Bola 82

1.6K 148 51
                                    

ISANG pusong naguguluhan. Isang damdaming hindi maintindihan. Marami na ang mga nangyari bago ito muling bumalik. May pusong tila nabihag dahil sa paghanga at may pusong inakalang nabihag dahil sa palagi nitong pagdamay sa kanya.

Minsan, hindi man aminin at hindi man sabihin, may mga bagay na sa oras na bumalik ay awtomatikong ibabalik din sa isip ng nito ang mga sandaling kasama ito-- nakapiling ito, mga alaalang sinubukang kalimutan at sinubukang ilisan sa isipan.

Hindi maiiwasang makasakit. Hindi rin maiiwasang may maiwan. Nasa tao ang magiging desisyon kung ano ba talaga ang dapat. May mga matang huhusga, ngunit sa huli, tanging ito lang ang magdedesisyon para sa kanyang sarili.

Sasaya ba siya o masasaktan dahil mali ang pinili niya?

May iiyak-- May masasaktan. Pero sa totoong buhay ay kasama talaga ito. May mga desisyon na dapat pag-isipan. May mga bagay na kailangang panindigan.

Seryosong nakatingin si Ricky Mendez sa kanyang sarili nang umagang iyon. Ilang araw na lang at magsisimula na ang semis ng CBL. Sa huli nilang laban, nanalo sila, ngunit tila isa na namang insulto sa kanila ang ginawa ng team na iyon. Puro bench players lang ang naglaro. Ni hindi rin dinumog ng DWCC fans ang gymanasium nila sa huling laro nila dahil tila alam na ng mga ito kung sino ang panalo at batid na rin na ibibigay na ng kanilang team ang laban.

Nagpatalo ang DWCC dahil kitang-kita ito sa laro nila. Pinagpahinga na nila ang kanilang starting players para sa paghahanda sa semis na malapit nang maganap.

Ang mapang-asar na ngisi ng kambal na Agoncillo sa buong team ng CISA nang matapos ang game ay ang tila nagpakuyom ng kamao sa buong koponan ni Mendez. Si Ricky, seryoso namang nakaupo sa bench at hindi nakapaglaro dahil hindi pa tapos ang pahingang ibinigay rito ng doktor. Isa pa, ipapatingin muli niya ang kanyang paa upang masigurong handa na ito at kung makakapaglaro na sa Game 1 ng semis.

"See you sa Game 1," sambit ni Trey Agoncillo sa buong team ng CISA habang nakasuot ang mga kamay sa loob ng shorts.

"Maghanda kayo dahil-- ipapakita namin sa inyo na wala kayong binatbat sa team namin," sabi naman ni Troy na seryosong nakatingin kay Romero na seryoso ring nakatingin dito.

"Mayayabang. Kakainin ninyo ang sinabi ninyong iyan," nakangisi namang sagot ni Kier sa dalawa at pagkatapos ay nag-thumbs down pa ito bago tuluyang bumalik sa bench.

Hindi maramdaman ng CISA varsity ang pagkapanalo sa larong iyon, pero, sa totoo lang, mas dapat silang maghanda sa pagsisimula ng totoong laro sa CBL.

Seryosong pinagmasdan ni Kier si Mendez na nakaupo sa bench nang bumalik siya rito. Napatingin si Ricky rito pero nanatiling malamig ang pakikitungo nito rito.

"Tss..." Sambit ni Kier na kinuha na ang gamit at umuna na sa labas ng gymnasium dahil uuwi na raw ito.

Tumayo si Ricky nang magsibalikan ang kanyang mga kasama.

"Congrats mga pre!" Masayang winika ni Ricky sa mga ito. Isang mapait na tingin naman ang isinagot ng ilan. Samantalang si Reynan ay tinapik na lang siya ang balikat.

"Sana makalaro ka sa game 1. Doon na magsisimula ang totoong laban," mahinang sinabi ni Reynan dito.

Si Macky naman ay kinuha na rin kaagad ang gamit at seryosong umalis. Iniwanan nito ang mga kasamahan na kasalukuyan pa lang na nag-aayos ng gamit para umalis.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now