Bola 21 (#8 #24)

2.6K 166 45
                                    

CHAPTER 21

HINDI isang panaginip ang nangyaring pagkapanalo ng CISA sa una nilang game ngayon sa CBL, bagkus ay isa iyong panalo na kanilang pinaghirapan. Wala nga ni isa sa mga ito ang umako ng kredito dahil lahat sila ay may iniambag sa larong iyon. Hindi na nga sila isang winless team. Sabihin man daw ng iba na ang padalawa sa huli na school ang kanilang tinalo, ngunit hindi raw maiaalis nito ang katotohanang nanalo't nanalo pa rin sila.

Umuwi nga si Reynan na hindi maalis sa sarili ang saya. Ang hinihiling niyang panalo ay sa wakas... nakuha na niya sa huli niyang season sa CBL.

"Congrats anak," ito ang bungad sa kanya ng ama niya nang makitang pumasok na ito sa loob ng kanilang bahay. Napatingin pa nga si Reynan sa paligid matapos magpasalamat. Naroon na nga ang kanyang kapatid. Kasalukuyan itong nanonood ng replay ng isang NBA game sa TV. Gaya nga ng inaasahan, isa iyong laro ng paborito nilang team. Ang Los Angeles Lakers!

"Magandang gabi anak... Congrats. Sabi ni Rommel ay nanalo raw kayo," wika naman ng kanyang nanay na ĺumabas mula sa kusina. Doon ay nalaman ni Reynan na alam pala ng kanyang kapatid ang resulta ng game nila kanina. Kung sabagay, marami raw sources ang kanyang kapatid, lalo na't taga-CU ito.

Inilapag na nga ni Reynan ang kanyang bag at sandaling sumulyap sa telebisyon. Napansin niyang hindi umaalis ang mata ng kapatid sa panonood. Alam kasi ni Reynan na super idol ng kanyang kapatid ang player na may number 24 ang jersey sa team ng Lakers.

"Yess!" napasigaw pa nga si Rommel nang isang three-point shot mula kay
Kobe Bryant ang pumasok dahilan upang lumamang ang team nito. Doon na nga napasulyap ang binata sa kuya nito na nakatingin naman sa kanya.

Napa-umis na lang ang labi ni Rommel at tumingin muli sa TV.

"Congrats. Sa wakas ay tinalo ninyo ang padalawa sa mahinang school..." wika ni Rommel. Ngumiti na lang naman si Reynan sa narinig. Sanay na raw siya sa ugaling ito ng kapatid niya, pero hindi noon matatanggal ang saya dulot ng una niyang pagkapanalo sa CISA kanina.

"Hindi pa kami tapos... may walo pang games... At pagpapaguran namin ang susunod naming panalo," seryosong winika ni Reynan. Alam niyang ito ang huli niyang CBL season kaya hindi raw siya dapat tumigil at maging masaya sa unang panalong iyon.

"Pagpapaguran ko ang bawat laban... at hindi kami titigil hangga't hindi nananalo!" sabi niya sa sarili at sinulyapan ang telebisyon. Gusto nga niyang tularan ang mentality ng kanyang idol na NBA player.

Ang Mamba Mentality!

Dumiretso na nga si Reynan sa loob ng kanyang kwarto at nagpalit ng damit. Naglinis rin ito ng katawan bago iyon at pagkatapos ay pumunta na siya sa salas para samahan ang kapatid sa panonood. Hindi man sila magkasundo... pero pagdating sa idolo at paboritong koponan sa NBA, ay parehong-pareho sila.

NABASA naman ni Macky ang text ng kanyang kaibigang si Reynold nang siya'y makauwi. Binati siya nito sa unang panalo. Kaunting pahinga nga lang nga ang kanyang ginawa at agad na siyang pumunta sa maliit na court sa likuran ng kanilang bahay. Binuksan din niya ang ilaw doon at kinuha ang bola.

Pinatalbog niya iyon habang inaalala ang laro kanina. Aminado siyang magaling siya, pero may mga players pa rin sa CBL na kaya siyang pigilan at kaya rin siyang higitan pagdating sa skills.

Pinakawalan nga niya ang isang malayong jumpshot mula sa kanyang pwesto. Umarko nga ang bola patungo sa basket at hindi iyon pumasok. Doon ay mabilis naman siyang tumakbo upang sambutin ang tumapon na bola.

Pagkakuha niya ng bola ay inilabas niya iyon at pumunta sa labas ng free throw line. Seryoso muna niyang pinagmasdan ang basket. Tila ba may nakikita siyang kalaban sa kanyang isip. Pinatalbog niya na nga ang bola at tinalikuran ang invisible na kalaban.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now