! Pigang-piga na ang utak ko! Hindi naman ako makakopya kay Mia (Mia Dones) kasi ang layo niya sa upuan ko. Si Ellen (Ellen Magsino Albaran) naman ayaw magpakopya! Kung aasa naman ako kay Sheryl (Sheryl Cayarian) tangna! Walang mangyayari! Beh eto tawa lang ng tawa at pinagtitripan si San Sebastian. Susundutun daw niya ang pwet para daw gumalaw! Tangnamo Sheryl! Hahaha!

Si Rica (Ricabel Del Rosario) naman ay nasa loob ng office ni Maam Barron at nagrereview sa exam niya. Iba kasi course niya - S.A siya dito sa PsycheLab namin. Nagingi kasi ako sa kanya minsan ng sagot. Siya kasi tagacheck ni Maam.

"Den hulaan mo ano laman ng bag ko?" Bulong sakin ni Sheryl.

Langya! Nag-eexam kami tapos papahulaan niya kung ano laman ng bag niya! Hahaha! Sigurado ako kalokohan nanaman to!

"Keyboard ng pc ni Maam!" Sagot ko sa kanya. Muntik na kaming mapatawa ng malakas pagkasabi ko nun.

"Muntik ka ng tumama. Hula pa!"

Lalo akong napatawa nung narinig ko yun sa kanya. Hahaha! May balak pala siyang kunin yung keyboard! Hahaha!

"Stapler!" Hula ko ulit sa kanya.
"Tangnamo! Tanga! Mali!" Tapos iniihit siya ng tawa buti walang tunog.

"Sirit na! Pahirap to eh!" Sabi ko sa kanya.

Dahan-dahan niyang binuksan yung zipper ng bag niya at napatawa talaga ako nung nakita ko yung hawak niya.

SHARPENER! YUNG MALAKI! HAHAHAHAHA!

Tangnamo Sheryl! Magnanakaw ka talaga! Hahaha!

"Cayarian! Juco! What's the problem!?" Sita samin ni Maam Barron.

Tumahimik nalang kami pareho. Hindi ako natingin kay Sheryl dahil kapag tumingin ako ay siguradong hindi ko mapipigilan ang pagtawa ko.

Lumipas ang ilang minuto ay napansin kong panay ang bulong ni Sheryl. Magkatabi kasi kami. May kung ano siyang sinasabi habang nakayuko at sa tingin ko ay nakapikit siya.

Lakas talaga sapak ng babaeng ito!

Inuga ko ng bahagya ang upuan niya para makuha ko ang atensyon niya.

"She... Ano ginagawa mo? Bakit panay ang bulong mo?" Tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng seryoso. Inayos ng kaunti ang pagkakaupo niya.

"Nagdadasal ako! Tangnamo wag kang magulo!" Seryosong sagot niya sakin. Totoo promise! Ganyan talaga siya magmura!

"Eto oh! Kinuha ko talaga to para sating dalawa!"

Gustuhin ko mang pigilan yung tawa ko ay hindi ko na nagawa. Takte ka Sheryl! Hahaha! Pati yung nakapaskil na prayer sa bulletin board ng PsycheLab ninakaw niya! Hahahaha! Tinanggal talaga niya at eto binibigay sakin yung isang kopya.

Dahil sa sobrang lakas ng tawa ko ay pinapasa ni Maam Barron ang Exam ko at ni Sheryl at pinalabas na kami ng room.

"Kaingay-ingay mo kasi! Yan tuloy!" Sisi niya sakin.
"Puro ka kasi kalokohan! Pati ba naman prayer ninakaw mo!" Tawa parin ako ng tawa.

"Ay putangina!" Sigaw niya sabay tingin sakin ng seryoso.
"Oh bakit?" Takang tanong ko.

"Naipasa ko yung essay ko!" Sabi niya.
"Eh ano naman? Talaga naman dapat ipasa yun eh. Dun na nga lang ako aasa para pumasa ako" mahabang sagot ko sa kanya.

"Tangnamo! Lyrics ng kanta sinulat ko dun! Ang masama pa yung lyrics pa ng tagalog version ng Ignition!"

Mas lumakas pa ang tawa ko nung marinig ko sa kanya yun. Iyak na ako ng iyak sa katatawa dahil sa ginawa niya. Hahaha! Magkaroon ka ba naman ng ganitong kaibigan!
------

(Miss na kita Sheryl! Hahaha! Tanda mu pa ba yang nangyaring yan satin? Hahahaha! Tawa parin ako ng tawa kapag naaalala ko yan. Labyu tol!"

Totoo pong nangyari samin yan nung college days pa kami. Mas marami pa akong ibubunyag na kalokohan. Promise! Hahaha

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon