Bola 2

3K 140 17
                                    

CHAPTER 2

KINABUKASAN, hawak-hawak ni Ricky ang isang xerox copy na may nakasulat na kung anong announcement. Nakalagay nga roon na sa darating na Linggo ay magkakaroon try-out ang school para humanap ng mga players na idaragdag sa kulang nilang team ng basketbol. Apat na araw pa bago iyon mangyari at kahapon lang siya nagdesisyon na sasali siya rito.

Si Ricky na ni minsan, simula pa noong elementary ito ay wala pang sports na nasalihan.

"Seryoso ka Ricky!?" tanong ni Andrei sa kaibigan. Hindi kasi sila makapaniwala sa narinig nila mula rito. Natatawa pa nga niyang hinipo ang noo ng kaibigan gamit ang kanang palad.

"May sakit ka ba?" Natatawa pa ito matapos idugtong iyon sa nauna niyang tanong.

Tumingin naman sa kawalan si Ricky. Naalala niya na lang bigla ang sinabi ni Mika kahapon sa may gilid ng school court.

"Gustong-gusto ko talagang manood ng basketball... dati pa. Okay na okay kung isang varsity player ang magiging boyfriend ko kasi, pareho kami ng gustong sports..."

Ibig-sabihin daw niyon, kapag naging player siya ng varsity ay may chance na magkakilala sila ni Mika at baka magustuhan pa raw siya nito. Kapag nangyari raw iyon... Posibleng si Mika ay maging girlfriend niya kasi, mahilig din siyang maglaro ng basketbol.

"Hoy!" panggugulat naman ni Mike kay Ricky dahilan upang tila bumalik ito sa reyalidad.

"Magta-try-out ka? E, imposibleng mapili ka. Ano'ng alam mo sa basketbol?" dagdag pa ni Mike at napatawa pa ito.

"Kaya nga mamaya ay turuan ninyo akong mag-basketbol," seryosong sabi ni Ricky na makikita sa mga mata na desidido nga talaga ito sa binabalak.

"Kailangan kong mapili..."

"Para mapansin... hindi... para makilala ako ni Mika." Napangiti pa si Ricky dahil lumabas pa sa imaginations niya ang mukha ng dalaga. Siya rin namang pagtawa sa kanya ng tatlong kaibigan nang mapagmasdan siya.

"Walang 'ya ka pare," wika ni Roland.

"Si Mika na naman? Ano'ng kinalaman niya sa pagta-tryout mo?" dagdag pa nito.

Ngumiti si Ricky.

"Dahil mahilig siyang manood ng basketbol. At sinabi pa niya na gusto raw niyang maging boyfriend ay basketbol player!" masiglang kwento ni Ricky na nagpailing na nga lamang sa mga kaibigan niya.

"Posibleng makilala na niya ako sa wakas!"

Napakamot na lamang sa ulo ang tatlo nang marinig iyon mula kay Ricky. Ramdam din naman nila ang fighting spirit ng kaibigan... kahit ang totoo'y hindi nila maisip kung paano ito mapipili sa try-out na magaganap sa CISA.

"Ano? Tutulungan ba ninyo ako? Dribbling at shooting lang naman iyon... Kayang-kaya ko iyon," dagdag pa nga ni Ricky at napa-oo na lamang ang mga kaibigan niya.

"Oo na! Mamaya, tara sa bahay. Tuturuan ka namin," wika ni Andrei. Sa magkakaibigan ay ito ang pinaka-may kaya sa buhay. May kalakihan ang bahay nito at may halfcourt na mapaglalaruan ng basketbol sa mga ito.

KINAHAPUNAN, pagkatapos ng klase ay nagdiretso kaagad sila sa bahay ni Andrei. Sakay nga sila sa kotse na service nito kapag pumapasok. Tuwang-tuwa nga sina Ricky dahil nakasakay na uli sila sa four-wheels. Isa pa, aircon doon kumpara sa tricycle at jip na nasasakyan nila kapag bumabyahe. Nasa isip din nila na siguradong may meryendang masarap na ihahanda ang kaibigang si Andrei pagdating sa bahay ng mga ito.

Mga ilang minutong byahe pa ang nagdaan hanggang sa huminto, matapos lumiko ng sasakyan sa isang kanto. Nasa harapan na nila ang isang pulang gate. Bumusina nga ang driver ng kanilang sinasakyan, hanggang sa bumukas na nga ang gate makalipas ang ilang segundo.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now