Bola 77

1.8K 192 22
                                    

NAGMINTIS ang ginawang reverse lay-up ni Ricky. Subalit sa likuran niya ay naroon si Romero na mabilis sinambot ang bola habang nasa ere ito. Bago pa man nga ito makalapag sa court ay binitawan niya rin kaagad ang bola papunta sa loob ng basket.

Isang mabilis na 2-0 ang ginawa ni Romero at isang malakas na cheer ang dumagundong sa buong CISA dahil doon.

Seryosong napatingin si Macky kay Mendez matapos iyon. Napakuyom siya ng kamao dahil nakita niya ang ginawa nito. Pakiramdam niya ay gumagawa ito ng mga bagay na ginagawa ng isang ace player. Alam ni Romero na maganda iyon, pero sa darating na Final 4, bawat possessions ay mahalaga kaya hindi magiging maganda kung gagawin nito iyon madalas.

Magkaganoon man, isang magandang senyales iyon dahil ibig-sabihin, patuloy talaga sa pag-i-improve ang player na ito.

"Sorry, pre," nangingiting winika ni Ricky na sinabayan sa pagtakbo si Macky papunta sa side ng SA para humanda sa depensa.

"Okay lang iyan, basta pagdating natin ng semis. Dapat mas maging maingat ka sa bawat gagawin mo--" seryosong sinabi ni Macky.

"Hindi natin kailangang manalo sa huling dalawang laro, pero mas mabuting umiwas muna tayo sa CU sa semis," dagdag pa ni Romero at pagkatapos ay tumigil na ito. Pinagmasdan nito ang papalapit nang si Martinez.

Pumwesto na rin si Rodel sa ilalim para bantayan si Ocampo na gumagalaw-galaw para makahanap ng pwesto.

Si Ricky, inihanda na niya ang kanyang sarili upang depensahan ang paparating na si Bautista.

Si Bautista, naging maingat sa paglapit niya kay Mendez at inalalayan lang niya ang kanyang dribbling. Kilala niya ang bumabantay sa kanya, isa itong magaling na defender. Gumalaw-galaw siya at humanap ng magandang pasa. Ang kanyang mga teamates ay humahanap na ng magandang pagkakataon.

Si Ocampo ay mabilis na lumapit dito para magbigay ng screen. Naalerto nga kaagad si Zalameda dahil malinaw na pick-en-roll ito.

Gagamitin ni Bautista ang height advantage ng kanyang center laban kay Mendez na pinakamaliit sa team ng CISA.

Napigilan ng screen na iyon ang pagdepensa ni Mendez at alam na rin naman iyon ng binata. Wala namang pagpipilian si Zalameda kundi ang depensahan si Bautista dahil kung hindi ay siguradong makakapuntos ito.

Sina Coloma (SF) at Valdez (PF) ay gumalaw palayo upang bigyan ng espasyo ang kanilang center na si Ocampo. Isa pa rin sa kahinaan ng CISA ay ang height!

"Gagamitin natin ang height advantage natin sa CISA. Sa larong ito, mas lamang pa rin ang mga team na mas mataas sa kalaban at iyu-utilize natin iyan sa labang ito," seryosong sinabi ni Coach Allan sa kanyang mga players.

"Si Mendez pa rin ang kahinaan ng CISA, magaling siyang dumipensa pero hindi sa lahat ng bagay ay makaka-steal siya!" Dagdag pa nito.

Tumakbo si Coloma papunta sa basket. Habang si Mendez, hinabol niya ito upang dipensahan ito.

Pataas na ipinasa ni Bautista ang bola sa kanilang center. Pagkasambot ni Ocampo ay hindi na niya iyon pinatalbog. Nanatiling hawak niya ito habang nasa taas at pagkatapos ay dalawang malaking hakbang ang kanyang ginawa palapit sa basket.

Si Mendez ay sinubukang sabayan at depensahan ito, subalit sa pagdikit niya rito at sa pagtalon naman ni Ocampo matapos ang dalawang hakbang ay narinig ng lahat ang silbato ng referee.

Natawagan ng foul si Mendez at kasabay noon ay ang pagpasok ng isang simpleng lay-up na ginawa ni Ocampo.

All 2 at isang bonus free throw pa ang naigawad kay Ocampo nang mga sandaling iyon.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now