Chance.

10.5K 358 5
                                    

"Time after time"

Maraming salamat po kay Mhel. Sobra akong natouch sa message nya sakin sa fb. Pag-igihan mong mabuti ang pag-aaral mo. Sigurado ako mas mahihigitan mo pa ako o ang mga naituturo ko sa mga estudyante ko. :) goodluck!

Chriden PoV

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nagdaloy na ito. Tangina. Tangina talaga!

Ayan na sila.
Ayan na sila.

Eto na siya ngayon sa harapan ko. Wala ng ni kahit anong lumalabas sa bibig ko. Para akong napipi. Kahit napakarami kong gustong sabihin sa kanya ay nawala ang kakayahan kong magsalita.

"Hi Den! Gusto ko lang sana humingi ng pase-"

"Nandito ka lang pala. Kanina pa ako hanap ng hanap sayo!" Sabay akbay sakin ni Lloyd at naging dahilan ng pagputol ng sinasabi ng taong nasa harapan ko.

"Oooops! Wag ka na muna magtanong! Kwento ko sayo maya. Tara na muna, I have something for you" sabay tayo sakin ni Lloyd.

"Oh Paul! Aalis muna kami ni Den ha? Mukhang nag-eenjoy ka naman sa kasama mo" narinig ko pang sabi ni Lloyd.

"Teka. Mag-u-"
"Lets go!" Sabay hila ni Lloyd sa kamay ko.

Tama bang sumama ako sa pag-alis kay Lloyd? Tama bang hindi ko muna hayaang magsalita si Francisco?

Dinala ako ni Lloyd sa parking area at naupo kami sa sasakyan niya.

Kapwa kami balot ng katahimikan. Walang nagsasalita samin. Lulan parin kasi ang isip ko sa nakita ko kanina.

"Musta ka na?" Tanging naitanong ko kay Lloyd na nakatingin sa malayo.

"Eto. Medyo okay na." Nakangiting sagot niya.

"Ikaw? Musta ka na?" Ganting tanong niya sakin.

Walang akong maisagot, dahil ang totoo ay durog na durog ang puso ko. Dahil ang totoo ay ang sakit sakit na ng nararamdaman ko. Dahil ang totoo ay sobrang nasasaktan na ako.

"Alam mo Den, ang dami kong pinagsisisihan..." Sabi niya habang patuloy parin siyang nakatingin sa malayo. Hindi siya natingin sakin.

Tahimik lang ako. Wala akong masabi.

"Totoo pala yung sinasabi ng iba na malalaman mo lang daw na sobrang mahal mo ang isang tao kung kailan wala na siya..." Dugtong niya sa kanyang sinabi.

"Dapat daw hanggat may chance ka pa para mabawi mo ang taong mahal mo ay dapat gumawa ka ng paraan. Kahit 2% lang ang chance na yun. Hanggat may chance ka - may laban ka. Hindi pala dapat agad sumuko, hindi pala dapat basta basta nalang sa pagdidisisyon..." Mahabang sabi pa niya.

Patuloy lang akong nakikinig sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi iyon sakin pero may parte sa sarili ko na may ibig siyang iparating sakin.

"Kung nagawa ko lang sana kumapit dati.. Kung nagawa ko lang sana ipaglaban yung nararamdaman ko... Kung hindi sana ako nagpaubaya... Wala eh. Tanga ako. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya nakalimutan ko na yung dapat kong gawin, yun ay yung dapat ako ang mahalin niya dahil ako ang tama para sa kanya. Dahil ako yung taong hindi siya iiwanan at yung taong hindi siya kailanman man sasaktan." Bahagya siyang tumigil at tumingin sa itaas.

"Sabi ko sa sarili ko nung isang araw, nung bago ako bumalik dito. Kapag may pagkakataon pa ako, kapag naramdaman kong kahit kaunti, kahit kaunti lang na chance para mabawi ko siya, gagawa ako ng paraan. Itatakas ko na siya. Hindi ko na iisipin kung ano man ang posibleng mangyari. Babawiin ko siya. Kukunin ko ulit siya..." Mahabang dugtong niya.

Takte! Bakit bigla nalang nagdadaloy ang mga luha ko!?

Ano itong nararamdaman ko?
Bakit parang may kung ano sa katawan ko at kusa akong nakakaramdam ng kakaiba sa sarili ko.

"Pero, mukhang talo muli ako. Mukhang natatalo parin ako ng pagmamahal ko. Tangina naman kasi. Ang hina ko. Ang lambot ng puso ko pagdating sayo..."

Awtomatikong gumalaw ang katawan ko at niyapos ko siya. Patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Napapahikbi na ako.

"Maraming salamat sa lahat Lloyd. Maraming salamat sa pagmamahal mo. Sorry...sorry kasi.. Kasi hindi ikaw. Sorry...sorry kasi.. Kasi si Francisco talaga.." Sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. Habang patuloy ang paghikbi dahil sa pag-iyak ko.

"Den..." Mahinang bulong niya.

"Pero...wala na.. wala ng pag-asa. May iba na.." Mahinang sabi ko sa kanya.

Iniharapa ko ni Lloyd sa kanya habang hawak hawak niya ang mukha ko.

"Gusto mo bang maramdaman yung sobrang sakit na nararamdaman ko?" Seryosong tanong niya sakin.

Hindi ako makasagot. Umiling lang ako sa kanya habang pinupunasan niya ang mukha kong basang basa ng luha.

"Kung ayaw mong mangyari sayo ang nangyayari sakin, gumawa ka ng paraan. May chance pa Den! Bawiin mo ang sayo! Hanggat naniniwala kang mahal ka ng isang tao may chance ka!" Seryosong sabi pa niya sakin.

Tama nga siya.
Dapat huwag agad ako sumuko. Dapat gumawa ako ng paraan para hindi ko pagsisihan kung ano man ang kakahinatnan. Tama ka Lloyd! Tama ka!

"Maraming salamat Lloyd. Ngayon alam ko na ang gagawin ko" sabi ko pa sa kanya.

"Ikaw pa! Labs na labs ki-"

"Den! Naiwanan mo to sa cafeteria kanina"

Mabilis namin nilingon ni Lloyd yung boses na iyon.

Napatitig ako sa taong paparating.

Si Francisco.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now