Tingin mo sakin? Baldado!

10.6K 377 10
                                    


Paul Francisco PoV

Tangina! Nasaan na kaya si Den!? Kanina pa ako hanap ng hanap sa kanya. Baka kung mapaano siya. Dapat hindi ko nalang siya hinayaan na maglakad-lakad dito sa labas. Malawak pa naman ito at hindi gaanong maliwanag.

"Bakit mo ba iniwanan Luis! Dapat sinama mo nalang sa loob kanina!" Sigaw ko sa kapatid ko na naghahanap din.

Wala akong narinig na sagot mula sa kapatid ko. Kanina ko pa kasi siya nasisigawan dahil sa nangyari.

Tinawag ko narin ang mga katulong sa mansyon para maghanap. Pinalibot ko sa kanila ang buong bahay ay bakuran pero wala silang nakita.

"Ano bang nangyayari Paul? Ano bang hinahanap niyo?" Tanong ni Mama na napalabas sa sobrang lakas ng sigaw ko.

"Nawawala si Den. Hindi ko makita kanina pa." Mariing sagot ko.

Tumulong narin sa paghahanap si mama at si papa.

"Sir wala po sa likod at sa harapan ng mansyon" sabi ng isang katulong.

"Libutin niyong lahat ng pwedeng mapuntahan. Tawagin mo narin ang driver paghanapin mo narin!" Sagot ko sa kanya.

Tangina! Kapag may nangyaring hindi maganda kay Den hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Dapat hindi ko na siya hinayaan. Dapat sumama nalang ako sa kanya.

Den nasaan ka na ba!

"Kuya! Kuya!" Sigaw ni Luis.
Mabilis kong pinuntahan si Luis.

"May naririnig akong lagaslas ng tubig. Baka nan-"
"Kumuha ka ng flashlight! Bilisssss!" Sigaw ko sa kanya.

Halos hindi ako makapaghintay sa pagbalik ni Luis. Kahit hindi ko kita ang daan ay tinahak ko iyon. Mabuti nalang ay natapakan ko ang batong daan pababa dahil kung hindi ay malalaglag ako ng dire-diretso sa tabi ng batis.

Hindi naman nagtagal ay nakababa narin si Luis dala ang dalawang flashlight. Tiningnan ko ang paligid. Puro bato at malalaking puno.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Tanging liwanag lang na nanggagaling sa buwan at sa dala naming flashlight ang nagbibigay samin ng ilaw sa daan.

"Den! Den!" Sigaw ko.

Kailangan makita ko siya agad.
Kailangan masiguro kong walang masamang nangyari sa kanya.

"Kuya ayun may kubo!" Turo ni Luis.

Tinakbo ko kaagad ang tinuturo ni Luis. Sa sobrang pagmamadali ko ay nabitawan ko na ang dala kong flashlight. Hindi ko na inintindinh kunin pa yun. Ang nasa isipan ko lang ay kung tama ang hinala kong nandun ang taong hinahanap ko.

Halos magiba ang pintuan sa pagkakatulak ko mabuksan lang iyon. Pero wala. Walang tao sa loob ng kubo. Tanging ilaw lang na nanggagaling sa kampara ang nakita ko bukod sa nag-iisang papag.

Mabilis akong lumabas para magpatuloy sa paghahanap ng may naaninag akong liwanag sa di kalayuan.

Shit! Hindi ako pwedeng magkamali!
Tinakbo ko uli iyon.

"Bitawan mo si Den! Bitaw!" Sigaw ko sabay tulak sa lalaking hawak hawak ang taong mahal ko.

Mabilis kong naagaw si Den sa kanya at dahil sa pagkakatulak ko ay napahandusay sa lapag ang lalaki.

Niyapos ko ng mahigpit si Den. Mahigpit na mahigpit.
Yung yakap na hinding hindi ko na ulit hahayaan na mangyaring mawala pa siya.

"Bakit mo siya tinulak!? Abnormal ka talaga!" Biglang sigaw sakin ni Den at pilit kumakalas sa pagkakayakap ko.

"Hawak hawak ka niya! Sa tingin mo matutuwa ako!?" Bulyaw ko rin sa kanya.

"Dapat nga magpasalamat ka pa sa kanya dahil tinulungan niya ako!" Sagot ulit niya.

Ngayon ko lang napansin na hindi gaanong makatayo si Den. Inilawan ni Luis ang paa niya at nakita kong may benda ito.

"Pasensya na po Sir. Hindi ko po intensyong -"

"Huwag ka humingi ng pasensya Rico. Laking pasasalamat ko nga at tinulungan mo ako eh." Narinig kong sabi ni Den.

"Halika na! Uuwe na tayo!" Sabi ko kay Den.

"Oka- oy! Teka! Teka!" -Den.
"Hindi ka makalakad ng maayos diba? Kaya huwag kang malikot!" Saway ko sa kanya habang buhat buhat ko siya. Yung buhat na parang bagong kasal.

Palag ng palag si Den pero hindi ko siya iniintindi. Ano siya? Tingin niya hahayaan ko nalang siyang maglakad ng ganito ang sitwasyon niya!

Kailangan makabalik na agad kami sa mansyon dahil gusto kong malaman ang nangyari! Gusto ko rin malaman kung paano siya tinulungan ng lalaking iyon! Malay ko ba kung ano ginawa nun sa kanya!

Hindi rin naman nagtagal ay nakabalik na kami sa mansyon. Sinalubong kami nila mama at papa. Si Lolo naman ay katabi ni papa. Nilampasan ko lang sila. Hindi ako nagsalita ng kahit na ano.

Ang tanging gusto ko lang gawin ay dalin sa kwarto si Den para makapagpahinga.

"Luis ipakuha mo ako ng tubig at pagkain kay manang. Dalahin nalang kamo sa kwarto namin" huling sabi ko kay Luis.

Pagpasok namin ng kwarto ay inihiga ko agad si Den sa kama.

"Pwede mo bang sabihin sakin kung ano ang nangyari?" Sabi ko sa kanya habang nakaupo ako malapit sa kama.

Kinuwento niya lahat sakin. Pati yung pag-aakala niyang kapre yung Rico na yun. Kaya daw siya hawak hawak ni Rico ay nagpapahatid na raw siya pauwe dahil alam daw niyang nag-aalala na ako.

"Bakit ba kasi nakarating ka hanggang sa parteng iyon!" -Ako.

"Aba! Masama bang maglakad lakad ako dun at di ko naman alam na mahuhulog ako dun!" Pagalit din niyang sabi.

"Sir eto na po"
"Lapag mo nalang diyan sa table" sabi ko sa katulong na nagdala ng pagkain.

"Kumain ka na muna bago magpahinga ka. Alam kong hindi ka gaano nakakain kanina" sabi ko sa kanya at inalalayan ko siyang umupo sa gilid ng kama.

"Kailangan pa ba kitang subuan?" -Ako.
Bigla siyang napatingin sakin.
Masama ba yung tanong ko?
Bakit ganito makatingin tong taong ito!

"Tingin mo sakin baldado! Paa ko ang may diperensya hindi kamay!" Pabalang niyang sagot sakin habang namumula ang mukha.

Bakit namumula siya?
May masama ba akong sinabi?
Nagmamagandang loob lang naman ako sa kanya ah!

Pero sa totoo lang kaiba yung naramdaman ko kanina habang hinahanap kp siya. Lalo na nung nakita ko siyang hawak hawak ng ibang lalaki. Ayoko ng maulit ito. Ayoko ng mawala siya at mas lalo na ayokong makitang may hahawak pa sa kanyang ibang lalaki maliban sakin. Akin lang siya! Hindi siya para sa iba! Para kay Paul Francisco ka lang Chriden Miguel!

"Sir pinapatawag po kayo ng Lolo niyo" biglang sabi ng katulong sakin.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang