Date <3

24.2K 774 59
                                    

Ang ineeeeeet!

Chriden PoV

Padabog akong sumakay sa sasakyan ni Paul. Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti.

"Akala ko ba may iba ka pang gagawin at may lakad kayo ni KENNETH?" Talagang pinagkadiinan pa niya ang pangalan ni Kenneth.

Flashback (nung may tumawag sa cp ko)

"Oh baket ang aga mong tumawag? Diba may klase ka ngayon?" Mabilis kong sabi sa taong tumawag. Si Elaine yun. May NSTP kase sila tuwing sabado.

"Galing kasi si Paul dito... Hina-"
"Wala akong pakialam kung yung impakto lang yun ang pag-uusapan natin. Hindi ako intere-" mabilis din niyang pinutol ang sinasabi ko.

"Hinahanap si Kenneth at mukhang may hindi magandang gagawin! At pinasabi niya sakin na tawagan daw kita at ipaalam dahil baka daw magbago pa isip mo!" Dire-diretsong litanya ng bespren ko.

Hudas ka talagang impakto ka! Napakawalanghiya mo!

"SABIHIN MO BESSIE NA NAG-AANTAY AKO SA KANYA DITO SA BAHAY!" Malakas na pagkakasabi ko sa kanya. Mabilis na in-end ni Elaine ang convocall namin.

End of flashback

"Huwag mo nga akong pagkakausapin!" Mataray na sabi ko sa kanya. Napansin kong nag-iba ang pustura ng kanyang mukha at hindi na muling nagsalita.

Nandito kami ngayon sa SM. Wala narin naman akong magagawa kundi ang sumama sa mayabang na lalakeng ito! Masama mang hilingin Lord sana mabagok ito at biglang magbago ng ugali!

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sakin.
"Busog ako" tipid kong sagot sa kanya.
"Subukan mo pang sumagot ng hindi maganda at itutumba ko yang cotton candy stall na nasa harapan natin!" Malakas na pagkakasabi niya dahilan para magtinginan samin ang mga taong naroon.

Alam kong kaya niyang gawin iyon dahil narin sa gaspang ng ugaling meron siya. Kaya mas minabuti ko nalang na kalmahin ang sarili ko at wag na siyang patulan para sa ikakaayos ng lakad namin na ito.

"Sa Burger King"tipid at mahinahon kong sagot.

Nagsimula na kaming maglakad. Hanggat maari eh ayokong sumabay sa kanya sa paglalakad hindi dahil sa naaaaiwa ako kundi dahil nabubwiset ako sa taglay niyang kayabangan.
"Baket ba napakabagal mong maglakad!?" Bulyaw niya.
"Eh ano bang pakialam mo!? Eh di mauna ka kung nababagalan ka saken!" Ganting sigaw ko sa kanya.

Naramdaman ko nalang muli na pinagtitinginan kami ng mga tao roon. Hindi ko na uli siya inintindi at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Naramdaman ko nalang na biglang may kamay na pumatong sa balikat ko. Ang impakto nakaakbay saken. Lihim ko itong tinatanggal ngunit paulit-ulit niya iyong ibinabalik.

"Subukan mo pang tanggalin ulit yan - babalian ko ng balikat yang makakasalubong natin!" Sabi niya na walang pakialam kahit naririnig siya ng nakakasabay naming maglakad.

Nakaupo na kami ngayon dito sa Burger King. May pagkaGentleman din pala ang loko dahil siya ang pumila para umorder. Ang problema nga lang hindi niya ako tinanong kung ano ang gusto ko.

"Ako ang nauna sa pila! Kung gusto mong maka-order aba pumila ka ng maayos!" Narinig kong sigaw nung babae. Parang may naalala tuloy akong bigla. Haaaay.. Sigurado ako na si.... Ha!? Takte! Mabilis kong tinungo yung pilahan ng order at hindi nga ako nagkamali. Si Impakto nakikipag-away sa nasa unahang pila. JuskoNaman! Hanggang dito ba naman!

