Special Authors PoV

15.2K 401 14
                                    


"Sir Den pinapatawag ka sa principals office" sabi sakin ng isang kasamahan ko.

"Ha? Bakit daw? May reklamo? Oobserbahan ba ako?" Mabilis kong tanong sa kanya.

Natatakot talaga ako. Sa loob kasi ng 5 taon ko sa pagtuturo ay ngayon lang ako pinatawag sa principals office bukod nalang kung may ipapa-direct sakin na stage play o kaya papasayawin kami dahil sa may program.

"Aba ewan ko. Pumunta ka nalang. Kanina pa si Maam nag-iintay." Huling sabi ng kasamahan ko bago tuluyang nilisan ang room ko.

"Patay ka Sir!" Bulong sakin ni Justine Jake. Estudyante ko na kinakain na yung burger ko sa table.

"Lagot ka Sir..." Dugtong naman ni Ron Linsey na hawak hawak ang tablet ko.

"Gusto mo Sir samahan ka namin? Back up mo kami" singit naman ni Rhon Rhyzel habang naglalaro ng Color Switch sa cp ko.

"Magsitigil nga kayo! Kinakabahan na nga ako eh!" Saway ko sa kanila.

"Guys walang lalabas ng room ah! Get your EsP notebook. Jheya page 334" huling sabi ko sa kanila bago ako tuluyang lumabas ng classroom.

Habang naglalakad ako ay hindi maalis sa isip ko kung bakit bigla bigla nalang ako pinapatawag. Wala namang program o activity na pwede kong asikasuhin.

"Sir! Lipat ka samin mamaya ah. Sunduin ka namin nila Rendell" pagbati sakin ni Bonnbonn Bedayos.

"Okay sige." Matipid kong sagot sa kanya.

Dahan-dahan kong ini-slide ang glass door ni Maam at nakita ko siyang nakaupo sa kanyang upuan.

"Maupo ka" mahina niyang sabi sakin.

Naupo ako sa gilid na upuan na napwesto sa table niya.

"Maam bakit po?" Medyo natatakot kong tanong.

"You will be one of the speaker. Ihanda mo na ang mga kakailanganin mo at topic na idi-discuss mo." Mahabang sabi ni Maam.

Ha? Speaker? Jusko! Singer lang ako at hindi speaker! Maam naman eh! Isasabak ako sa gyera ng basta basta.

"Maam kailan po ito?" Diretsong tanong ko sa kanya. Nawala na kasi yung mga negative na naiisip ko kanina.

"3days from now" maikling sagot niya.

Pakshet! 3days? Ano akala nila ganoon lang kadali ang ihanda ang mga materials o slide show para dun? Kung pwede nga lang tanggihan itong principal na ito!

"Okay po Maam." Huling sabi ko kay Maam Principal at mabilis na akong bumalik sa classroom.

"Ano Sir? Balita?" Bungad sakin ni Rhyzel na hawak parin ang tablet ko.

"Naku! Akala ko kung anong reklamo na. Magiging isa pala ako sa mga speaker para sa friday" naiinis kong sagot sa kanya.

"Speaker Sir? Kakanta ka Sir?" Mabilis na tanong ni Yvan Vincent.

"Tanga tol! Ibig sabihin sila mag-aayos ng speaker na gagamitin. Ang rinig ko kasi may party daw kase nga Pre-Valentines Party. Nagaayos na nga yung section emerald ng covered court eh" sigaw ni Justine Jake.

Napatawa akong bigla nung narinig ko iyong usapan nila.

Itong mga batang toh talaga.

"Kayo nga eh bumalik na sa mga upuan niyo. MagDidiscuss na ako." -Ako

"Dito nalang kami Sir. Babantayan namin gamit niyo" pagpiprinsinta ni Mac Bryan.

"Ang sabihin niyo yang mga gajets ko ang babantayan niyo! Ingatan niyo yang iphone - kakabigay lang sakin ni Francisco niyan!" Litanya ko sa kanila.

"Eh Sir tumawag nga kanina si Kuya Paul dito. Sinagot ni Justine Jake" pagsusumbong ni Jhanrevilo.

"Jek ano sabi ni Francisco?" -Ako

"Susunduin ka daw ni Kuya Paul Sir at tinatanong kung nasaan ka" sagot ni Justine Jake.

"Eh ano sabe mo?" -Ako

"Sabe ko Sir hindi ka niya pwede sunduin kase madami ka pa gagawin saka sabi ko pinatawag ka ng principal" sagot niyang muli.

"Ha? Bakit sinabi mong hindi niya ako pwede sunduin? Lagi naman akong sinusundo nun kapag ganitong araw diba?" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Eh Sir kapag sinundo ka ni Kuya Paul eh di uuwe ka ng maaga. Hindi ka namin makakasama mamaya. Lagi ka rin marami ginagawa kapag di ka sinusundo ni Kuya Paul. Nagseselos na kami Sir. Dapat mamaya kami na ulit kasama mo" mahabang sagot ni Rhon Rhyzel.

Haayyy. Mga ito talaga. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si Francisco. Sinabi ko sa kanya na huwag na muna niya ako sunduin. Sinabi ko sa kanya yung totoo. Pumayag naman siya at sinabi niyang magpapadala nalang siya ng pagkain para kina Rhon Rhyzel.

"Sir promise mo yan ha... kasama ka namin mamaya" mahinang sabi sakin ni Justine Jake.

"Opo." -Ako.

"Nagseselos yang si Jek Sir kay Kuya Paul! Ayaw pa aminin ni Jek eh! Di naman magagalit si Sir kapag nalaman niya na -"

"Oyyyy! Di kaya! Tara nga samahan mo ako sa canteen" pagputol ni Justine Jake sa sinasabi ni Rhon Rhyzel.

"Sir punta muna kami sa canteen" paalam nila sakin.
--------

Share ko lang guys yung topic ko. :) Promise may matututunan kayo at marami kayong maiintindihan.

Salamat po!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now