Bola 83

1.5K 175 33
                                    

ANG araw ng Calapan Basketball League semi-finals ay dumating na. Hindi man ito gaanong pinapansin ng mga normal na mamamayan sa lungsod, iba naman pagdating sa mga estudyanteng pumapasok sa bawat kolehiyo rito. Madalas na ang unang araw nito ay araw ng Linggo, kaya umaga pa lang, mapapansin na ang pagdating ng mga college students mula sa iba't ibang paaralan sa lungsod. Mayroon ding mga nagmula sa kabilang bayan at may mga highschool students din na interesadong manood ng semis na ito. Inaasahan nang dudumugin ang event na ito ng lahat ng mga estudyante at mga taong mahilig sa basketball.

Kumpara nga sa mga regular games na ginagawa sa bawat paaralan, iba na kapag nasa Final 4-- sa Calapan City Coliseum na ito gaganapin. Ito ang dahilan kaya mas dinudumog ang event na ito. Dahil sa malaking venue. Isa pa, sponsored ito ng City Gov't at ng Provincial Government. Nitong nakaraang taon nga ay may mga idinagdag na gantimpala ang mayor ng city at gobernador ng probinsya.

Ngunit hindi lang ito para sa premyo o para sa kung ano pa. Para sa mga teams na umaabot dito, isa itong achievement para sa paaralang pinapasukan nila. Isa pa, ang pakiramdam na mag-kampeon sa CBL ay ibang-iba. Nakakataas lalo ito ng kompyansa ng isang manlalaro at mas nagiging seryoso ang mga ito na maglaro ng basketball. Sa lahat ng liga, kahit saan man sa mundo-- ang pagkakampeon ang hangad ng sinumang lumalahok dito. Kaya lahat ng mga players ay nagpupursige na mag-kampeon dahil napakasarap sa pakiramdam bilang isang manlalaro ang makamit ito.

Nakakatulong din ang pag-abot sa Final 4 upang dumami ang estudyante na mag-e-enroll sa mga paaralang kinabibilangan nila. Isa rin itong advertisement sa bawat paaralan dahil nagagawa nito i-set ang isip ng ilan na pumasok sa paaralang hinangaan nila sa CBL.

Alas syete pa lang ng umaga, ngunit ang loob ng venue ay halos mapuno na kaagad. Hindi lang iyon, napakarami ring sasakyan ang makikita sa labas at marami pa ring mga manonood ang hindi pa nakakapasok sa loob.

Live din ngang mapapanood ang laro sa Calapan City Channel kaya para sa mga mahihilig sa basketball na hindi makapunta rito, mapapanood pa rin nila ang CBL kahit nasa bahay sila. Hindi lahat ng taga-lungsod ay mahilig sa basketball, ngunit karamihan din sa mga taga-rito-- ay panatiko ng sports na ito.

Alas-otso y medya ang simula ng Game 1, DWCC Green Archers laban sa CISA Flamers. Ang karamihan sa manonood ay ito ang hinihintay dahil sa biglang pagpasok ng CISA rito. Ni minsan ay hindi nila naisip na aabot ang koponang ito rito sa kabila ng pagiging winless sa nakalipas na mga season ng CBL. Gusto nilang malaman kung hanggang saan ang breakout season na ito ng koponan na ito-- kung may ibubuga ba o hihintayin na lang nila ang mga ito sa susunod na season.

Sa bahay naman ng magkapatid na Alfante, kasalukuyang kumakain ng agahan ang magkapatid. Napapangiti na nga lang ang kanilang magulang dahil ang dalawa nilang anak ay nakapasok sa Final 4. Lalo na nga sa panganay nilang si Reynan-- na ngayon lang nakaabot dito.

"Goodluck sa game ninyo Rommel," nakangiting sinabi ni Reynan sa kapatid na kakatapos lang kumain.

Hindi siya pinansin ni Rommel at tumayo na pagkatapos.

"Tatalunin namin ang DWCC at aagawin sa inyo ang championship!" Seryosong winika ni Reynan sa kapatid.

Si Rommel, napatigil nang marinig iyon. Nagdilim ang paningin nito at napangisi.

"Masyado kang mayabang kuya. Masyado ka na yatang kampante-- iniisip mo bang ganoon lang iyon kadali?" Seryosong sambit ni Rommel.

Tumayo na si Reynan upang mag-toothbrush at humanda na para sa pag-alis nila. Nilapitan niya ang kapatid. Pagkatapos ay tinabihan habang nakapatong ang isang kamay sa balikat nito.

"Walang madaling panalo! Pinaghihirapan ito!" Nakangiting binanggit ni Reynan na biglang naalala ang kanyang mga teamates.

"Hindi sa kompyansa ako-- alam ko kasing kaya namin. Alam ko-- may laban kami Rommel!" Sambit pa ni Reynan at pagkatapos ay nilampasan nito ang kapatid.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt