Bola 51

2.2K 228 31
                                    

CHAPTER 51

NAIPASOK pa nga ni Rodel ang bonus freethrow, dahilan upang bahagyang mag-ingay ang CISA fans kahit malaki pa rin ang lamang ng CU. 11-27 ang naging iskor matapos iyon, at may natitira na lamang na apatnapung segundo sa first quarter.

Si Rommel naman ang nagdala ng bola sa pagpunta ng possession sa kanila. Maging siya nga ay nagulat din sa mga nangyari. May pumigil sa reverse lay-up ni Ibañez at may dumakdak naman sa kanilang malakas na sentro. Hindi niya nga maisip kung paanong naging ganito ang team ng kanyang kuya. Isa pa, nang magsimula ang CBL ngayong taon ay madalas niyang nakikitaan ang kanyang kuya na tila masaya ito. Iyon daw ang kaibahan nito sa nakalipas na tatlong taon nito sa CBL. Subalit, kahit daw siguro mangyari ito ay kampante pa rin siyang mananalo sila. Isa pa, malaki na rin ang lamang nila sa mga ito sa labang ito.

"Relax lang tayo team! Lamang tayo!" sambit nga ni Rommel na pinagmasdan ang kanyang mga kasamahan. Nakikita pa rin nga niya ang frustrations sa mukha ni Ibañez. Parang ayaw na nga muna niya itong pasahan, ngunit, tiwala pa rin naman daw siya rito.

Hiningi nga muli ni Ibañez ang bola at hindi naman nag-alinlangan si Alfante na ipasa iyon dito. Si Ricky at Benjo naman ay nagkatinginan at doon ay nagpalit ang dalawa ng dinidepensahan.

Dito nga ay si Mendez na ang humarap kay Ibañez. Alam na alam kasi ni Mendez na hindi na ipapasa ni Ibañez ang bola dahil sa kagustuhan nitong bumawi sa kanya. Sa natitirang oras nga ng unang quarter ay nagtagumpay rin naman daw siyang sirain ang laro nito.

Isang mabilis na dribbling nga ang ginawa ni Ibañez, at ang teamates niya ay nagbigay ng espasyo para rito. Isa na naman ngang iso-play para sa kanilang star player ang mangyayari, at ang crowd ay unti-unti na namang umugong dahil sa match-up na makikita nila.

Si Romero ay napangisi na lang sa ginagawa ni Mendez. Dinidikitan kasi nito ang katapat na si Ibañez, wala itong katakot-takot kahit lamang sa height ang binabantayan nito. Wala itong inuurungan kahit ito pa ang sinasabing pinakamagaling na college player sa probinsyang ito.

"Masyado kang makulit..." sambit ni Ibañez na hindi malaman kung bakit hindi niya malusutan ang kanyang defender. Napansin nga rin iyon ni Rojas kaya lumapit na ito ritong kasunod si Zalameda.

Isang screen ang ibinigay ni Rojas sa teamate nitong si Ibañez. Si Mendez ay bumangga sa katawan nito at doon nga ay napangisi na lang si Ibañez na mabilis na tumakbo papunta sa basket. Dito ay buong-lakas din siyang tumalon para gawin ang isang slam dunk. Ngunit bago pa man niya iyon mailagay ay may isang player ang tumalon upang sabayan ito. Si Zalameda ang dumipensa rito! Magkasama nga sa ere ang dalawa at dito ay napangisi si Ibañez dahil gusto niyang i-posterize ito.

"Ito ang lakas ni Ibañez!" sambit pa nga ni Rodel sa sarili at doon ay dumagundong ang napakalakas na crowd ng CU nang maidakdak nga nito ang bola. Bumagsak na lang si Zalameda matapos iyon.

Napangisi nga lalo si Ibañez matapos iyon. Tumingin pa nga siya sa crowd at mas lalo niyang pinalakas ang cheer ng mga ito para sa kanya. Samantala, tila wala lang naman iyon para kay Zalameda. Alam kasi niyang minsan ay may mga depensa talagang malulusutan ng malakas na kalaban. Makikita ngang kalmado pa rin siya sa kabila noon. Doon nga ay mabilis niyang inilabas ang bola at habang nagdiriwang si Ibañez sa gilid ay mabilis niyang ipinasa ito sa tumatakbong si Cunanan, na patungo na sa basket nila.

"Depensa!" bulalas naman ni Rommel para mapansin ng mga kakampi niya ang pagsalisi ng CISA sa munti nilang pagdiriwang.

Nasambot nga ni Cunanan ang bola at si Rommel naman ay naabutan pa rin ito. Doon na nga ngumisi si Kier, dahil alam niyang magaling si Rommel Alfante... Ngunit.

Pinatalbog ni Cunanan ang bola at lumihis naman agad pakaliwa ang kanyang defender. Sumasabay nga ito sa kilos niya, at sa kanyang pag-abante ay bigla niyang iniikot ang kanyang bola papunta sa kanyang kanan. Mabilis din siyang lumihis ng takbo matapos iyon.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now