Si Jerome yata ang tunay na bully sa tropa.

13.3K 477 27
                                    

"Say you'll never let me go"

Chriden PoV

Nakakapagod at mahaba man ang biyahe ay sulit naman dahil sa magagandang tanawin na bumungad ngayon samin. Napapaligiran kami ng napakaraming puno at pananim.

Ang sarap sa pakiramdam.

Nakakarelax.

Napakaganda ng villa nila Kerby. Napakalaki. Parang ang sarap ngang magtigil ng matagal dito eh. Kung ganito lang ang bahay namin baka hindi ko na maisipan pang bumalik sa cavite.

Habang naglalakad ako ay nakita kong makakasalubong ko si Francisco. Mukhang galing sa kanyang sasakyan kasi may bitbit siyang bag at charger.

Aktong babatiin ko na sana siya nung napansin kong hindi siya natingin sakin.

Plain ang mukha niya. Hindi nakasimangot at hindi rin nakangiti.

Nilampasan niya lang ako.
Para akong hangin na hindi niya nakita.

Ano bang problema ng taong iyon? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah!

"Den tara ililibot daw tayo ni Kerby sa farm nila" sigaw sakin ni Jerome. Mabilis na akong tumakbo pabalik sa villa.

"Wait Rome. Nakalimutan ko yung cp ko sa bag ko" sabi ko sa kanya.

"Okay lang yun. Hindi naman kailangan cellphone sa farm. Inilapag ko sa ibabaw ng table natin sa kwarto yung cp mo" sagot naman sakin ni Jerome at inakbayan na niya ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa farm.

Ang ganda nitong nilalakaran namin. Sariwang sariwa ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit nasisinagan kami ng sikat ng araw ay presko parin sa katawan. Hindi mainit.

"GoodMorning po Sir!" Bati ng mga bawat taong nakakasalubong namin kay Kerby.

Napapaligiran kami ng napakaraming puno ng mangga. Takte! Natatakam ako! Paborito ko ang mangga! Lalo na yung manggang kalabaw, yung maasim! Ang sarap nun!

"Mukhang natatakam ka na Den ah!" Puna sakin ni Allen kasunod nun ay ang pagtawa nito. Nakita niya atang natulo ang laway ko. Hahaha! Totoo promise. Gustong gusto ko talaga ang mangga.

Napagpasyahan naming maupo muna sa isang kubo. Medyo nakaramdam na yata ng pagod ang mga senorito kaya eto puro nakaupo na lahat sila.

Naghain ng mangga ang isa sa mga katulong ni Kerby sa lamesa namin. Syempre ako ang unang kumuha para kumain.

Ang sarap!

"Huwag ka mag-alala Den. Mag-uuwe tayo ng maraming mangga pabalik sa cavite" nakangiting sabi sakin ni Kerby.

"Talaga? Promise mo yan ah!" Sagot ko naman sa kanya.

"Oh teka asan nga pala yung dalawa?" Singit ni Allen.

"Dalawa?" Takang tanong ko.

"Nagpaiwan na sa villa si Paul at si Rachel. Mukhang napagod yata sa biyahe" sagot naman ni Brille habang panay rin ang kain ng mangga.

Arte naman ng dalawang iyon! Parang biyahe lang napagod na agad? Wow ha! Itong mga kasama ko nga ngayon ay parang wala lang sa kanila.

Baka gusto lang nila magsolo kaya nagpaiwan sila! Mukha niya!

"Oh anong binubulong mo diyan Den?" Sita sakin ni Jerome.

"Ha? Wala. Try mo tikman ang sarap oh" sabay subo ko sa kanya ng mangga.

"Ang sweet naman!"
"Ayieeeee" sabay-sabay na tukso samin ng tropa.

"Teka..Ano na bang lagay nyong dalawa?" Nakangising tanong ni Kerby samin.

"Naku! Kerby mamaya na yang tanong na yan. Dapat nakainom para makasagot yang dalawa! Tara na pabalik sa villa para makapag-inom na tayo!" Sabi naman ni Allen.

Mabilis na namin tinahak pabalik ang daan. Hindi na nga namin naalintana ulit ang pagod dahil sa kadaldalan ng mga kasama namin.

Pagdating namin sa villa ay nakahanda na ang inumin at lamesa sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Ang astig nga eh. May sound system din.

"Beh pano? Simulan na natin para makarami!" Sigaw ni Allen na halatang hayok na hayok na sa alak.

Umupo na kami. Katabi ko si Jerome. Nasa harapan naman namin ang dalawang nagpaiwan kanina dito sa villa. Si Paul at si Rachel. Nasa kaliwa naman si Kerby at Brille at sa kanan naman si Allen kasama pa ang dalawa nilang kaibigan.

(Background music: Tadhana)

Panay na ang kwento ni Allen habang patuloy siya sa pagbibigay ng tagay samin. Nakakatawa nga siya magkwento. Talagang may action pa!

"Kung makikita niyo lang talaga ang mukha ni Paul nun nung kinuwelyuhan niya si James dun sa cafeteria!" Bidang bidang kwento ni Allen.

"Lalo na kapag may toyo yan. Bigla bigla nalang sumisigaw yan!" Dugtong naman ni Kerby kasunod nun ay ang pagtawa.

"Teka..Teka.. Bakit yung kalokohan lang ni Pareng Paul ang pinag-uusapan natin? Diba may natatagong kalokohan din itong si Jerome!" Singit naman ni Brille.

Mukhang interesado ako sa usapan ah! Sa mukha ni Jerome? May kalokohang tinatago? Wew?

Sinulyapan ko ang taong tinutukoy nila. Nakangiti lamang ito at mukhang handa siya sa kung ano man ang kanyang maririnig.

"Aba! Si Jerome yata ang tunay na bully sa tropa!" Pagbibida nanaman ni Allen.

Tunay na bully?

"Naalala ko pa nga dati nung elementary pa kami niyang si Jerome. Grade 6 yun. Hindi sinasadyang napilansikan lang ang kanyang polo ng juice ni David, aba bigla nalang niyang sinapok sa mukha!" Dugtong na kwento ni Allen.

"Hindi lang yun, nung highschool siya ang leader ng isang gang sa school na pinapasukan niya. Takot nga kay Jerome ang lahat pumapasok sa eskwelahan nila eh" kwento rin ni Kerby.

Talaga? Ganoon si Jerome dati? Bakit mukhang hindi naman? Bakit mukhang ang bait-bait niya.

Mas mukha pa ngang basag-ulo si Paul kesa kay Jerome eh!

"Hindi rin yan tumitigil hanggat hindi niyan nakukuha ang gusto niya!" Kasunod nun ay ang pagtawa ni Brille.

Natatawa nalang si Jerome sa mga naririnig niya. Mukhang nagbago na nga talaga ang taong ito ah.

"At ito pa ang pinakamatindi..." Pinutol muna ni Allen ang kanyang sasabihin dahil sa pagbukas muli ng panibagong alak para isalin sa tower.

"Nung nainlove sa iisang tao si Paul at si Jerome..."

Author: Happy Mothers day sa lahat ng nanay! :)

Guys, election na bukas. :) vote NICELY and WISELY. Hahaha!

#Bubei

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now