Bola 27

2.7K 176 51
                                    

CHAPTER 27

SERYOSONG umiinom ng tubig si Benjo Gado sa kanilang bench habang nakatingin sa scoreboard. Tila nga bumalik sa alaala niya ang mga taon niya sa CISA. Ni minsan ay hindi siya nakaranas ng ganitong hustle gaming nang n aglalaro siya sa mga iyon. Saglit din nga siyang napatingin sa bench ng dati niyang team. Nakikita nga niyang tila masaya ang mga naroon. Napaseryoso na nga lang siyang muli. Para nga sa kanya, ay masyado pang maaga para mag-celebrate.

"Royce..." mahinang tawag nito sa katabing teamate.

Tinapos muna ni Avenido ang pag-inom ng tubig bago sumagot.

"Bakit p're?"

Napatayo si Benjo. Hindi niya nga hahayaang matalo sila rito. Hindi! Dahil laban ito sa dati niyang school. Kaya nga raw siya lumipat ay para manalo. Kung matatalo sila ay magiging isang malaking sampal ito sa kanila lalo na sa kanya.

"Ako ang bahala sa opensa natin sa sunod na quarter. May gusto lang akong patunayan sa kanila," seryosong winika ni Benjo na ikinangiti naman nang marahan ng kakampi niyang si Royce.

Tumayo na nga rin si Avenido at pinagpapalo nang marahan ang mga kakampi.

"Umayos kayo! Hindi ko gustong matalo sa CISA. Ayaw ko ring pagtawanan tayo ng taga-ibang school." Napatingin nga si Royce sa audience, at may ilang players siyang namukhaan na hindi napapansin ng iba. Lalo na nga ang isang player na taga-CU. May isang naka-hooded jacket sa may dulo, at nakasuot ito ng mask, na tila nagtatago... pero kilala niya ang isang iyon.

"Ibañez..." Napangisi pa si Avenido.

"Sa sunod na quarter, si Benjo ang magdadala ng opensa. Kaya bibigyan natin siya ng space at screens." Napatingin pa si Avenido sa kanilang coach kung papayag ito sa sinabi niya. Gaya ng kanyang inaasahan, ay pumayag ito. Isa pa, kilala na ni Coach Niel si Royce kaya alam niyang maganda ang balak nito.

Tumunog na nga ang silbato ng referee. Iyon na ang hudyat sa pagsisimula ng second quarter. Hindi man napapansin ng iba, pero ang aura ni Benjo Gado nang tumapak ito sa court ay... Tila nag-iba. Parang may gagawin itong hindi maganda.

"May isa pang dahilan kaya lumipat ako ng school."

"Hindi ko ito magawang sabihin sa inyo dahil... Nahihiya ako sa inyong dalawa. Pati kay Coach... Pero ipapakita ko sa inyo kung ano iyon. Sorry, pero hindi kami matatalo sa game na ito," sabi nga ni Benjo sa sarili at inayos pa nito ang sintas ng kanyang sapatos. Inayos din nga niya ang wrist band sa kanang bisig niya.

Sa Minscat nga ang bola. Pagkakuha ni Manalo rito ay agad na dinipensahan ito ni Romero. Doon na nga tumakbo si Gado. Isang simpleng paggalaw nga lang ay nagawa niyang takasan si Cunanan. Nasambot din nito ang bola at doon ay mabilis siyang nag-dribble papunta sa side nila. Seryoso nga siyang binantayan ni Cunanan at halos hindi niya maiwanan basta.

Dahil dito ay doon na nga lumapit si Manalo at isang screen ang ibinigay nito. Tumakbo patungo sa kaliwa nito si Gado para maiwanan si Cunanan. Doon nga ay walang naisip na paraan si Romero kundi ang mag-switch sa pagdepensa rito.

Nagkatitigan pa nga ang dalawa nang sila na ang magkaharap. Isang mabilis na dribbling ang ginawa ni Gado. Naalala nga niya bigla ang mga one-on-one practice nila dati sa CISA. Palagi siyang natatalo ni Romero... Ngunit sa pagkakataong ito. Isang mabilis na pag-atras ng kaliwang paa ni Gado ang kanyang ginawa. Isang step-back jumper ang kanyang ginawa at hindi lang iyon, nasa three-point territory rin ito.

Napangisi si Romero dahil alam na niya ang galaw na iyon kaya mabilis niyang hinabol sa Gado, at sinabayan niya kaagad ito.

"Hindi mo pa rin ako matatalo..." wika pa nito, ngunit nabigla siya nang makitang nakangisi si Gado. Isa pa, hindi pa pala umaangat ang paa nito sa court.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt