Kailangan ko ng bumuo ng grupo!

21.3K 701 16
                                    

Gusto kong magpa-massage.. Tadtad na yata ng lamig ang buong katawan ko. Gusto ko rin mag-diet! :( di ko naman alam kung paano sisimulan. :(

Chriden PoV

Malapit na ang foundation day ng school namin kaya bisi-bisihan ang peg ng bawat department. Dahil sa mga weirdo ang mga kaklase ko (kasama narin ako) naisipan namin ang fortune teller booth. Alam kasi namin na manghuhula ang tingin samin ng ibang mga tao. Psychology major kasi.

Yung mga nursing student naman ay wedding booth ang peg. Siguradong patok sa mga talande ang booth na iyon. Tao nga naman kung anu-ano na naiisip na paraan para lang magkapera. Hahaha! May magtangka kayang magpasok sakin sa wedding booth? Hahaha Asaness!

Ang Criminology naman ay jail booth. Talagang pinanindigan ang kurso nila. Dapat nga sila ang ikulong dahil sa mga angking kayabangan ng mga yun eh! Lalo na si Francisco! Ikulong siya! Patawan siya ng kasong habangbuhay na pagkakulong sa puso ko. Ayieeeee! Landeee! Hahaha day dreaming.

Kasama ko ngayon ang mga kaklase ko at inaayos na namin ang booth. May mga paepek pang nalalaman. Dapat daw ay nakakaakit tingnan sabi ni Sheryl at Ellen.

"Bakit hindi nalang kaya picture ko ilagay niyo diyan" singit ni Gladys. Ang Jonalyn Viray ng section namin. Hahaha

"Ha? Bakit?" Takang tanong ni Ghanding buwaya.
"Para mas maakit ang mga magpapahula!" Nakangiti nitong sabi.

"Pagnagkataon ang iisipin nila horror booth to! Tumigil ka na nga diyan Gladys. Hindi ka maganda!" Inis na sabi ni Norman na halatang pagod na pagod na. Siya lang kasi ang kumikilos samin eh. Hahaha.

"Den may naghahanap sayo" ani ni Ate Jaja.
"Pinapabigay ni Paul" diretsong sabi ng isang hindi ko kilalang estudyante.
"Ah okay pakisabi salamat" sabi ko nalang sa kanya.

Ano nanaman kaya ang naisipan ng lalaking iyon at may pabigay-bigay pang nalalaman!

Pag-angat ko ng mukha ko ay nakita ko ang mga tingin ng mga kaklase ko. Yung tingin na para bang nagtatanong o nagtataka.

"Kung nakamamatay ang mga tingin niyo - malamang nilalangaw na ako!" Sabi ko nalang sa kanila dahilan para ituon muli namin ang ginagawa namin.

"Paano yan? Wala tayong speaker para sa background ng booth natin. Halos lahat dito sa section natin wala eh" namomoblemang sabi ni Norman.

"Ipapadala ko ngayon dito yung speaker kaya wag na kayong mag-alala. Pwede ko ba munang hiramin si Den" sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Francisco.

"Ayieeee! Ang gwapo talaga niyaaaa!" Kinikilig na puri ni Gladys.

"Oh anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong sa kanya dahilan para mapatingin samin ang mga kaklase ko.

"Den wag ka ganyan makipag-usap kay Paul. Hala ka! Hindi mo ba siya kilala?" Sabi naman ni Warren. Ang bulldog ng section namin.

"Paktay ka Den! Masama na tingin sayo" bulong ni Norman sakin.

"Kanina pa ako nag-aantay sa cafeteria! Hindi ba sinabi sayo nung inutusan ko na pumunta ka dun?" Pabalang na sabi ni Francisco.

Napansin ko na natatakot ang mga kaklase ko dahil sa tono ng pananalita ni Francisco.

"Bakit ba kasi ang hilig hilig mo mag-utos? Wala ka bang paa? Lumpo ka ba?" Pabalang ko ring sabi sa kanya.

Nagpabalik-balik ang tingin samin ng mga kasama ko. Wala nagtatangka na magsalita sa kanila at pakiramdam ko ay gusto na nilang ipagtulakan palabas si Francisco.

"Kung marami ka pang sasabihin dun mo na ituloy sa ibaba" sabay lapit niya sakin at mabilis na ipinatong ang kaliwang kamay sa balikat ko. Akbay-akbay niya ako.

"Hey mga fortune teller antayin niyo nalang yung speaker. On the way na" pahabol niyang sabi sa mga kaibigan kong naiwanang nakanganga sa nasaksihan samin ni Francisco.

"Dami mong sinabi sasama ka rin pala" bulong niya.
"May sinasabi ka?" Untag ko sa kanya.
"Bakit may narinig ka?"
"Wala"
"Wala naman pala eh"

Halos mapatigil ang lahat ng mga nadadaanan namin at napapansin kong natutuon ang atensyon saming dalawa ni Francisco. Ano bang problema ng mga to? Ngayon lang sila nakakita ng magkasabay lumakad at nag-uusap?

"Huwag mo na sila intindihin. Inggit lang sila" ani ng katabi ko at umupo na kami.

Nagdatingan narin ang mga kaibigan ng impakto.

"Pre napagdisisyunan mo na ba kung saan tayo magbabakasyon ngayong sembreak?" Tanong ni Allen.

"Pinagpipilian ko pa kung sa Palawan, Bicol o sa Hongkong" walang pakundangan na sagot ni Francisco.

Parang wala lang sa kanya ang pagpipilian ah! Parang dalawang piso lang ang pamasahe papunta sa mga lugar na binanggit niya.

Ako kasi wala ng problema. Niyakag ako ni Kenneth at ibang kaibigan ko na magbakasyon sa probinsya nila. Ayos na sakin yung may ilog, preskong simoy ng hangin, tapos mountain hiking! Ang saya nun!

"Ikaw Den saan kayo ngayong bakasyon?" Tanong sakin ni Allen.

"Ah.. Pag-uusapan pa naming magkakaibigan." Maikling sagot ko sa kanya. Ayoko kaya malaman nila kung saan kami. Baka maliitin lang kami ng mga ito kung sakaling malaman nila.

"Oh wala ka yatang imik diyan Jerome?" Puna ni Kerby kay Jerome. Nakatingin kasi sa taas ng building si Jerome at halatang may malalim na iniisip.

"Hayaan niyo na yang si Jerome. Bumalik na kasi yung long lost gf niya galing ibang bansa kaya sigurado ako masaya yan at nag-iisip ng sasabihin niya" mahabang sabi ni Francisco.

May girlfriend na pala si Jerome. Akala ko pa naman available siya. Ano ba tong mga pumapasok sa isip ko. Bakit ba napunta kay Jerome ang takbo ng utak ko.

"One week ang foundation day natin. Ang balita ko ay may singing and dancing competition. Grupo ang dapat na kalahok" singit naman ni Kerby sa usapan.

Mukhang maganda yung narinig ko ah! Kahit naman wala akong talent sa pagkanta ay natatago naman akong galing sa pagsayaw. Kahit pole dancing pa yan yakang yaka! Haha!

"Ano daw premyo?" Interesado kong tanong.
"10K daw at vacation for 10person" sagot naman ni Kerby.

Ayos! Sasali ako. Kailangan masabihan ko agad ang mga kaibigan ko para makapagpraktis na agad kami. Hindi na namin poproblemahin ang pera at lugar na babakasyunan namin kung sakaling kami ang mananalo.

Kailangan ko ng bumuo ng grupo! Hahaha!
-------

May gagawin po ulit akong bagong story Anghel Sa Lupa sana maraming magkainteres para ipagpatuloy ko. Maraming salamat po!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon