Ikaw ang ida-disect ko!

26.2K 896 41
                                    

Masarap ba ang sinigang na tuyo? Hahaha! Yung tropa ko magluluto daw ng sinigang na tuyo tapos ipapatikim saken. Astig!

Chriden PoV

"So those are the parts and functions of the brain" pagtatapos sa discussion ni Maam Barron (Head of Psychology).

Ganun pala yun. Sa utak pala nanggagaling ang feelings and emotions natin. Hypothalamus, thalamus, pons etc. active na active talaga ako kanina - pinaphotocopy ko pa nga yung xerox copy ni Maam Barron eh. Gusto ko kasi pag-aralan pa yun at magsesearch talaga ako sa internet.

Wala ngayon ang bessie ko. May program kasi ang IT ngayon kaya kasama siya sa doon. Kaya eto - loner uli ang peg ko. Yung mga classmates ko kasi ay karamihan S.A at yung iba naman nandun na sa comshop. Lumalandi!

Nagtataka nga ako kasi kahit kelan walang napwesto dito sa paborito naming table ng bessie ko. Kahit nakatayo na yung iba wala parin nagtatangkang pumuwesto dito. Ang weird diba? May mumu ata dito. Hahaha!

Inilapag ko na ang binili kong pagkain sa canteen at inilabas ko ang laptop ko. Tutal may 2 hours pa naman akong vacant kaya manunuod muna ako ng paborito ko. Onepiece Movie "strongworld" ganda kaya! Try nyo search sa google.

"Hi Den! Pwede makishare? Wala na kasing available na table eh" sabi sakin ni Jasper. Isa sa mga naging classmate ko nung first year sa subject na REED (Theology) tumango nalang ako sa kanya at pinagpatuloy ko ang pag-aayos sa laptop ko.

"Jasper may naghahanap sayo, nasa old building. Kanina pa nga eh" sabi nung lalake mula sa likuran ko. Hindi ko naman siya nakita at wala akong balak lumingon dahil maganda na yung scene na nangyayari sa pinapanuod ko.

Umalis si Jasper. Siguro hinahanap na siya ng mga kaibigan niya. Irregular din kasi si Jasper kaya walang matinong schedule.

Mabilis lumipas ang oras at natapos ko rin ang pinapanuod ko sa laptop ko. Takte! Biology na! Disecting na! Nasabi ko nalang sa sarili ko. Ayaw na ayaw ko pa naman ng mga ganoong gawain. Kaya hindi ako pwedeng maging nurse eh. Makakita pa lang akong dugo - nanginginig na ang katawan ko.

Katulad ng sinabi ni Maam Aboyme ay kasama nga namin ang mga Criminal. Dejokelang. Criminology.

"Okay para mas madali ay humanap kayo ng makakapareha niyo. Dalawa lang sa isang grupo" -Mrs. Aboyme

Yan! Tama yan Maam! Para yung kapartner ko ang gagawa at hindi ako.

Kailangan ang makapartner ko ay yung maayos para mataas ang activity ko dito sa biology. (Ang utak ko noh!)

"Den may partner ka na?" Nakangiting tanong saken ni Lorence. Tapos nakita ko siyang nakatingin sa likuran ko.
"Wala. Tara partner tayo" malandi kong sagot sa kanya.

"May partner na pala ako" sabi niya tapos mabilis tumalikod. Tingnan mo tong abnormal na to! Magtatanong tanong tapos biglang sasabihin may partner na siya! Eh may sayad ngang talaga yun! Todo ngiti pa naman ako!

"Mr. Juco sinong kapartner mo?" Puna si Maam Aboyme. Ganoon ba talaga boses nun? Parang galing sa lababo!

"Ah eh.. Maam wala pa po" sagot ko. Nakakahiya kasi at ako nalang yata ang walang partner. Mga walang kwenta kaibigan ko eh. Alam kase nila na takot ako sa dugo kaya hindi nila ako pinartneran. Mga hudyo!

"Pareho pala kayong walang partner ni Mr. Gabriel kaya kayong dalawa nalang magpartner" diretsong sangguni ni Maam Lababo. Aboyme pala. Soriii na agad!

Wala naman akong kaklase ng Gabriel ang surname. Barado na yata ang tuktok ng teacher na ito eh. Nag-iimbento nalang basta-basta ng apelido.

"Ano pang tinutunganga mo diyan?" Napaigtad ako sa pagkakatingin ko sa palakang nakalagay sa bote nung narinig ko iyon. Tiningnan ko ang mukha niya para makasigurado ako na tama ang hinala ko kung kanino nanggaling ang boses na narinig ko.

"Napakaraming pwedeng makapartner - sa bastos pa!" Mahina kong sabi.
"Kesa bumulong-bulong ka diyan magsimula ka na. Ayokong bumagsak sa subject na ito" matapang niyang sabi.

Sino ba naman ang gustong bumagsak sa subject na ito? Abnormal to! May estudyante bang pinangarap na bumagsak siya! Ulul!

"Anu kase... Ah..." Hindi ko masabi sa kanya ang dahilan dahil sigurado ako iiral nanaman ang kayabangan niya.
Napansin kong kumunot ang noo niya nung hindi parin ako nakilos. Halatang galit na siya.

"May hemophobia kase si Chriden kaya hindi niya magawang galawin yang palaka" singit ni Reggie.
"Arte! O sya ikaw na mag-disect niyong samin habang wala si Aboyme" matapang at bastos na pag-uutos niya kay Reggie na classmate ko.

"Kung hindi mo gagawin yan ikaw ang ida-disect ko" dagdag pa niya sa sinabi niya kay Reggie. Kaya walang nagawa si Reggie kundi unahin gawin yung samin. Hindi ako natingin dahil ayoko bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na makakita ng dugo. Ayoko. Nakakatakot.

Natapos ang oras namin sa biology na sakto lamang sa activity namin. Hindi nakakatakot ngayon ang pagsakay sa elevator dahil marami kami.

"Bukas nalang uli! Ingat kayo!" Paalam ko kina Norman. Magkaiba kasi kami ng sinasakyan. Sa Bacoor kasi siya nakatira at yung iba kong kaklase eh sa PN lang. Ako? Haaaay. Eto mag-aantay nanaman ng baby bus pauwing Tanza.

"Alam mo na" sabi ni Paul habang nakababa ang salamin ng sasakyan niya.

Hindi ko siya iniintindi. Kunwari wala akong narinig at wala akong nakikita.

"Subukan mong wag akong intindihin - babanggain ko yang kaibigan mong papalapit sayo" seryosong sabi ni Paul.

Tiningnan ko kung sino ang papalapit. Si Kenneth at halatang sasabay sakin pauwe.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Paul at agad na upo. Babatiin ko sana si Kenneth pero biglang kusang sumara ang salamin na bintana at agad na pinaandar ni Paul ang sasakyan.

Napakabastos talaga!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon