Bola 79

1.7K 194 35
                                    

PAGKASAMBOT ni Kier sa bola ay mabilis siyang dinipensahan ni Mike Coloma. Ngumisi si Kier nang makitang dinidikitan siya nito. Mabilis siyang tumakbo pakaliwa at doon ay isang libreng espasyo ang naibigay ni Reynan sa kanya.

Bumangga sa screen si Coloma, mitsa iyon upang malayang makatira ng isang two-point jumper si Kier na mas nagpaingay lalo sa crowd ng CISA.

Sa paglipat ng possession sa SA ay muling hiningi ni Reynold ang bola. Doon ay mas umingay lalo ang crowd dahil isa na naman itong match-up sa pagitan ng dalawang ace player.

Si Martinez, laban kay Romero. Kapwa pawisan na ang dalawa at may natitira na lamang dalawang minuto sa natitirang quarter ng laro.

"Lumakas na nga ang CISA ngayon bro," wika ni Reynold na naliligo na sa pawisang suot na jersey. Pinatalbog niya ang bola at kalmadong lumakad sa harapan ng nakadepensang si Macky.

Napangisi naman si Romero.

"Kami ang magka-kampeon ngayon-- sinisiguro ko sa iyo iyan," sabi naman ni Macky na biglang humabol kay Reynold.

Binabaan ni Reynold ang kanyang dribbling. Pabilis iyon nang pabilis at paminsan-minsan ay pinapadaan niya iyon sa pagitan ng kanyang mga binti. Pinapakitaan niya si Romero ng kanyang dribbling at handling skills.

Si Reynold, bumigla ng paghakbang papunta sa kaliwa ni Macky. Nakalamang ito ng espasyo dahil pasimple rin nitong ginamit ang isa nitong bisig para i-delay ang paghabol mg kanyang defender.

Napa-wow ang SA crowd sa nasaksihan nila. Malulusutan na ni Martinez si Romero.

Subalit biglang lumitaw si Cunanan sa kanyang harapan. Ito ngayon ang pipigil sa kanya sa binabalak niya. Ngunit naging kalmado si Reynold at mabilis na hinanap ang binabantayan nitong si Coloma. Nakita niya iyon sa gilid ng kanyang paningin. Wala itong kabantay-bantay sa left wing ng kanilang court.

Isang maliksing dribbling ang ipinakita ni Reynold sa harapan ng dumidepensang si Cunanan at isang biglaang pagbato ng bola papunta sa kanyang kaliwa. Papunta sa nag-aabang na si Coloma.

Napangisi siya pero unti-unti iyong naglaho nang lumitaw ang mga kamay ni Romero na sasambutin ang bola bago pa man ito umabot sa kanyang kakampi.

"Nice pass bro," sambit ni Macky at doon ay bigla nitong ipinasa ang bola nang walang tinginan papunta sa likuran.

Nagbago na si Macky sa kanyang mga mata, dati'y hindi ito nagpapasa pero sa mga huling laro nito na napanood ni Reynold. Hindi na ito ang nakilala niyang buwaya sa bola.

Mabilis na hinabol ni Reynold ang kumawalang si Cunanan. Mabilis itong tumakbo sa side nila at nakangising sinambot ang bola mula sa pasa ni Romero.

Mas binilisan ni Reynold ang paghabol dito at sa pagtalon ni Cunanan para ilagay ang bola sa basket ay napangisi siya bigla. Buong-lakas na tumalon si Reynold at alam niyang mahuhuli niya ang bola.

Nasa ere na si Kier at Reynold.

"Huli ka ngayon," sambit ni Reynold na bubutaan na ang gagawing pagbitaw ng bola ni Cunanan.

Pero ibang direksyon ang ginalawan ng bola. Isang biglaang pagbato ng bola pataas ang ginawa ni Cunanan na ikinabigla ni Reynold. Sa paglapag ng dalawa sa sahig ng court ay isang anino ang tumabon sa dalawa.

Si Reynan Alfante! Mabilis itong nakahabol at hindi na ito naabutan ng bantay na si Valdez dahil sa bagal nito. Pagkasambot nito sa bola habang nasa ere ay isang malakas na two-handed dunk ang kanyang ipinakita sa buong crowd.

Nagwala ang buong homecrowd na halos marinig nasa labas ng maliit na paaralan ng CISA. Isa iyong malinaw na paniniguro na sila na ang panalo sa larong ito. Lamang na sila ng dalawampu at kaunti na lang ay papatak na sa isang minuto ang natitira sa oras.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now