Just enjoy the night

12.8K 460 9
                                    

Love is all about sacrifice.

Paul Francisco PoV

Medyo late na ako nakarating dito sa venue ng birthday celebration ni Bong. Ang daming tao. Yung iba mga kakilala ko pero karamihan ay bago lang sa mata ko.

Habang naglalakad ako papunta sa isang bakanteng table ay napukaw ang dalawang tainga ng isang babaeng nakanta.

Ang ganda ng boses. Corny man sabihin pero damang dama ko yung emosyon ng kanya niya. Ang galing talaga pumili ng vocalist ni Bong. Sigurado ako maraming ng ipon ang mokong na yun.

Pagkakuha ko ng isang bote ng alak ay humarap na ako sa pinanggagalingan ng boses.

Shit.

Ikinurap ko pa ng isang beses ang mata ko at muli kong tinuon ang atensyon ko sa pinagmumulan ng boses.

Tangina! Totoo nga.

Hindi ko inaakalang ganyang kaganda ang boses ni Den - ng taong sobrang mahal ko.

Dahil sa pagkamangha ko sa kanya ay na-straight ko ang laman ng boteng hawak ko at pagkatapos ay kumuha pa ako ng isa.

"Pare kukunin ko number niyan pagkatapos nyang kumanta" narinig kong sabi ng isang lalaki na nakapwesto malapit sa lugar na kinatatayuan ko.

"Uunahan na kita. Type ko siya" sagot naman ng kausap niya.

Aba mga tarantado tong mga to ah! Hindi ba nila alam na pagmamay-ari ko yang taong nakanta! Hindi ba nila alam na sakin lang si Den dahil ako ang nararapat para sa kanya.

Nilapitan ko ang mga tarantado.

"Huwag niyo lang susubukang lumapit sa kanya. Magkakagulo tayo dito pagnakita kong lumapit kayo sa kanya" iritable kong pagbabanta sa kanila.

Wala na akong narinig na sagot mula sa kanila. Halatang natakot. Hindi naman talaga ako nagbibiro. Lulunurin ko talaga sila kapag nakita kong lumapit sila kay Den.

Naglakad na muli ako pabalik sa table ko nung marinig kong nagsalita sa mikropono si Bong. Nagpasalamat ito at sinabi niyang kung sakaling may kailangan ay magsabi lang sa mga waiter.

Uupo na sana ako nung mas kinabigla ko pa ang kasunod niyang sinabi. Pinsan daw niya si Den at vocalist ng banda.

Si Den pala ang palaging kinukwento noon ni Bong sakin. Yung vocalist na basta basta nalang nag-quit dahil sa malalim na rason.

Nagsimula na ulit tumugtog ang banda. Kumanta ulit si Den. Para akong lutang habang pinapakinggan ko siya habang nakanta. Ang sarap sa pakiramdam.
Sana ako yung taong iniisip niya habang kumakanta siya.

Matapos ang kanta ay nakita kong bumaba ng stage si Den.

Tama! Sasalubungin ko siya. Kakausapin ko siya.

Nakangiti akong naglalakad papunta sa direksyon ni Den. Ito na yung pagkakataon ko. Dapat magkaayos na kami. Dapat masabi ko ng maayos ang nararamdaman ko para sa kanya at maipaliwanag ang lahat ng mga nangyari.

Ilang hakbang nalang.

"Uyy! Paul! I'm glad you're here. By the way, si Rachel. Remember?" Biglang sulpot ni Bong sa harapan ko.

Rachel? Ahh tama! Si Rachel Solis! Yung classmate namin dati. Iba na itsura ngayon ng babaeng ito ah. Gumanda ang hubog ng katawan hindi na katulad dati na saksakan ng botog!

"Ahh. Si Rachel. Oo naalala ko na." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Oh maiwan ko muna kayong dalawa. Marami pa akong kakausapin. Just enjoy the night" huling sinabi ni Bong bago siya tuluyang umalis.

"Oh kumusta ka na? Laki na ng pinagbago mo ah" sabi ni Rachel.

Malaki narin ang pinagbago niya. Hindi narin katulad ng dati ng nuknukan ng talandi. Nagkaroon na ng maayos na pananalita at mukhang may class na ang dating niya.

"Okay lang. Ikaw rin. Gumanda ka lalo" nakangiti kong puri sa kanya.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Puro yung tungkol sa nakaraan ang pinag-uusapan namin. Bigla ko nalang naalala ang dapat kong gawin. Ang puntahan si Den at kausapin ito.

Nilinga linga ko ang paligid ko.
Nakakainis! Bigla bigla nalang kasing nasulpot si Bong. Nawala tuloy sa paningin ko si Den.

Inikot ko pa ang mata ko sa kabuuan ng lugar. Nagtagumpay naman ako at nakita ko na ang taong hinahanap ko.

Nakaupo siya at... at may kasama.

Si Jerome.

Bumibilis nanaman ang sirkulasyon ng dugo ko. Naiinis nanaman ako.

Bakit na sa lahat nalang ng pagkakataon ay palagi silang magkasama?

"Paul are you okay?" Tanong sakin ni Rachel. Nahalata niya atang nag-iba ang aura ko.

"Oh..I see. Tara. Dun tayo sa table" sabay hatak niya sa kamay ko. Nagpaubaya na ako. Kailangan mawala ang init ng ulo ko. Ayokong gumawa ng kahit na anong eksena samin ni Jerome dito.

Huli na ng mapansin kong magkatabi lang pala kami ng table nila Den. Nakita kong napatingin samin si Den pati si Jerome.

Takte! Lagi nalang wrong timing. Napakamalas ko talaga!

"Uy Paul. Nandito ka rin pala" bati sakin ni Jerome.

Wala! Wala ako dito! Obvious ba? Wag mo ako makausap ng ganyan Jerome! Hindi ko gusto ang nakikita kong ginagawa mo. At saka kailan pa naging ganitong kaligalig si Jerome? Bihira lang magsalita ito ah!

"Naimbitahan lang. Matagal ko ng kaibigan si Bong" plain tone na sagot ko sa kanya.

"Kaibigan mo pala si Kuya, Paul. Ikaw siguro yung kinukwento niya sakin dati na gangster" kasunod nun ay ang pagtawa ni Den.

Paul? Bakit Paul ang tawag mo sakin Den? Hindi ako sanay! Parang may kakaiba sa pakiramdam ko ngayon.

Hindi ako naapektuhan nung salitang gangster pero yung pagtawag niya sakin ng Paul - yun ang parang naging dahilan kung bakit parang may libu-libong karayon ngayon sa dibdib ko.

"Magkakakilala pala kayo - mas maganda siguro kung dito nalang tayo sa isang table" nakangiting komento ni Rachel.

Aba! Nananadya talaga itong babaeng ito ah! Hindi ba niya nahahalata? Hindi ba niya nahahalata na nagseselos ako sa nakikita ko?

"Don't worry. Akong bahala" bulong sakin ni Rachel sabay kindat.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now