Bola 35

2.2K 232 43
                                    

CHAPTER 35

PANSIN na pansin ng mga estudyante ng CISA na lumalampas sa maliit na covered court ng gym ang tila ganado ang pagpa-practice ng varsity team nila. Makikita kasi sa bawat isa ang seryosong paglalaro at hataw kung hataw sa mga paggalaw. Pagkatapos ng pagtakbo ay sinundan naman iyon ng pagtakbo habang nagdi-dribble ng bola. Pagkatapos uli noon ay isa-isa namang pinatama ng mga players ang bola sa board ng basket na kung saan ay sasambutin naman ito ng nasa likuran nila at paulit-ulit lang nilang gagawin iyon hanggang sa huling player sa linya.

"Assemble!" malakas na tawag naman ni Coach Erik at biglang pumila nang maayos sa harapan niya ang kanyang mga pawisang players. Tanging sina Kier at Macky nga lang ang wala roon. Magkaganoon man ay naninibago nga si Erik sa ipinapakita ng kanyang team. Nakakatuwa raw ang pagbabagong ito ng kanyang mga manlalaro.

Nag-practice shooting nga naman ang team. Sa ilalim ng basket ay naroon naman si Reynan para saluhin ang bola kung magmimintis. Si Rodel nga ay lumapit din sa kanilang captain at bigla itong nagsalita.

"Captain, okay bang sa next game ay ako ang starting center? Pwede bang ikaw muna ang power forward?" seryosong tanong ni Rodel na pakinig din nga ni Coach Erik.

"Bakit Rodel?" tanong ni Coach.

"Coach... Kailangan natin ng rebounding ability sa game. Tanda ko po last game natin, nahirapan tayo sa rebounding. Kung bibigyan ninyo ako ng chance ay hindi ko kayo bibiguin."

Ramdam nga ni Coach at ni Reynan ang sinseridad at kaseryosohan ni Rodel. Si Rodel, ay isang third year student. Naalala nga bigla ni Coach ang araw na nag-try out ito. Si Rodel ay nakapasok agad sa varsity dahil kailangan talaga nila ng additional member nang oras na iyon. Tanda rin ni Coach na masipag mag-practice ang player niyang ito. Kaso, dahil sa laging pagkatalo nila ay tila tumamlay ito. Parang ito raw yata uli ang pagkakataon na nakita niyang seryoso sa basketball ang player niyang ito... Kaya naman ay naisip niyang bigyan ito ng pagkakataon. Isa pa, halos lahat ng players niya ay dapat na binibigyan ng pagkakataong magpakitang gilas sa basketball. Alam niyang team game ang sports na ito kaya bakit daw niya hindi susubukan ang isang ito?

"Sige Rodel, next game... Ikaw ang starting Center ng team!" nakangiting wika ni Coach at biglang naging masaya agad si Rodel.

"S-salamat Coach! Captain! Hindi ko kayo bibiguin!" wika pa ni Rodel at agad na kinuha ang bola at nag-practice shooting na rin ito.

Hindi naman maiwasang mapangiti ni Reynan. Masaya siya sa unang panalo, at mas naging masaya siya na nanalo uli sila... Pero, mas masaya rin siyang makita na lahat ng kanyang mga kakampi ay seryoso nang maglaro. Ito na ang last year niya at hindi niya lubos maisip na ngayon niya mararanasan ang ganitong pakiramdam sa paglalaro niya sa CISA.

Napatingin pa nga si Reynan kay Ricky na nagpa-practice sa dribbling. Tinatakbo nga nito ang gilid ng court habang nagda-drive ng bola.

"Sabayan lang ang bola! Kalma lang!" wika nga ni Ricky sa sarili at sinabayan niya ang pagtalbog ng bola habang tumatakbo siya. Sandali rin siyang tumigil at pinapatalbog pa rin niya ang bola. Doon nga ay nilingon niya ang basket. Kasalukuyang nasa tapat naman siya ng free throw line nang sandaling iyon. Pinatalbog nga niya muli ang bola at hinawakan niya iyon pagkatapos. Inalala nga niya ang pinapanood niyang mga shooting technique sa Youtube. Inialalay niya ang kanyang kaliwang kamay sa bola at ang kanang kamay niyang malapit sa balikat ang magbibigay ng pwersa. Isinabay niya nga ang pag-angat ng kanyang braso ang pag-angat niya sa ere. Nang maramdaman niyang nasa taas na siya ay pinagmasdan niya ang basket. Doon nga ay pinakawalan niya ang bola mula sa kanyang mga kamay.

Dala na rin nga ng halos araw-araw na practice, na sinasabayan niya ng pagtakbo, ay tila natatantya na niya ang bola sa ere nang hindi niya nalalaman. Umarko na nga ang bola papunta sa basket at ang hindi alam ni Ricky, ay lahat ng mga kakampi niya ay nanonood sa ginawa niyang iyon.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now