Bola 24

2.8K 149 44
                                    

CHAPTER 24

LUNES. Makikita nga sa CISA ang pagiging abala ng ilang guro at mga estudyante sa loob ng maliit nilang covered court. Inilagay na nga roon ang mga gagamitin sa magiging laro mamayang hapon. Nakakabit na rin ang digital clocks sa may board at ang hindi kalakihang scoreboard sa may gilid. Kumpara nga sa ibang school, ay tila napapag-iwanan pa sila ng mga ito pagdating sa mga equipments. Magkaganoon man, may proyekto na namang nakalaan para sa kanila ang provincial government na magsisimula ng gawin. Ito nga ay ang magkaroon ng maayos na covered gym.

Excempted nga ngayong araw sa klase ang lahat ng players ng basketball team, kaya si Ricky ay hindi naka-uniform na pumasok. Kasalukuyan nga silang nasa loob ng isang classroom at kasama nila si Coach Erik. May meeting sila tungkol sa magiging laban nila mamaya.

Nag-discuss nga si Coach Erik ng mga info tungkol sa kanilang makakalaban. Kumpara raw sa unang laban, sa team na ito ay hindi iisa ang star player.

"May dalawang scorer ang team na ito at isang magaling na defensive na center."

"Ricky, ikaw ang magbabantay kay Royce Avenido! Ipapasok uli kita sa first 5."

Si Royce Avenido, isang Shooting Guard na nag-average ng 25 points per game last season. Matinik nga ang shooting nito at may handling skills din.

"Kier, ikaw ang tatao kay Benjo Gado!"

Doon na nga nagkatinginan ang mga magkaka-team nang marinig iyon. Kilala nila si Benjo, dati nila itong kasama sa team. Ito ang second scorer nilang sumunod kay Romero. Ngunit nitong last year sa CISA ay biglang nag-transfer ito sa ibang school, sa Minscat. Awtomatiko nga rin na kinuha ito ng varsity team doon dahil may taglay rin itong galing sa paglalaro ng basketball.

"Kilala ko siya coach. Isang matinik na shooter. Dati siyang CISA player," sambit ni Kier habang seryosong nakatingin kay Erik.

"Copy coach. Akong bahala sa isang iyan," dagdag pa nga nito.

"Ngayon ang kulang sa atin ay ang rebounding. Malakas na rebounding team ang Minscat. Mas lamang din sila sa height kumpara sa atin. Isa ring problema natin ay ang fast-pacing nilang paglalaro."

"Kaya n'yo ba silang sabayan sa takbuhan?" seryosong tanong ni Coach sa kanyang mga players. Nagkatinginan pa nga ang ilan sa mga ito at parang ayaw sumagot. Pakiramdam nga ng ilan ay hindi nila kaya.

"Kaya po coach!" mabilis na sagot naman ni Ricky na biglang ikinalingon ng mga kasama niya sa kanya. Walang pag-aalinlangan ang sagot na iyon ni Mendez na ikinangiti nang marahan ni Coach Erik. Ganoon din nga sina Cunanan at Romero.

"S-seryoso ka p're? Iba sila sa CLCC. Mga walang kapaguran ang team na makakalaban natin?" biglang sabi nga rito ni Ramil Reyes.

Doon nga ay tinawag ni Coach Erik si Ricky at pinapunta sa tabi nito sa unahan. Inakbayan nga niya ang binata.

"Ricky? Sure ka na masasabayan mo ang bilis ng mga kalaban mamaya?" Isang tanong nga mula sa coach na tila alam na rin nga niya ang isasagot ng binata. Isa lang baguhan si Ricky, pero nakikita niya tuwing practice nila na iba ito. Nakita na rin niya itong maglaro at ang masasabi niya... hindi man ganoon kagaling si Ricky sa ngayon, darating daw ang oras na gugulatin nito ang ibang school at mga players sa taglay nitong determinasyong maging magaling na basketball player.

"Kaya ko dahil team tayo. Gagawin ko ang makakaya ko para depensahan ang ibinigay sa akin ni Coach. Makakaya ko dahil alam kong makakaya rin ninyo iyon? Hindi ba?"

Napatawa si Alfante sa sinabi ni Ricky. Doon nga ay tumayo na rin ito at tiningnan ang mga kasamahan.

"Team! Masaya ba kayo na nanalo tayo ng isang laro? Paano kung kaya pa pala nating manalo?"

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon