Iuwe mo para masiyahan ka!

11.2K 421 23
                                    

Di maalis ng alak at ng pag-iyak, bigyan mo ng daan ang bago mong tinatahak. -Siakol

Chriden PoV

Para akong napako sa kinalalagyan ko. Mas nasaktan pa ako sa narinig kong iyon.

Ganoon na pala kasama ang isip ng babaeng ito. Hinuhusgahan niya si Paul dahil lang sa pagsama at pagtatanggol sakin. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng hiya kay Paul dahil don.

Tiningnan ko si Paul.
Pansin na pansin ko ang pamumula ng kanyang mukha at sigurado ako dahil iyon sa galit. Galit sa iniisip ng babaeng kaharap namin.

Biglang umalis si Paul.
Naiwan kami ng kapatid ko na pinapalibutan ng maraming tao.

Pinagtitinginan kami.
Pinagbubulingan kami.
Pinag-uusapan kami.

Putangna! Bakit bigla akong iniwan ni Paul?

Bakit sa pagkakataon pang ito?

Bakit parang mas masakit yung pakiramdam na iniwan ako ni Paul kesa sa mga sinabi nitong babaeng ito sakin.

Nagsimula na magdaloy ang luha ko. Hindi ko mapigilan. Napakasakit. Ang sakit sakit. Akala ko pa naman ay ipagtatanggol ako ni Paul yun pala iiwanan din niya.

Tangina!

Gusto kong sumigaw!

Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko. Napako na ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Ano? Nasaan na ang lalaking nagtatanggol sayo kanina? Iniwan ka! Nakakaawa ka naman!" Muling sabi ng babae sakin.

Lalong nagdaloy ang mga luha ko nung narinig ko iyon mula sa kanya.

"Oh pano itong pagkain ko? Tutunganga ka nalang ba diyan ha!?" Sigaw ng babae sakin.

Ano ang gagawin ko?

"Eto ba ang kailangan mo?" Biglang sabi ni Paul habang naglalakad pabalik sa kinalalagyan namin. Kasunod niya ay ang stall na binilihan ng pagkain ng babae.

"Binili ko ng lahat ng laman niyan pati yang stall para sayo. Siguro naman sobra sobra pa sanyong dalawa ng cheap mong boyfriend yan!" Seryosong sabi niya.

"Iuwe mo para masiyahan ka!" Dugtong pa niya. Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumabi siya sakin at inakbayan ako.

Natigilan ang babae sa nakita niya. Wala ako ni anumang narinig mula sa kanya.

"Nga pla Miss, base sa suot niyo ng boyfriend mo ay nagtatrabaho kayo sa Gabriel Corp." muling sabi ni Paul.

"At isa akong HR Manager dun!" Nakataas kilay niyang sagot. Talagang pinaparinig niya sa mga taong nakapaligid samin ang kanyang sinasabi.

"Ayoko ng mababalitaan na tutungtong ka pa sa company namin. Ako ang may-ari ng Gabriel Corp. I am Paul Francisco Gabriel son of Benjamin Frank Gabriel" mayabang na pagpapakilala ni Paul.

Matapos nun ay iginaya na ako ni Paul palayo sa pwesto na iyon kasama ai Chrien habang akbay akbay parin ako.

Narinig kong may sinasabi yung babae pero hindi na nagsasalita si Paul.

Nakakapanibago.

Patuloy parin sa pagtulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Paul.

Nandito ngayon kami sa isang fastfood. Tahimik parin ako. Wala akong masabi. Kumbaga hindi pa maprocess ng utak ko yung nangyari.

Ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Tinatanong ko nga ang sarili ko kung bakit nasaktan ako kanina nung bigla akong iniwan ni Paul eh.

Habang iniisip ko yun ay patuloy na nagpaflashback sa utak ko ang lahat ng scenariong magkasama kami ni Paul.

Ang tanging bumabagabag lang sa isipan ko ay yung inisip ng babae tungkol kay Paul. Hindi naman ako tanga para hindi ko magets ang ibig niyang iparating na pineperahan lang ako ni Paul. Ano nga bang mapepera sakin ni Paul?

Kahit na yun eh. Yun nalang tingin nila kay Paul. Nakakahiya tuloy sa kanya. Dahil sa pagsama niya sakin ay pinagiisipan siya ng hindi maganda.

"Kuya kanina ka pa tinatanong ni Kuya Paul kung ano gusto mo!?" Sabi ng kapatid ko na medyo malakas na ang boses.

"Ha!? Ah..eh.. Kahit ano" sagot ko.

Biglang umalis si Paul at nagpunta sa counter.

Takte! Ano ba itong nangyayari sakin!

Ayokong mapasama si Paul sa ibang tao. Ayokong pag-isipan siya ng masama. Dahil sakin kaya napagiisipan siya ng hindi maganda. Dapat siguro ay tuluyan na akong hindi makipaglapit sa kanya.

"Wala ka bang balak kumain?" -Paul.

"Ha? Ay sorry. Hindi pa kasi ako nakakaget over sa nangyari kanina" tapat kong sabi sa kanya.

Matapos yun ay nagsimula na akong kumain. Kahit wala akong ganang kumain ay pinilit ko.

Gusto kong ipakita sa kanya na okay ako.

Ayokong sirain itong araw na ito kahot sirang sira na para sakin.

"Den..." Mahinang sabi niya sakin habang nakain kami.

"Huwag mo ng isipin yung mga sinabi kanina ng babae yung..." Seryosong sabi niya.

Wala akong maisagot sa sinabi niya.

"Tandaan mo Den kahit na anong sabihin ng ibang tao tungkol saking ay hindi nun mababago ang nararamdaman ko para sayo" -Paul.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon