Bola 59

1.9K 291 110
                                    

UMIIKOT sa ere ang bola nang mga sandaling iyon. Lahat sila ay nakaabang doon kung papasok ba iyon o hindi. Ang resulta ng tirang iyon ni Ricky ay maalin lang sa kung sila ba ay panalo o hindi.

"Pumasok ka!" Bulalas ni Ricky at doon ay napamulat siya mula sa kanyang pagkakatulog.

Ramdam pa ni Ricky ang sakit ng kanyang katawan mula sa laro nila kahapon. Sariwa pa rin sa isip niya ang huling tira na ginawa niya.

"Sayang..." Iyon ang nasambit niya matapos pumasok nang hindi inaasahan ang kanyang three point shot. Bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kahapon.

Ang unang beses na tumira siya ng tres...

Pinatahimik noon ang mga manonood, maging ang mga players ng CU. Napatingin na lang siya sa kanyang kanang palad. Hindi niya maisip na makakagawa siya ng three point shot.

Sina, Reynan, seryoso at tahimik siyang nilapitan. Si Macky, pawisang-pawisang inakbayan si Mendez habang kasunod sina Kier at Rodel.

"Tatalunin natin sila sa sunod nating paghaharap..." seryosong sinabi ni Macky na makikita sa mukha ang panghihinayang. Hindi counted ang tira ni Ricky dahil naunang tumunog ang buzzer bago niya iyon bitawan.

Si Karlo Ibañez, biglang napakuyom ng kamao matapos iyon. Alam niyang panalo sila, pero hindi niya maramdaman iyon. Maging ang kanyang mga kasamahan ay ganoon din. Hindi nila matanggap na muntikan pa silang talunin ng CISA. Sa dinami-rami ng team ay sa CISA pa talaga.

Muling ni-review ng mga referee ang tira ni Mendez, ngunit malinaw na makikita sa replay na hindi ito counted. Ang mga taga-CU, hindi basta makapag-ingay kahit sila ang nanalo. Nasa isip nila na sila ang pinakamalakas na team sa CBL, ngunit muntik na silang talunin ng CISA. Isa pa, karamihan sa kanila ay nakita kung paano naglaro ang kalaban ng kanilang team. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ang karamihan ng respeto at paghanga sa team na binansagang winless noon. Ipinakita ng CISA na kaya nilang talunin ang CU at hindi iyon maganda para sa koponan nila.

Pumila na sa gitna ang lahat ng mga manlalaro. Nagkaharap-harap ang lahat. Nanatiling tahimik ang lahat hanggang sa may isang pumalakpak mula sa crowd na sinundan ng karamihan.

"Maraming salamat CISA sa magandang laro!" sigaw ng karamihan at nabigla ang mga taga-CISA nang marinig nila iyon.

"See you on Finals, Coach Erik," ani Coach Wesley kay Coach Erik na ikinabigla ng mga players na nakapakinig noon. Nagkamay pa ang dalawa pagkasabi noon.

Napakuyom ng kamao si Ibañez nang marinig iyon mula sa kanyang coach. Ibig-sabihin lang noon ay ni-recognize ni Coach Wesley ang CISA bilang isang malakas na team.

Napatingin pa si Coach Wesley sa mga players ng CISA. Napapailing siya dahil kung sakaling nakapagpahinga ang mga starting players ng CISA ay hindi siya sigurado kung mananalo sila.

Isa pa, tumatak sa isip din niya ang ginawa ni Ricky Mendez. Sa pagkakaalam niya ay isa itong baguhan. Nakita niyang maaasahan ito sa depensa at hindi sa opensa. Ngunit nang makita niya ang huling tira nito, isang bagay ang nasiguro niya. Hindi na siya magugulat kapag dumating ang araw na matututo na rin itong pumuntos na tulad ng isang star player. Ito ang player na dapat inaalagaan ng kahit sinumang coach.

Si Rojas, binati si Rodel at sinabing maganda ang ipinakita nito. Si Coach Wesley, binati rin si Kier at sinabing masaya siya dahil masaya ito sa CISA.

Isa-isang kinamayan ng mga players ang bawat isa ngunit isang player ng CU ang hindi kinamayan ng team ng CISA. Ni isa ay walang nakipagkamay kay Ibañez na medyo ikinapaisip ng mga players na kasama nito.

"Kuya? May problema ba kay Karlo?" tanong ni Rommel kay Reynan.

Seryosong pinagmasdan ni Reynan ang kanyang kapatid. Sa totoo lang ay lahat ng player ng CISA ay gustong suntukin si Ibañez dahil sa ginawa nito kay Mendez. Pero pinipigilan nila ng kanilang mga sarili.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now