Bola 31

2.5K 308 66
                                    

CHAPTER 31

HINDI nga nakapasok si Ricky kinabukasan. Suhestyon na rin nga ito ni Coach Erik sa kanya at naipagpaalam na rin nga siya nito sa kanyang mga professors. Kung tutuusin naman, ay kaya na ni Ricky na pumasok, pero dahil iyon ang sinabi sa kanya ng coach niya, ay wala siyang magagawa kundi sundin iyon. Isa pa, pinagbawalan din muna siyang mag-practice ng dalawang araw. Tutal, ang next game daw nila ay next week pa sa araw ng Miyerkules.

Kasalukuyan ngang nakaupo si Ricky sa salas habang pinapatalbog ang bola. Siya nga lang mag-isa ang nasa bahay nang sandaling iyon. Masaya nga siya dahil nakadalawang panalo na ang kanilang team. Hindi na nga sila winless team. Masaya rin siya dahil nakita niya ring masaya ang kanyang teamates. Hindi nga niya lubos maisip na magiging ganito ang lahat. Nang makasali kasi siya sa team, ay tanging sina Macky, Kier at Reynan lang ang nakikita niyang seryosong maglaro... Pero nitong pahuli, ay tila halos lahat na. Hindi nga niya alam kung paano nangyari iyon, pero ang importante sa kanya ay nagkaroon na sila ng teamwork sa CISA team.

Pinatalbog nga niya nang mabilis ang bola. Napangiti siya sandali sa tunog noon. Mas na-inspired pa nga siyang maging mas magaling sa paglalaro ng basketball. Doon nga ay hinawakan niya ang bola at pagkatapos ay tumira siya sa hangin.

Isang pagkalampag nga ang narinig sa loob ng bahay ni Ricky. Napasarap nga ang binata sa pagtira ng bola at hindi napansing wala palang ring dito. Dumiretso nga ang bola sa kusina at tumama sa mga basong nasa ibabaw ng lamesa. Napatakbo tuloy siya at tumalon padapa para isalba ang mga baso. Kaso, nakalusot iyon sa kanyang kamay. Nabasag nga iyon kaagad dahil sa taas ng pinanggalingan.

Natawa na nga lang si Ricky sa sarili. Siguradong masesermonan daw siya mamaya. Agad nga niyang nilinis ang mga basag na bahagi ng baso sa sahig at pagkatapos ay kinuha ang bola at mabilis na ibinalik sa loob ng kanyang kwarto.

Boring. Iyon nga ang nararamdaman niya. Kinuha na nga lang niya ang kanyang phone at nagbukas ng facebook para magtingin ng newsfeed. Nakita nga niya ang post ng CBL Fanpage. CISA vs. Minscat Highlights ang pangalan ng bagong uploaded na video roon. Hindi nga niya alam na may ganito na palang pinapauso ang fanpage ng tournament.

Humiga nga si Ricky at pinanood ang 3 minutes video. Naroon nga ang mga highlights ni Avenido at Gado. Nagulat na nga lang siya nang makita niya na may highlight din siya roon, ito nga ay ang steals niya at ang pinakahuli, ang paghabol niya sa bola na papalabas na sa court. Nagpatuloy pa ang video hanggang sa umabot sa mga highlights ni Macky.

Doon ay napatitig si Ricky sa video at napabangon. Napaseryoso nga siya habang pinapanood ang nalalabing minuto ng video.

"Ang galing..." Iyon na lang ang nasambit ni Ricky. Napatayo nga siya. Tumatak nga bigla sa isip niya ang ginawa ni Macky. Hindi pa niya iyon nakikita dati, pero mukhang alam na niya ang isa sa malaking rason kung bakit nila natambakan ang Minscat. Kahit siya nga ay hindi lubos maisip na tinambakan nila ang kalaban, ngunit matapos ang video na iyon, ay parang may kung anong kumanti sa sarili niya. Agad nga niyang kinuha ang bola at pinatalbog iyon. Napaseryoso siya lalo nang sandaling iyon. Naisip niyang mas dapat pa raw niyang galingan. Na mas dapat pa siyang mag-practice, dahil kung ganoon maglaro si Macky...

"Dapat mas gumaling pa ako para matulungan ang mga kasama ko..."

Biglang ngang pumikit si Ricky at nagpatalbog ng bola nang nasa ganoong estado. Naisip niyang sa dribbling, ay hindi na raw tumitingin sa bola ang mga magagaling. Ibig-sabihin, ay alam na raw nila kung saan pupunta ang bola. Kaya na rin nilang kontrolin ito at kaya nilang linlangin ang defender gamit ito.

"Ako ang sasabay sa bola. Sasabayan ko ito..."

"Dapat kalmado lang..."

Habang nakapikit si Ricky, biglang may imahe na lumabas sa kanyang isip. Si Ibañez! Binabantayan daw siya nito. Kung may makakakita nga sa kanya ay matatawa siguro dahil tila baliw si Ricky sa loob ng kwarto nito.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now