Catalina?

18.6K 641 15
                                    

"What you see now is not everything"

Paul Francisco Gabriel PoV

Ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa taong yun. Ngayon ko lang kasi naranasan ang hindi makatulog tuwing gabi dahil lang sa kakaisip sa buset na yun! Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil sa kanya. Lintek na pakiramdam to oh! Pahirap!

Ano nga bang meron ka Den!

Gusto ko siyang isama sa lahat ng lakad ko. Ayokong kung saan saan siya pumupunta bukod sa kasama ako.

Ilang gabi ko siyang inaantay sa waiting shed na malapit sa school namin. Doon kasi siya madalas sumakay pauwe pero ilang gabi rin akong bigo hanggang sa mapagpasyahan kong pumunta nalang ako sa bahay nila. Mautak yata ako! Ewan ko lang kung hindi pa kami magtagpo.

Nalaman kong sasali pala sila sa competition para matuloy ang bakasyon nilang magkakaibigan. Ano ba yan! Kailangan pa ba talagang sumali sa ganoon para lang matuloy ang balak nila? Samantalang kami ang pinoproblema namin ay kung saan kami pupunta!

Nagkaroon kami ng deal ni Den. Kapag natalo sila sa conpetition - saken siya sasama.

Anong akala niya? Basta basta lang ako papayag na hindi siya makasama saken? Hindi magiging masaya ang bakasyon ko kung hindi lang din siya ang kasama ko.

"Pre ano? Saan tayo? Nextweek na yun ah!" Untag sakin ni Allen. Nandito kami ngayon sa miquels inuman. Walang magawa sa bahay eh.

Flashback

"Wala ka ng magagawa Allen. Nakapag-paregister na agad yang si Paul" sabi ni Kerby habang inaayos ang mga instrumentong gagamitin namin.

"Ano ba pumasok sa isip mo Paul? Ora mismo? Saka hindi naman natin kailangan sumali eh" -Allen.

"Gusto ko lang. Kung ayaw mo huwag ka sumali. Ganoon lang naman yun eh" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Pagbigyan na natin yang si Paul. Alam naman natin kung para kanino kaya gustong sumali niyan sa competition eh" sabi naman bi Brille.

"Join ako! Gusto ko rin makita si Den sumayaw eh" nakangiting singit ni Jerome.

Tiningnan ko siya ng di maganda. Hindi naman kasi ako tanga para hindi maramdaman na may pagtingin siya kay Den. Hindi ako papayag! Kahit kaibigan ko siya - di ko pwedeng basta nalang hayaan ang kalokohang naiisip niya!

Sinabi ko sa kanila kung ano ang gusto kong mangyari. Wala rin naman silang nagawa kundi ang sundin ako. Aba! Subukan lang nilang kontrahin ako - alaman na!

"Teka - ano nga ba mapapala natin sa pagsali sa competition na yan?" Dagdag ni Allen.

"Kapag nanalo tayo - syempre matatalo natin sila Den" nakangiting kong sagot sa kanya.

End of flasback

"Eh di sa Mindoro!" Masayang sagot ko. Iyon kasi ang premyong nakuha namin sa pagkakapanalo sa contest at sigurado akong makakasama namin sila Den sa pagbabakasyon dun.

"Ha? Wala namang kwenta dun ah!" Reklamo ni Allen.

"Kung ayaw mo huwag ka nalang sumama. Masaya kaya dun" nakangiti ko paring sabi sa kanya.

Isipin ko palang na kasama si Den di na agad ako makapag-antay pa. Hahaha! Iba na tama sakin ni taong iyon. Naghihibang na ako. Adik na ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Last day na ng sem pagkatapos bakasyon na! Ayos na!

Nandito ngayon kami sa cafeteria. Ako nga lang ang nagyakag dito sa mga tropa ko. Ayaw kasi nila dito at mas gusto pa sa labas. Syempre nandito ang buhay ko kaya dito ko gusto tumigil.

Nakita ko na ang hinahanap ng mata ko. Kasama niya ang mga kaibigan niya peri may isang bagay na kinainis ko. Yung lalaking kasama nila. Si Kenneth.

Buset na lalaking to ah! Kapag naging kami na ni Den ay hinding hindi ko hahayaang makalapit ka sa kanya. Gustuhin ko mang bugbugin ka pero hindi ko pwedeng gawin. Ayokong gumawa ng bagay na pwedeng ikagalit sakin ni Den.

---

"Uy Den! Musta?" Narinig kong bati ni Jerome nung mapadaan kami sa table nila.

"Okay lang. Kaw musta na? Mukhang may gala nanaman kayo ah!" Sagot naman niya.

"Okay lang din. Wala. Excited lang ako sa bakasyon" nakangiting sabi ulit ni Jerome.
"Saan ba kayo magbabakasyon?" Tanong naman ni Den.

Hindi ba niya alam? Hahaha! Hindi niya alam na magkakasama kami sa napanalunan naming venue?

"Sa Min-"

Mabilis kong pinigilan ang sasabihin ni Jerome at hinila ko na siya paalis.

"Teka! Uy Rome!" Narinig kong tawag ni Den.

Rome? Teka si Jerome ba tinutukoy niya? Ang alam ko yung girlfriend lang ni Jerome ang nakakatawag sa kanya ng ganin ah!

Nakita ko ring ang pagtataka sa mukha ji Jerome nung lumingon siya pabalik.

"Thanks nga pala dito. Matagal ko ng gustong isauli ito kaso lagi ko nakakalimutan" sabay aboy ni Den ng isang puting panyo.

"Yung pants mo nga pala sa susunod ko nalang sauli. Nakalimutan ko dalin eh" nakangiting dugtong ni Den.

Di ko yata nagugustuhan ang naririnig ko ah!  Kailangan ko na talagang kausapin tong si Jerome ah! Di ko na nagugustuhan ang mga nangyayari eh.

"Miss hindi ka pwede basta basta nalang pumasok dito"

"Hindi mo ba ako kilala? If you don't want to get kick out of here then should let me in"

Sabay sabay kaming napatingin sa pinanggagalingan ng pagtatalo na iyon.

Matangkad, mahabang buhok, maputi at makinis na balat.

"There you are! Pinuntahan pa kita sa hang-out place niyo ng mga kaibigan mo dito lang pala kita makikita Francisco!"

"Catalina?"
"Catalina!
"Cata...lina?"
Gulat na sabi ng mga kaibigan ko.

"How are you guys!? Miss me?" Nakangiti pa niyang bati sa mga gulat na mga kaibigan ko.

"Owwe Jerome! Di ka parin nagbabago. Plain emotions and suplado." Dugtong pa ni Catalina.

"Why are you here?" Diretsong tanong ko sa kanya.

"Because of you Francisco! So - lets go! I don't want to waste my time here." Matapos nun ay hinila niya ang kamay ko papunta sa sasakyan ko.

"By the way Mr. Guard - you're fired" pahabol niya bago kami tuluyang umalis.

Ano naman kaya ang naisip ng babaeng ito at bigla-bigla nalang sumusulpot! Bwiset! Wrong timing!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon