Bola 7

2.1K 119 11
                                    

CHAPTER 7

BAGO ang araw ng pagbili ni Ricky ng sapatos ay sinabi ni Coach Erik sa team na sa darating na Sabado ay magkakaroon sila ng isang practice game laban sa isang tertiary school sa Calapan. Ang Southwestern College! Isa itong paaralan na karamihan ng kurso ay may kinalaman sa maritime. Isa rin sila sa mga malalakas na school sa CBL.

"Kaya be ready team! Masaya akong inimbitahan tayo ng kanilang coach para sa practice match na ito. Preparation na rin ito para sa darating na liga," wika pa ng coach sa team niya sa pagsapit ng hapon, kinabukasan sa CISA.

Napatingin naman ang pagod na pagod at pawisang-pawisan na si Ricky sa mga kasama niya sa team. Napansin nga niya nga ang pagseryoso ni Romero. Ganoon din nga ang kanilang team captain na si Reynan Alfante.

"Naalala ko pa ang laro natin last year... walang makapigil kay Rio Umali," winika ng isa sa kasamahan nila habang umiinom ng tubig.

"Oo nga p're, hindi rin ako makapaniwala na makakagawa ng 60 points ang isang iyon... sa team pa natin," dagdag naman ng katabi nito.

Narinig ni Ricky ang mahinang kwentuhan ng dalawa niyang teamates na wala sa starting 5.

"60 points? Mukhang magaling nga ang ex ng ate ni Andrei," wika naman ng binata sa sarili.

Napansin din nga ni Ricky na tila natuwa naman si Kier Cunanan nang malaman ang practice game na iyon.

"Rio Umali... sa wakas, makakalaban na rin kita nang maayos." Nangingisi na lang si Cunanan habang pasimpleng tinitingnan ni Ricky. Napalunok tuloy si Mendez at may kaunting kabang naramdaman. May naramdaman din nga siyang kabog at excitement sa magiging laro. Mapapalaban daw kaagad siya sa totoong laro at bigla niyang naisip ang kanyang inspirasyon.

Manonood kaya si Mika? Makakapaglaro kaya ako?

Simula nang makasali si Ricky sa team ay ni minsan ay hindi pa siya nakapaglaro ng basketball kasama ang teamates niya. Palagi kasi siyang pinapatakbo ni Coach Erik, pinapatalon at kung ano-ano pa na mga nakakapagod na bagay ang kanyang ginagawa tuwing practice. Hindi naman siya makapagreklamo dahil iyon ang pinapagawa sa kanya ng kanilang coach.

"Ricky! Gusto kong magkaroon ka ng stamina sa game... pasensya ka na dahil iyan ang gusto kong ipagawa sa iyo... May bagay lang kasi akong gustong subukan." Ito na lang ang sinabi ni Coach Erik sa kanya bago gawin ang mga bagay na iyon.

Napapaisip na lang si Ricky sa mga sinabing iyon ni Coach Erik sa kanya. Sa mga araw nga na nagdaan ay tila nga nakapag-adjust na rin ang kanyang katawan sa araw-araw na routine na ito tuwing magpa-practice sila. Kapag umaga ay madalas na rin siyang nagja-jogging pagkagising pa lamang.

Kaso, sa ilang araw na niya sa team, sa kasamaang-palad ay wala pa rin siyang nagiging kaibigan sa mga kanyang kakampi. Nahihiya naman siyang mag-approach lalo na't tila iba ang dating ng mga ka-team niya kumpara sa kanya.

"Mga basketball players talaga ang mga ito..."

"Naglalaro sila dahil gusto nila ang larong ito."

Napapaisip na lang nga si Ricky kung gusto niya rin ba ang sports na ito? At kagaya ng madalas niyang iniisip. Ang tunay na rason niya lang kaya sumali sa school varsity...

Para kay Mika!

KAHIT na madalas maging busy si Ricky sa pagiging isang varsity player, ay nakakahanga pa rin ang abilidad nito na mag-aral. Nagagawa pa rin kasi niyang manguna sa klase. Hindi pa rin niya napabayaan ang kanyang mga minor at major subjects.

"P're, hanga na talaga kami sa iyo, biruin mo... Nasa varsity ka... tapos, hindi mo napapabayaan ang pag-aaral?" papuri ni Andrei sa kanya. Kasalukuyan nga silang nasa cafeteria at nagmemeryenda nang oras na iyon.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon