I want to kiss him - make love with him. Shit!

11.2K 384 26
                                    

Ang pag-ibig na binigay.

Paul Francisco PoV

Naipwesto na namin ni Luis ang speaker na pinadala ni Paolo. Halata nga sa mukha ni Luis ang pagkainis sakin dahil pinahirapan ko siya.

Hindi kasi totoong busy ang mga katulong namin. Gusto ko lang talaga makita si Den at gusto kong malaman kung bakit sila magkasama ng kapatid ko.

"Okay Salamat. Ipagpatuloy niyo na ang ginagawa niyo kanina. Pasensya na sa istorbo" nakangiting sabi ni Paolo.

Takte ka Paolo! Gusto ko lang ipaalam sayo na sakin yan. Ako ang nagmamay-ari sa taong kasama mo. Ako nagmamay-ari kay Den!

"Oy kuya! Tara na! Nakatanga ka nanaman!" Untag sakin ni Luis.

Langyang to ah! Pasira ng moment!

Bumalik na kami ni Luis sa ibaba pero ang ako? Balisa ako! Hindi ako mapakali. Parang may kung ano sa katawan ko kaya parang gustong gusto kong tumayo at pumunta sa itaas.

Tumayo ako.
Nagpunta ako sa kusina.
Sumilip ako sa hagdan paitaas.
Bumalik ako sa kusina.
Sumilip uli ako sa itaas.
Bumalik ako kay Luis.
Nagpunta akonsa terrace.
Bumalik ulit ako kay Luis.

"Kuya adik ka ba?" -Luis.
"Ha?" -Ako.

"Kanina ka pa di mapakali eh! Ano bang nangyayari sayo!?" Takang tanong ni Luis sakin.

"Ha? Binabalisawsaw lang ako. Saka bakit ba nakikialam ka? Hindi naman ikaw ang napapagod ah!" Sagot ko sa kanya.

"Sungit ah! Sige diyan ka na muna!" Paalam niya sakin at naglakad patungo sa daan papuntang rooftop.

"Oy oy! Teka!? Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa taas. Parang gusto ko rin kasi uminom para makatulog ako agad eh" sarkastikong sagot niya sakin.

"Aba Luis! Hindi kita pwedeng hayaan mag-inom mag-isa! Baka sumobra ka! Halika - sasamahan kita sa taas!" Mabilis na sabi ko sa kanya.

Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa.

Pagkakataon ko na ito para makita at malaman ko kung bakit kasama ni Paolo si Den. Anong akala niya sakin! Di ako papayag noh!

Habang papaakyat kami ay unti-unti ko ng naririnig ang tunog na mula sa speaker. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Den ang nakanta.

So you keep me in your heart
Promise me we'll never apart
I can only love you so much more coz you are all I'm living for

Oh shiiit! Bakit bumibilis nanaman ang dagundong ng puso ko?

Kanta palang yan - boses palang niya ang lakas na ng epekto sakin.

Hindi ko na namalayan na nasa harapan na kami nila Paolo.
Nakatuon lamang ang mata ko sa taong nakanta. Kay Den. Tangina! Bakit ganito ako?

"Kuya Paolo, pajoin ako!" Narinig kong paalam ni Luis.

"Dun ka sa kanilang table Luis. Huwag masyadong mag-iinom ha!" Sang-ayon agad ni Paolo.

"Oh ikaw naman Paul?" -Paolo.

"Ahh.. Sasamahan ko si Luis. Baka mapasobra sa pag-iinom yan. Bata pa yan!" Mabilis kong sagot sa kanya dahilan para iiwas ko ang pagkakatitig ko kay Den.

Mabilis akong naupo sa kabilang table. Ganoon din si Luis.

Bakit ba ganito ang kinikilos ko?

"Oh Kuya mawawala lamig niyan - nakatulala ka nanaman!" Puna sakin ni Luis.

Basag trip tong si Luis ah! Nagmomoment ang tao eh!

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip

Dahan-dahang bumalik ang lumiko ang leeg ko sa pinanggagalingan ng boses. Yung slow motion talaga - yung parang sa napapanuod sa movie.

"Wow! Si Den ba talaga ang kumakanta? Hayup! Nakakainlove!" Seryosong sabi ni Luis habang hawak hawak ang bote ng alak.

Madalas man na parang aso at pusa
Ngunit sa piling mo ako ay masaya

Perfect! Magnificent! Symmetrical! Superb! Bravo! I Love You! Shit! Lalong tumataas ang level ng eagerness ko para kay Den. Parang gusto ko ng suwayin ang utos sakin ni Lolo. Parang gusto ko ng tanggihan ang gustong mangyari ni Lolo.

I want to be with him - right now.
I want to embrace him - feel him.
I want to kiss him - make love with him. Shit! Oo! Sa sobrang eagerness ko yun na agad ang gusto kong mangyari.

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Nais ko sana ipabatid na ikaw lamang ang siyang aking - iibigin

Takte! Ano bang meron ka Den at parang nawawala palagi ako sa sarili ko kapag nakikita kita.

"Bakit nga kaya magkasama si Kuya Pao at si Den noh?" Basag nanaman ni Luis sa pagpapantasya ko kay Den.

Kanina ko parin tinatanong sa sarili ko kung bakit sila magkasama. Kaso walang kahit anong rason akong maisip. Huwag lang sana tatama ang isang naiisip ko kundi hindi ko mapapatawad si Paolo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sigurado ka hindi ka na magpapahatid sakin?" Narinig kong tanong ni Paolo habang nasa labas na kami ng gate.

"Kung ayaw mo kay Kuya Paolo Den ako nalang maghahatid sayo. Free ako kahit sanyo pa ako matulog!" Mabilis namang segunda ng kapatid kong si Luis.

Takte lang ha! Mga kapatid sakin yan! Hindi ba kayong marunong mahiya?

"Ok lang ako. Thanks! Nag-enjoy ako. See you!" Nakangiting paalam ni Den at naglakad na palayo samin.

"Oh kayong dalawa - lakad na sa kwarto niyo. Magpahinga ka. May pasok pa kayo bukas" utos samin ni Paolo.

Aba! Kung makapag-utos parang siya ang panganay ah! Magkaedad lang naman kami - kambal kami eh.

"Bakit kayo magkasama ni Den? Bakit kayo magkakilala? Paano kayo nagkakilala? Baki-"

"Hey! Easy! Isa-isa lang bro. Huwag masyadong hot" nakangising awat sakin ni Paolo.

"Paano kami nagkakilala? Yun ba ang gusto mong malaman?" -Paolo.

"Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa!" Naiiritang tanong ko sa kanya.

Si Luis naman ay nakatingin lang saming dalawa ni Paolo.

"Nagkakilala kami kasi bigla nalang akong hinalikan kanina ni Den sa campus" -Paolo.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now