"Ay ate pasensya na po.." Singit ko sa girian nila.
"Baket nahingi ka mg pasensya diyan sa pange-"
"Tumigil ka!" Putol ko sa kanya.
"Ate pasensya na uli. Medyo may kaabnormalan ho kasi itong kasama ko" paghingi ko uli ng dispensa sa babae.
"Pagsabihan mo yang boyfriend mo na yan!" Huling sabi nung babae at mabilis na umalis pagkakuha ng order niya.

Boyfriend? Hala! Wala ho akong boyfriend! Lalo na kung ang tinutukoy niyo ay ang kamag-anak ni Lucifer na ito! Sabi ng isipan ko.

Ako na ang pumila para sa order namin. Nagkamali pa yata ako kanina nung hinayaan ko siyang pumila mag-isa. Ano nga naman ang aasahan ko sa isang Paul Francisco Gabriel! Edi wala! GULO!

Inilapag ko ang inorder kong spaghetti at steak pati narin yung coke. Nagsimula na kaming kumain at kapwa kami walang imikan.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at kasunod nun ay ang kantang survivor senyales na may natawag.

"Hello?" Mabilis kong sabi.
"Talaga? Kailan?" Nakangiti kong tanong sa taong kausap ko.
"Okay sige. Pero teka...kasama ba si.."
"Sana hindi kami maging akward. Sige. I'll join" matapos yun ay pinagpatuloy ko na ang pagkain.

"Sino yon?" Biglang basag ni Paul sa katahimikan.
"Si Christine. Tropa ko. Baket gusto mo ireto kita!?" Sarkastikong sagot ko.
Tiningnan niya lang ako ng masama at bumalik na siya sa pagkain.

"Hey Paul! Galing ako sa inyo wa--- Hi Den! Magkasama pala kayo ni Paul" sabi ni Jerome na hindi namin namalayan na nasa harapan na pala namin siya kasama ang ibang tropa ni Paul.

"Nagkataon lang. Kain!" Nakangiti kong alok sa kanya. Umusog ako ng konti para makaupo si Jerome at yung ibang kasama naman niya ay naupo malapit kay Paul.

"May iba ka pa bang lakad? Pasama sana ako sayo Den eh" diretsong sabi ni Jerome matapos uminom sa straw ng softdrinks ko. Nahagip ng mata ko ang nanlilisik na tingin ni Paul sakin.

"Maaga kasi akong uuwe mamaya. May inaasahan kasi akong bisita eh" nakangiting sagot ko sa kanya.
Pero sa totoo lang ay ayaw kong mapadikit pa kahit kanino sa kanila. Puro may mga sayad kase! Ngayon nga nag-iisip na ako ng paraan para malayo sa impaktong si Paul eh.

"Kahit after dito?"
"Eheeem"

Natigilan sa pangungulit si Jerome sakin nung narinig niya medyo umuno si Paul. Di pa natuluyan! Buset! Sabi ng aking isipan.

Matapos naming kumain at napagpasyahan nilang magpunta sa Toms World. Ayos! Kailangan manalo ako ng maraming ticket para makuha ko na si Chopper! Yipiiiiie!

Naghiwa-hiwalay muna kami. Sila Paul sa basketball machine games, yung ibang tropa naman niya at sa car racing at shooting games. Ako? Haha! Yung pipindot ka ng button tapos may malalaglag na bola at kung saan mapatyempo ay iyon ang dami ng ticket na lalabas dun sa machine.

"Badtriiiip" sabi ko. Palagi nalang kasing sa 2tickets at sa 5tickets napupunta yung bola! Eh yung jackpot ang aim ko, yung 200tickets! Hahaha!

"Hi! Ikaw pala si Chriden" sabi sakin nung lumapit na lalake.
Teka parang kilala ko to ah!
ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

"Tama! Ikaw yung lalake na nakipag-away ke Paul sa Angelicas!" Sabi ko sa kanya.

Authors PoV

Pasok nanaman sa monday :( maririndi nanaman ako sa kaingayan ng mga estudyante ko :(

Gusto ko April na!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Where stories live. Discover now