Bola 74

1.9K 235 58
                                    

PAGKABALIK nina Benjo sa pool na malapit sa cottage nila ay agad din nilang ipinamalita ang nalaman nila kay Ricky. Nagulat ang ilan nang marinig na kilala ni Mendez ang pinapatasya nilang si Clowie Cervantes. Ang ilan nga ay napalabas mula sa pool para kunwari'y dadaan sa kabilang pool, pero ang totoo'y titingnan lang nila ang dalaga.

"Hanep ka Ricky, chickboy ka pala!" Wika ni Reynan habang lumalakad sa pool palapit sa binata.

Napailing na lang si Ricky nang marinig iyon, hindi raw siya chickboy at wala raw siyang chix.

Si Kier nga ay napatawa na sinundan ng tingin kay Macky na muli na namang tumalon sa pool para lumangoy.

"Walang-wala sa iyo ang ace player nating takot sa babae," natatawang winika ni Kier na nakasandal sa gilid ng pool habang nakalubog ang katawan sa tubig.

"May syota ka ba Kier?" Biglang naitanong ni Ricky rito. Tila napaisip kasi siya dahil ni minsan ay hindi niya nakitang may kasama ito. Alam lang niya ay may girlfriend na rin ang kanilang team captain, kaso taga-Batangas ito.

Sandaling ngumiti si Kier.

"Meron, nasa Manila siya-- LDR," wika ni Kier kay Ricky na sandaling naalala ang kanyang girlfriend na huli pa niyang nakita noong bakasyon. Ang araw na sinagot siya ng dalaga.

"Mama, papa! Si Kier po-- manliligaw ko po!" Pakilala ng dalaga sa kanya nang yakagin siya nito sa bahay nito.

Retiradong sundalo ang ama nito at tatlong pulis ang kapatid nito na puro lalaki. Ang kanyang nililigawan ay ang bunso at ang nag-iisang babae sa magkakapatid.

Dati na ngang ikinwento ng dalaga kay Kier kung gaano ka-estrikto ang kanyang ama at mga kuya niya sa kanya. Pinagbabawalan din siyang magkaroon ng boyfriend dahil pag-aaral daw ang unahin. Pero mapilit siyang ligawan ito, at nang malaman niyang kailangan niya munang magpaalam sa magulang ng dalaga-- Sinabi niya sa dalaga na kaya niyang gawin iyon.

Ngiti lang ang itinugon nito at nang huli nilang pagkikita ay dinala siya ng dalaga sa bahay nito. Noong una ay tila walang kaba si Kier, pero nang maramdaman na niya ang atmospera sa loob ng bahay ng dalaga-- Doon na bumalon ang butil ng kaba sa kanyang dibdib.

Napilitan na lang si Kier na napangiti sa harapan ng bigotilyong ama ng dalaga na kahit may edad na ay makikitang matipuno pa rin. Mas matangkad din ito sa kanya. Kasunod din noon ay ang pagdating ng mga kapatid ng kanyang nililigawan na malalaki ang boses at parang mas nakakabang pakinggan. Bukod din doon ay masama rin ang tingin sa kanya ng mga ito.

Nang mga sandaling iyon, parang gusto na ni Kier tumakbo palabas. Pakiramdam niya ay papatayin siya sa loob ng bahay ng kanyang nililigawan. Parang pakiramdam niya ay napasubo siya rito.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Ricky na tila interesadong-interesado sa kinkwento ni Kier sa kanya habang ang ilan nilang mga kasama ay lumalangoy sa pool at ang iba naman ay naglilibot sa buong resort.

Tumingin sa malayo si Kier.

Kabadong-kabado siya nang mga oras na iyon. Walang masabi sa kanya ang kanyang nililigawan. Maya-maya pa ay tinawag ito ng mama nito at dumiretso ang dalawa sa kusina.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora