Nasaan si Paul?

12.7K 395 8
                                    

"Ngunit anong magagawa? Kung talagang ayaw mo na! Sino ba naman ako para pigilin ka!" -Halik Aegis :)

Jerome Kier PoV

"Umupo ka na dito. Kakain na tayo" sabi ko kay Den nung nakita ko siyang pababa ng hagdan.

"Manang pakikatok na nga po yung dalawa pa namin kasama sa taas. Pakisabi ho kakain na" sabi ni Kerby kay Manang.

Aktong aakyat na si Manang nung nakita naming pababa na si Rachel.

"Oh nandiyan na pala eh. Halika na at kumain. Masarap tong luto ni manang" singit naman ni Brille.

"Nasaan si Paul? Tawagin mo na" sabi naman ni Allen.

Wala kaming narinig na sagot mula kay Rachel. May inabot siyang maliit na papel at pinabasa samin.

Ei guys! Una na ako sa Cavite. May biglaang family outing kami. Kerby isabay mo si Rachel pauwe.

Haaay naku! Umiral nanaman ang pakaisip bata ni Paul. Sigurado akong naboboring lang yan dito.

"Ayos lang yan! Sanay na kami sa lalaking yan. Maupo ka na dito Rachel para makakain na. Bibiyahe narin tayo pauwe mamaya" sabi ko naman sa kanya.

Pagkatapos namin kumain ay nag-ayos na kami ng gamit para makauwe na. May pasok na kasi kami sa isang araw. Kailangan din makapagpahinga muna kami. Mahabang biyahe pa rin kasi ang lalakbayin namin.

"Oh Den! Siguro naman lulungad ka na sa dami ng manggang yan" tukoy ni Kerby sa dalawang kaing na binigay niya kay Den.

"Wow! Talaga? Sakin lahat to! Salamat ng marami Kerby!" Tuwang tuwang sabi ni Den. Isip bata talaga itong taong ito.

"Gusto mo Rachel dito ka na sumabay samin ni Jerome?" Yaya ni Den kay Rachel.

"Ah sakin na sasabay si Rachel. Gusto ko rin kasing may kakwentuhan habang nagdadrive" pigil ni Allen.

Hindi na kami nagtagal pa. Nagpaalam na kami sa katiwala nila Kerby at mabilis na kaming umalis para makauwe na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Maraming salamat Rome. Pahinga ka na. May pasok pa tayo bukas" sabi ni Den nung nasa harapan na kami ng pintuan nila.

"Ako ang dapat magpasalamat. Sana naging masaya ka na kasama ako" matapos kong sabihin iyon ay lumapit ako sa kanya. Niyapos ko siya.

"Lahay kaya konh ibigay. Maging masaya ka lang Den" mahinang bulong ko sa kanya.

"Salamat. Maraming salamat"

"Sige. Kita nalang tayo bukas" paalam ko sa kanya at kaagad ko ng pinaandar ang sasakyan at dumiretso na ako pauwe.

Dumiretso na ako sa kwarto ko. Gusto ko munang mahiga para mairelax ko ang katawan ko. Ramdam ko parin ang sakit sa mga kalamnan ko.

Inilabas ko ang mga gamit ko sa loob ng bag. Hinahanap ko kasi ang charger ng cp ko. Low batt. Kailangan kong maicharge kaagad para maitxt ko si Den para ipaalam na nakauwe na ako.

Paghila ko sa charger mula sa maliit na bulsa ng bag ay may nahulog na nakatuping puting papel.

Dinampot ko iyon.

Dahan-dahan kong binuksan.

Binasa ko iyon. Napapangiti na nga lang ako habang binabasa ko ang sulat niya.

Matapos kong basahin ang sulat ay inilagay ko iyon sa drawer ko. Kailangan ingatan ko ang sulat na iyon dahil iyon ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng ganoong klaseng sulat mula sa kanya.

Inlove na talaga...

Nagtext ako kay Den na nakauwe na ako sa bahay. Wala na akong natanggap na reply galing sa kanya. Malamang tulog na uli iyon. Nung nagising kasi kaninang madaling araw yun nung nasa biyahe kami ay hindi na muli natulog. Nakipagkwentuhan nalang sakin. Para daw hindi ako antukin. Hahaha. Natatawa nga ako sa mga kwento niya. Puro anime lahat. Pano ba naman pati yung pakikipaglaban ni Monkey D. Luffy kay Doflamingo ay ikinuwento pa sakin. Detalyado pa! Tuwang tuwa pa siya sa gear fourth ni Luffy. Hahaha!

Kailangan ko na muna magpahinga. Kailangan bumawi ako ng tulog para makapasok ako bukas.

Inilipat ko ang bag ko at sa pangalawang pagkakataon ay may nahulog uli mula sa bag ko.

Isang keychain.
Ang ganda naman.
Maganda sa paningin ko kasi alam kong galing kay Den ito.

Bago ako tuluyang matulog ay nagtext ako kay Den.

"Thank you so much."
.
.
.
.
.
.
.
Magkakasama kami ngayon nila Allen dito sa tapat ng hall. Vacant kasi namin. Pinag-uusapan namin ang intrams.

"Pano yan mga tol magkalaban ang team natin!" Sabi ni Kerby.

"Hindi naman kami magpapatalo noh!" Sagot naman ni Allen.

Magkasama kami sa team ni Kerby at si Allen naman ang kasama ni Paul at Brille.

"Jerome, galingan mo ha! Di ako papatalo ngayon" nakangising sabi ni Paul sakin.

"Oo naman Paul. Di rin ako papatalo." Sagot ko naman sa kanya.

Mukhang bumalik na sa dati ang aura ni Paul. Wala na akong nararamdamang kakaiba sa kanya. Masaya ako para sa kanya.

"Tara! Pizza? Treat ko!" Singit ni Kerby.

"Sige. Sagot ko drinks!" -Brille

"Sagot ko chix!" Sabi naman ni Allen.

"Gago!" Halos sabay naming sagot ni Paul. Matapos nun ay nagtawanan kami.

Naglakad na kami papuntang cafeteria. Katulad dati marami paring mga estudyante at halatang nagpapapansin samin. Di naman sa nagiging mayabanh na ako. Totoo naman. Ramdam mo naman kasi yung ganoong sitwasyon.

"Look who's here?" -Kerby.
"Oy! Den!" -Allen.

Nakita kong tiningnan ng masama ni Den sila Kerby.

Ano kaya ang problema ng taong ito?

"Hi Den! Goodmorning!" Nakangiting bati ni Brille.

"Hay naku mga likil wag niyo na muna kausapin itong beki na to! Baka ma-beastmode pa ito at ma-pentakill pa kayo!" Kasunod nun ay ang pagtawa ng kaibigan ni Den. Si Sheryl.

"Hey! Eto oh!" Sabay lapag ni Paul ng marshmallows sa harap ni Den. Matapos yun ay mabilis ng tumalikod si Paul at nagtungo na sa harapan para makabilo ng pagkain.

"Tara na! Gutom na ako" yaya ni Kerby at sumunod na kami kay Paul.

Author: nag-iinom kami ngayon. :) inihaw na pusit ang pulutan. Hahaha! Ang saraaaaap! May giniling sa loob.
Sana makapag-update pa ako maya-maya. :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon