Naalala mo na ba?

16.6K 599 16
                                    

I can't allow myself to be ordinary.

Chriden PoV

Mabilis kong nilingon ang likuran ko. Gusto kong makasigurado kung ako nga ba ang tinutukoy ng taong ito.

"Ayy.. Magkakilala pala kayo. Sige. Join ka narin." Sabi ni Ellen.

"Alam mo Papabol, pamilyar ka sakin! Sama ka sa E-place ha. Irarampa kita. Ang pogi mo! Hahaha! Kain lahat! Walang tapon!" Mapanuring sabi ni Sheryl.

Langyang babaeng ito! Nuknukan talaga ng libog!

"Teka teka! Hin-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil hinila na niya ang kamay ko palabas ng classroom.

"Teka! Sino ka ba? Saan mo ako dadalahin? Kilala ba kita? San tayo nagkakilala? Papatayin mo ba ako? Waaaaaaah! Ayokooooooo! Bitawan mo ako!" Walang tigil na ratsada ng bunganga ko.

Hindi siya nagsasalita pero nakikita ko ang mukha niya na natawa siya. Langyang to ah! Pinagtatawanan ako!

"Ano ba!? Bitawan mo nga ako nasasaktan na ako!" Sigaw ko sa kanya na naging dahilan ng pagtigil namin sa gitna ng basketball court ng school namin.

Nasa pinakagitna kami ng court. Napapaligiran kami ng maraming estudyanteng nakaupo sa bleacher. Marami pa naman may vacant time ngayon. May mga tao rin sa chapel at nasa kaliwa namin ang cafeteria na puno ng napakaraming tao.

"Sorry...nasasaktan na pala kita" sinserong sabi niya sakin. Naramdaman ko ang sinseridad sa tono ng kanyang pananalita. Binitawan na niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Gustuhin ko man tumakbo at umalis ay hindi ko magawa. Napako yata ang dalawang paa ko sa pagkakarinig ko sa sinabi niya.

"Magkakilala ba tayo?" Sabi ko sa kanya. Gusto ko kasi talagang malaman kung sino siya at kung bakit kilala niya ako.

Nakatingin lang siya sakin.

Nakatitig lang siya sakin.

May sakit ba tong lalaking to?

"Hindi mo ba ako natatandaan?" Mahinang tanong niya sakin.

Napaisip ako. Pilit kong inaalala ang mukha niya. Saan ko nga ba nakilala ang taong ito? Gwapo at ang katawan shet!!!! Perfect!

"Sorry kuya hindi talaga kita matandaan" -ako.

Dahan-dahan siyang lumapit sakin.

Malapit na malapit na siya.

Bigla nalang niya akong niyapos. Gustuhin ko man na tanggalin ang mga kamay niya mula sa pagkakayakap sakin ay hindi ko magawa. Na-estatwa yata ako. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Naalala mo na ba?" Bulong niya.

Ha? Anong ibig niyang sabihin? Ano ba tong ginagawa niya?

Pinagtitinginan na kami ng maraming estudyante. Yung iba naman panay ang kuha ng litrato samin.

Naglakas loob akong kumalas mula sa pagkakayapos niya sakin. Matapos yun ay mabilis na akong umalis sa kinalalagyan namin. Ramdam na ramadam ko nanaman kasi ang mga matang nakamasid sakin. Naiilang ako. Nahihiya ako.

"Den!" Narinig kong sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon.

Talaga bang lumalaganap na ang mga wirdong tao ngayon? Mga taong bigla nalang mangyayapos? Mga lalaking bigla bigla nalang manghihila ng kamay at kung saan saan ka dadalahin? Harassment!

Habang naglalakad ako ay pilit kong inaalala ang mukha ng lalaking yun.

Pigain ko man ang utak ko sa kaiisip ay balewala parin. Sumasakit na nga ang ulo ko eh.

"Araaaaay!" Sigaw ko nung naramdaman kong bumangga ako.

Tinunghay ko ang mukha ko.

"Francisco?" Mahinang sabi ko.

"Oh bakit parang tense na tense ka?" Narinig kong tanong niya sakin.

Dapat ko bang sabihin sa kanya yung nangyari? Ayy wag nalang. Saka bakit ko pa ipapaalam sa kanya?

"Ah wala. Iniisip ko lang kasi yung bagong prof namin. Mukhang terror. Sige. Una na ako. May gagawin pa ako" medyo natataranta kong sabi sa kanya.

"Saan ka pupunta? Wala ka ng klase diba?" -Francisco.

Huh? Paano naman nalaman ng impaktong ito na wala na akong klase? DEAN ba siya? Sorna to ah!

"May usapan kasi kami ng mga classmates ko. Ingat. Babay!" Matapos kong sabihin yun ay tumakbo na ako. Ewan ko ba kung bakit ako natatarantang kausap yung lalaking yun!

Diretso na nga lang ako sa E-Place. Lalo lang tuloy ako nagutom. Ayoko na muna isipin ang nangyari. Saka baka nagkakamali lang yung lalaking yun. Hindi ko naman talaga siya kilala at wala naman dahilan para makilala ko pa siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oh nasaan na si Papabol? Akala ko ba susunod kayong dalawa? Bakit ikaw lang?" Mataray na tanong sakin ni Sheryl.

Naku! Kung hindi ko lang kaibigan tong hayop na to baka kanina ko pa isinalang sa ihawan ang nguso nito. Saksakan ng lande! Pagkapanget-panget naman!

Habang nakain ako ay nagpapaikot na ng tagay si Kuya Norman. Mga adik talaga sa alak tong mga to. Naturingang Psyche Major pa naman!

"Oh Den! Shot!" Sabay abot sakin ng basong puno ng Redhorse.

Wow ha! Hindi naman ako masyadong uhaw!

"Akina bote! Sa bote nalang ako iinom. Nakakahiya sanyo kung papadaanin pa sa baso!" Bulyaw ko sa kanila. Kasora ah!

Tawanan lang ang narinig ko mula sa kanila.

Nagsimula na ang kwentuhan namin. Hanggang dito ba naman sa E-Place puro personalitu disorder parin ang pinag-uusapan namin. Anti-social. Borderline. Dependent. Independent. Waaaaah! Utang uta na ako!

I'm lying alone with my head in the phone
Thinking of you till it hurts.
I know you hurt too but what else can we do
Tormented and torn apart

Bigla akong natahimik nung narinig ko yung nakanta.

Feel na feel ko ang kanta. Ang sarap pakinggan ng boses niya.

I'm all out of love
I'm so lost without
I know you were right
Believing for so long

Hinanap ko ang taong nakanta. Ang taong napapahanga ako sa mga oras na ito.

Nakita ko ang mukha ni Sheryl na halos tumulo na ang laway at titig na titig lamang sa iisang direksyon.

Inikot ko ang upuan ko.

Humarap ako sa pinanggagalingan ng boses.

Wala ng lumabas pang salita sa bibig ko nung makita ko yung lalaking nakanta.

Nakatingin siya sakin.

Nakatitig siya sakin.

Kitang-kita ko ang malamlam niyang na sakin lamang nakatuon.

May ilang bote na ng alak sa table niya halatang mas nauna pa siya sakin sa pagdating dito.

Sino ka bang talaga?
Bakit parang nararamdaman kong kailangan pa kitang makilala...

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon